01/06/2026
“Ano, tara? Brigada na!”
BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF
Sinimulan ngayong araw ang Brigada Eskwela 2026 sa ating paaralan. Sa pangunguna ng ating Punong G**o, Ma’am Carol S. Villegas, Brigada Eskwela Coordinator, Ma’am Sofia Valdecantos, Master Teachers, at mga G**o, katuwang ang mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras at lakas upang maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Lubos ang aming pasasalamat lalo na sa mga magulang at estudyanteng buong pusong nakibahagi sa gawaing bayanihan.
Inaanyayahan pa rin namin ang lahat na makiisa sa mga susunod na araw ng Brigada Eskwela. Maaaring magdala ng mga kagamitang tulad ng walis tambo, walis tingting, dustpan, basahan, pintura, paint brush, garden tools, trash bags, cleaning materials, at iba pang kagamitan na makatutulong sa paglilinis at pagpapaganda ng ating paaralan.
Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng bayanihan para sa kalidad na edukasyon ng bawat bata.
Layag na Baesa! ⛵️
12/05/2026
📢 ANUNSYO PARA SA ENROLLMENT SA ALS 📢
Magandang araw!
Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at matatanda na hindi nakapagtapos ng pag-aaral na magpatala sa Alternative Learning System (ALS).
📝 ENROLLMENT PARA SA ALS AY BUKAS NA!
📅 Simula Mayo 13,2026
⏰ Oras: 9:00 ng umaga – 3:00 ng hapon
📍 Lugar: Baesa Elementary School
👩🦰 Hanapin si: Gng. Janette D. Obaña, ALS Implementer
Ang ALS ay para sa:
✅ Out-of-school youth
✅ Mga working student
✅ Mga hindi nakapagtapos ng Elementarya o Sekondarya
✅ Mga nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral
📌 Magdala ng mga sumusunod:
• Photocopy ng Birth Certificate
• 2x2 ID Picture
• School Record kung mayroon
• ALS Enrollment Form
Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-aral at makamit ang inyong mga pangarap!
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa ALS Teacher o sa opisina ng paaralan.
“Edukasyon para sa lahat, ALS ang daan sa magandang kinabukasan!”
03/05/2026
📢 ANUNSYO SA PAGPAPATALA (ENROLLMENT)📢
Ang Baesa Elementary School ay bukas na para sa Enrollment para sa Taong Panuruan 2026–2027.
🗓️ Simula: Mayo 04, 2026
⏰ Oras: 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
📍 Lugar: Baesa Elementary School
Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral, bagong pasok man o balik-eskwela, na magpatala na sa itinakdang petsa at oras.
📌 Mga Paalala:
>Dalhin ang kinakailangang dokumento (Birth Certificate, Report Card, at iba pa kung kinakailangan)
>Sumunod sa mga alituntunin ng paaralan
Para sa ibang detalye tingnan ang larawan.
Mag-enroll na at maging bahagi ng patuloy na paghubog ng kaalaman at magandang kinabukasan!
Maraming salamat at kami ay umaasa sa inyong pagdating!
01/05/2026
Happy Principal’s Day! 🎉
We extend our heartfelt appreciation to our dedicated school principal, Ma’am Carol S. Villegas whose commitment goes far beyond office hours. Your leadership, guidance, and unwavering support continue to inspire both teachers and learners to strive for excellence every day.
Thank you for your selfless service, patience, and passion in leading our school community. Your efforts do not go unnoticed, and we are truly grateful for everything you do.
Salute to a leader who leads with heart. 💙
01/05/2026
Baesa Elementary School proudly celebrates its inclusion among schools with zero high and low emerging learners from Grades 1–6. This milestone reflects our shared commitment to quality education and learner success.
Our sincere appreciation to our School Principal Ma’am Carol S. Villegas for her strong leadership, and to our dedicated teachers for their unwavering commitment to excellence.
We also extend our heartfelt gratitude to Ma’am SDS Dr. Cecille Carandang for her commendation and continued support.
