03/06/2026
Sa mga residente ng Distrito Uno na nangangailangan ng tulong pang-medikal o burial, bukas na po muli ang ating Assistance Request Forms.
Para sa online submission, buksan lamang ang naaayon na link ayon sa inyong lugar:
๐ South, District 1: https://forms.gle/PsjzC4GJRm5g1EwQ8
๐ North, District 1: https://forms.gle/bi3HaxBPN2JSBssP8
๐ PAALALA:
โ
๐ฐ๐ฌ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฒ๐ธ lamang ang tatanggapin.
โ
Maghintay ng tawag o text para sa confirmation details at approval number kapag aprubado.
โ
Maaari lamang muling mag-apply makalipas ang 3 buwan matapos makatanggap ng tulong.
โ
๐ช๐๐๐-๐๐ก ๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ ๐๐ฌ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ก upang maiwasan ang mahabang pila.
โ
Abangan ang mga updates dito sa aking Verified page para sa susunod na application schedules.
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ: ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ปโ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฑ๐ถ๐๐ผ.
29/05/2026
Atin po muling inaanyayahan ang lahat ng residente ng District 1 na nais makiisa sa ating hatid na Libreng Zumba!
Magpunta lamang bukas, May 30, 2026, Saturday, 7:00 AM, sa Caloocan Sports Complex.
28/05/2026
Nitong nagdaang linggo, natanggap na rin nina Tatay Eduardo Salmasan ng Barangay 151, Tatay Rolando Paler, Nanay Annabel Pacheco, at Tatay Silvestre Desoyo ng Barangay 142 ang kani-kanilang kinakailangang Wheelchair na hatid pa rin ng Office for Senior Citizens Affairs.
Bukod po rito, atin na ring sinabay ang ating personal na tulong na Walker para kay Tatay Florentino Burzon na residente naman ng Barangay 137.
27/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Bilang pagbibigay-daan sa ngayong obserbasyon ng Eidโl Adha ng ating mga kapatid na Muslim, atin pong pansamantalang IPAGPAPALIBAN ang nakatakdang pagbubukas ng ating Peopleโs Day application link ngayong araw.
Hangad ko po ang malawak na pag-unawa ng bawat isa. Maraming salamat po!
26/05/2026
Eid Mubarak!
Isang makabuluhang pagdiriwang ng Eidโl Adha sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim.
Nawaโy maging inspirasyon sa bawat isa ang sakripisyo at pananampalataya ng ating mga kapatid na Muslim upang patuloy na tumulong at magpakita ng kabutihan sa kapwa.
26/05/2026
Matapos po ang nagdaang sunog sa Mariano Ponce St., Barangay 132, agad po tayong nagpaabot ng ilang relief packs para sa 52 na pamilyang apektado nito.
Nakakalungkot man ang pangyayaring ito, laking pasasalamat pa rin natin na walang residente ang nasugatan o napuruhan.
Patuloy po ang ating paalala na sa anumang oras, unahin po natin ang pag-iingat.
24/05/2026
Matagumpay po muli ang nagdaang ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ na ibinaba kahapon sa ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ญ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฟ๐.
Muli, maraming salamat po sa PhilHealthโLHIO Caloocan at sa City Health Department para sa kanilang pakikiisa sa ating tanggapan upang patuloy na makapag-proseso ng ibaโt-ibang PhilHealth services, gayundin sa ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐๐๐) kung saan Libre ang Medical Consultation at ilang mga gamot.
22/05/2026
Atin po muling pinangunahan ang presentation ng Certificate of Accreditation/Recognition ng ilang mga samahan sa ating lungsod.
Kasabay nito, binigyang-pagkilala rin ng Caloocan City Council ang husay ni Ms. Erica Rosialda Macorol, Rank 9 sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT)-Elementary Level.
Mula rito, ipinaabot natin ang ating paghanga sa talino at husay ng bawat mamamayan ng Caloocan sa anumang aspeto at larangan.
22/05/2026
Tuloy-tuloy pa rin ang ating hatid na Libreng Zumba sa Caloocan Sports Complex!
Bukas, May 23, 2026, Saturday, 7:00 AM, lahat ng residente ng District 1 na nais makiisa ay maaaring magpunta na lamang sa ating nasabing venue.
22/05/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ | Sa inilabas na Proclamation No. 1264 ng Malacaรฑang, idineklarang Regular Holiday ang araw ng Miyerkules, May 27, 2026, bilang bahagi ng obserbasyon ng Eidโl Adha ng ating mga kapatid na Muslim.