21/04/2026
Mga bagay na dapat malaman sa sakit na TIGDA
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHERT - Barangay 15, Caloocan City, Public & Government Service, 19 P. Burgos Street, Caloocan.
21/04/2026
Mga bagay na dapat malaman sa sakit na TIGDA
08/04/2026
Magingat ngayong tag-init !!!!
23/03/2026
Philhealth YAKAP
18/03/2026
Gawin ang 4:00pm habit araw-araw.
20/01/2026
𝑻𝒐𝒓𝒓𝒆𝒔 𝑩𝒖𝒈𝒂𝒍𝒍𝒐𝒏 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒄𝒉𝒆𝒅𝒖𝒍𝒆 𝒐𝒇 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔
MAHALAGANG IMPORMASYON!!!!
15/01/2026
𝐉𝐀𝐍𝐔𝐀𝐑𝐘 𝐈𝐒 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐖𝐎𝐑𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇
Pagpupurga ay Kailangan, hindi dapat katakutan.
Huwag hayaan dumami ang bulate sa tiyan!
Ang pagpupurga ay isanasagawa dalawang beses sa isang taon na may apat o hanggang anim na buwan na pagitan.
Ang gamot ay libreng makukuha sa mga health centers at kadalasang ipinamamahagi ng ating mga Barangay Nutrition Scholars sa komunidad.
Upang masigurado na ang buong pamilya ay protektado laban sa impeksyon na dulot ng bulate, ugaliin nating regular na magpurga.
14/01/2026
LIBRENG HIV TESTING AT COUNSELING
Nananatili pong bukas ang pamahalaang lungsod upang magbigay ng libreng Human Immunodeficiency Virus (HIV) testing at counseling para sa agarang pagtuklas at paggabay sa mga kapwa nating mamamayan na apektado ng karamdaman na ito.
Sa mga nais sumailalim sa testing at counseling, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan:
📍 Caloocan Social Hygiene Clinic, Upper Ground Level, Caloocan City Hall - South
📍 Caloocan Social Hygiene Clinic - North, Brixton Health Center, Barangay 175
📍 Lahat ng health center sa Lungsod ng Caloocan
Bukas po ang mga clinic na ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 82888811 local number 2281, o magpadala ng mensahe sa page ng Caloocan Social Hygiene Clinic.
28/12/2025
𝐌𝐆𝐀 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐏𝐔𝐓𝐎𝐊 !!!
🚫 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞!
Mga Batang Kankaloo, narito po ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok batay sa Republic Act No. 7183, s. 1991 at Executive Order No. 28, s. 2017.
Ang 𝗽𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮 para sa pagbenta at paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok ay 𝗺𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗣𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝟯𝟬,𝟬𝟬𝟬 o 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻.
Huwag po nating kalilimutan na maging responsable sa ating mga pagdiriwang. Sundin natin ang mga alituntunin ng pamahalaan para sa ligtas at payapang pagsalubong sa Bagong Taon.
24/12/2025
FOR EMERGENCIES CALL 888-25664 or 0908-81-25664
CALOOCAN CITY 24/7 EMERGENCY HOTLINE ☎️
Holiday man o ordinaryong araw, bukas 24/7 ang emergency hotline ng Lungsod ng Caloocan.
Tumawag lamang sa (02)888-25664 o 0908-81-25664 kung kinakailangan ng agarang tulong o responde, nakahanda pong tumugon ang ating pamahalaang lungsod sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan.
18/11/2025
14/11/2025
Philhealth YAKAP Program
𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮-𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵!
Simulan na ang inyong paglalakbay tungo sa mas mabuting kalusugan! Tuklasin kung paano ka matutulungan ng PhilHealth YAKAP na makamit ang tuloy-tuloy at de-kalidad na pangangalaga!
Para sa listahan ng mga accredited YAKAP Clinics sa buong bansa, bisitahin ang link na ito:
https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/YAKAP.pdf
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website:
🌐 www.philhealth.gov.ph