01/06/2026
🥳𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄🥳
• 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 (𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃)
• 𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒
Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out para sa buwan ng Mayo.
Happy birthday po!
See you po sa venue!
Naibaba na po sa barangay ang listahan ng mga benepisyaryo.😊
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring i-check na lamang po ito sa inyong mga GCash account.
26/05/2026
Magandang Araw po sa ating mga kabarangay ng Barangay 59.
Nais po nating ipaalam magkakaroon po ng Bakuna para sa may mga anak na EDAD 6 - 59 BUWANG GULANG (wala pang 5 taong gulang)
ang LIGTAS TIGDAS ay gaganapin sa ating lugar sa JUNE 4 - 5, 2026 dito po sa harap ng Barangay 59 Hall.
mula sa ating
Barangay 59 Council
18/05/2026
📌 MAHALAGANG ANUNSYO MULA SA BAGONG BARANGAY 59
PAUNAWA SA PUBLIKO: Personal na Pagkuha ng Dokumento
Nais naming ipabatid sa lahat ng ating mga ka-barangay na ang pagkuha ng anumang sertipikasyon o dokumento ay kinakailangang gawin nang personal.
Bakit kailangang personal?
• 📸 Larawan: Para sa inyong opisyal na record.
• ☝️ Thumbmark: Para sa seguridad ng inyong pagkakakilanlan.
Ito ay bahagi ng Nationwide Policy sa lahat ng barangay upang matiyak na hindi magagamit ng ibang tao ang inyong pagkakakilanlan (Identity Theft). Hinihingi po namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa para na rin sa inyong proteksyon.
Maraming salamat po!
29/04/2026
𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄
• 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐇 (𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃)
• 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒
Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out para sa buwan ng April.
Happy birthday po!
See you po sa venue!
Naibaba na po sa barangay ang listahan ng mga benepisyaryo.😊
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring antabayanan na lamang po ang pagpasok nito sa inyong mga account.
MARCH 4, 2026
1 pm to 2:30pm
Brgy.63 Hall
19/04/2026
📣 Mahalagang Paalala mula sa OSCA Caloocan:
Para sa mga senior citizens na hindi pa nakapag-claim ng kanilang 𝟭𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 (Enero - Marso), may nakatakdang schedule ng pag-claim sa 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀), 𝟭𝟬𝗔𝗠–𝟮𝗣𝗠 sa 𝗢𝗦𝗖𝗔 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 – 𝗠𝗮𝗶𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗮𝗹𝗹 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵.
Inaanyayahan po ang ating mga nakatatanda o kinatawan na pumunta at matiyak na makuha ang kanilang benepisyo.
📌 Mangyaring magsuot ng 𝗳𝗮𝗰𝗲𝗺𝗮𝘀𝗸 upang mapangalagaan ang kalusugan laban sa masamang kalidad ng hangin.
‼️Scroll lamang po sa ating page para sa karagdagang detalye ukol sa mga kinakailangang dokumento para sa nakatatanda at representative.
16/04/2026
Sa atin pong mga ka barangay,meron po tayong KADIWA POP UP STORE.
WHEN: APRIL 17, 2026
TIME: 8:00 AM TO 11:00 AM
Kita kits po tayo mga ka barangay..