02/06/2026
Nakiisa si Congressman Oca Malapitan sa Brigada Eskwela bilang pagsuporta sa paghahanda para sa muling pagbubukas ng klase.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pag-aayos at paghahanda ng mga paaralan upang masig**o na maayos, malinis, at handa ang kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o sa pagsisimula ng panibagong pasukan.
01/06/2026
Dinaluhan ni Congressman Oca Malapitan ang blessing ng bagong Multi-Purpose Building sa Barangay 176-E, Bagong Silang.
Inaasahang magsisilbi ang pasilidad na ito bilang lugar para sa mga pagpupulong, programa, at iba pang gawaing pangkomunidad na makikinabang ang mga residente ng barangay.
01/06/2026
Pinangunahan ni Congressman Oca Malapitan ang Oath Taking Ceremony ng Phil Guardians.
Kasabay nito ang panunumpa ng mga bagong opisyal at miyembro ng samahan na magpapatuloy sa kanilang mga programa at gawaing nakatuon sa komunidad.
29/05/2026
Personal na binisita at nakidalamhati si Congressman Oca Malapitan sa 52 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 132 upang personal na mag-abot ng tulong at alamin ang kanilang kasalukuyang kalagayan matapos ang trahedya.
Batid ni Cong. Oca ang lungkot at hirap na dinaranas ng mga residenteng naapektuhan ng sunog, kaya’t tiniyak niya na katuwang nila ang barangay at ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa kanilang pagbangon at muling pagsisimula.
29/05/2026
It’s People’s Day!
Isang pagkakataon para sa mga taga-Caloocan na direktang makipag-ugnayan kay Congressman Oca Malapitan at maiparating ang kanilang mga suliranin at pangangailangan. Bukas ang tanggapan para sa maayos at personal na pag-uusap, mula sa mga indibidwal na concern hanggang sa mga usaping pangkomunidad.
People’s Day Schedule:
• Huwebes, 8:00 AM – NDR Office, Progreso St., Bagong Barrio
• Biyernes, 8:00 AM – SDC Covered Court, North City Hall
27/05/2026
Ngayong araw, nakikiisa si Congressman Oca Malapitan sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng banal na Eid al-Adha.
Ang okasyong ito ay paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating patatagin ang pagkakaisa at malasakit bilang isang komunidad.
25/05/2026
Malugod ang pagbati ni Congressman Oca Malapitan sa mga nagsipagtapos mula sa University of Caloocan City - College of Law Batch 2026! ⚖️
Ito ay bunga ng walang sawang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Tunay din na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon ang inyong pagsisikap upang marating ang mahalagang yugto na ito ng inyong buhay.
Kinilala rin ang pamunuan ng UCC, mga propesor, at mga pamilyang naging sandigan ng mga bagong graduates sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.
25/05/2026
Dinaluhan ni Congressman Oca Malapitan ang pagbubukas ng Inter-Barangay Volleyball League para sa Men’s at Women’s Division, isa sa mga proyektong pang-sports ng Pamahalaang Lungsod.
Layunin ng programa na mas mahikayat ang pakikilahok sa palakasan, mapalakas ang samahan ng bawat barangay, at mabigyan ng pagkakataon ang mga atleta na maipakita ang kanilang talento at disiplina sa larangan ng volleyball.
19/05/2026
Sama-sama nating suportahan ang Team Caloocan, BATANG KANKALOO, sa kanilang laban sa Valenzuela Dark Horse MAMAYA, May 19, 2026, 8:00 PM sa Caloocan Sports Complex!
Tara at ipakita natin ang lakas at ingay ng suporta ng mga taga-Caloocan para sa ating koponan!
Magbubukas ang mga gate nang 4:00 PM at libre ang admission!
12/05/2026
Sama-sama nating suportahan ang Team Caloocan, BATANG KANKALOO, sa kanilang laban sa Iloilo bukas, Miyerkules, May 13, 2026, 8:00 PM sa Caloocan Sports Complex!
Tara at ipakita natin ang lakas at ingay ng suporta ng mga taga-Caloocan para sa ating koponan! Magbubukas ang mga gate nang 4:00 PM at libre ang admission. Kita-kits! 🏀