“LAYAG NA BAESA!” ⛵
27/03/2026
IKA-53 TAONG ARAW NG PAGKILALA 🏅
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral ng Baesa Elementary School na pinarangalan sa ginanap na Araw ng Pagkilala. Ang inyong ipinamalas na kasipagan, dedikasyon, at pagpupunyagi ay patunay ng inyong kahandaan sa patuloy na pag-abot ng mga pangarap at mithiin sa buhay.
Kalakip nito ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming Punong G**o Ma’am Carol S. Villegas sa mahusay na pamumuno katuwang ang mga dalubguro, mga masisipag at mapagmalasakit na mga G**o sa walang sawang paggabay, sa mga Magulang sa kanilang buong pusong suporta at pakikiisa, at higit sa lahat, sa ating mga mag-aaral na siyang inspirasyon ng bawat tagumpay ng paaralan.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad, isang patunay na sa sama-samang pagkilos, patuloy nating nahuhubog ang kabataang may kaalaman, kakayahan, at mabuting pagpapahalaga.
Mabuhay ang mga batang achievers ng Baesa Elementary School!
Layag na Baesa! 🌊
20/03/2026
“WE for Gender Equality and Inclusive Society”
“Lead like the Babaylans, Filipinas!”
BAESA Elementary School proudly joins the celebration of National Women’s Month 💜
In continuously promoting gender equality and an inclusive society, we stand united in recognizing the strength, excellence, and contributions of every woman—just like the babaylans who symbolize leadership and courage in our history.
Our heartfelt gratitude to our dedicated and goal-driven School Principal, Ma’am Carol S. Villegas, as well as to our supportive Master Teachers—Dr. Evelyn Jacosalem, Sir Noel C. Delos Reyes, Ma’am Nhenz M. Bauson, and Master Beth Macaraeg—together with our teachers and office staff who continuously support this meaningful advocacy.
We are also grateful to our GAD Coordinator, Ma’am Manelyn Estrada, for her leadership and commitment in advancing gender and development initiatives in our school.
Let us celebrate the power and rights of everyone, together.
14/03/2026
In behalf of Baesa Elem. School, Maraming salamat po mayor Along Malapitan through the CEMD division for the special operation for school fogging. "Para sa Malinis na Kapaligiran, Iwas Dengue Program".
Mabuhay po!!! 💚
04/03/2026
Happy Birthday, Maam G. Carandang, Schools Division Superintendent. Your leadership makes a difference in every school and every learner we serve. May you be blessed with strength, happiness, and continued success in your noble mission. With love from your Baesa ED family. 🎂
22/02/2026
Isang mapagpalang araw para sa aming mga batang tumanggap ng First Communion 💛
Noong February 20, 2026 | 8:00 AM sa Our Lady of the Sacred Heart Mission Station, taimtim na tinanggap ng aming mga Grade 3 learners ang kanilang unang pagtanggap sa Banal na Komunyon. Isang mahalagang hakbang sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya.
Taos-pusong pasasalamat kay Rev. Fr. Sammie Patriarca, MSC sa makabuluhang homily na gumabay sa mga bata at magulang, at kay Sister Marpy, Pastoral Worker/Catechist, sa pangunguna at paghahanda sa ating mga communicants.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming mahal na Punong G**o Ma’am Carol S. Villegas sa patuloy na suporta at paggabay upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.
Isang espesyal na pagkilala at pasasalamat sa aming mga Grade 3 Teachers na nanguna at gumabay sa mga bata mula sa paghahanda hanggang sa araw ng pagdiriwang. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay tunay na inspirasyon.
Maraming salamat din sa mga nagbigay ng kanilang oras at serbisyo:
✨ Catechists
✨ Music Ministry
✨ Lay Ministers
✨ Greeters and Collectors
✨ OLSHMS Pastoral Council
Isang biyayang tunay ang masaksihan ang mga batang pusong handang tumanggap kay Hesus.
To God be the glory! 🙏
Layag na Baesa!