I Love Sta. Quiteria

I Love Sta. Quiteria

Share

We love Sta. Quiteria Caloocan City.

04/06/2026

๐Ÿ“ข MAHALAGANG PAALALA: LIBRENG GUPIT PARA SA BALIK ESKWELA โœ‚๏ธ๐Ÿซ

Ipinapaalam sa lahat ng kabataan at mag-aaral ng Barangay 162: Ang ating programang Libreng Gupit ay HANGGANG HUNYO 7, 2026 (LINGGO) na lamang! โณ

Sa lahat ng kabataan at mag-aaral ng Brgy. 162 na may hawak ng stub, magsipunta na po kayo sa ating itinalagang gupitan upang mapagpagupit bago matapos ang programa.

Huwag nang palampasin ang pagkakataong maging maayos at malinis para sa pasukan! ๐ŸŽ’โœจ

LINK:
https://www.facebook.com/share/p/1CWZ7t7a7K/?mibextid=wwXIfr

Photos from I Love Sta. Quiteria's post 04/06/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐Š๐€๐ ๐‚๐€๐‘๐‹๐Ž ๐‚๐€๐ˆร‘๐€! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Matagumpay na naidaos ang selebrasyon at sorpresa para sa kaarawan ng ating minamahal na Punong Barangay, Kap Carlo Caiรฑa.

Kitang-kita ang saya at pagmamahal ng mga residente at mga panauhing dumalo upang makiisa sa pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw. Tunay na nakakataba ng puso ang suporta at pagpapahalagang ipinakita ng ating komunidad.

Sa iyong kaarawan, Kap, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa iyong walang sawang paglilingkod, pag-unawa sa mga suliranin ng barangay, at pagbibigay ng serbisyong may malasakit at pagmamahal sa bawat mamamayan. Ang iyong dedikasyon sa pagpapaunlad ng ating barangay at paggalang sa bawat isa ay inspirasyon sa marami.

Dalangin namin na patuloy kang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan at isipan, gabay, at proteksyon upang maipagpatuloy mo pa ang mga magagandang adhikain at programang tunay na nakatutulong sa ating komunidad.

Maraming salamat at muli, Maligayang Kaarawan, Kap Carlo Caiรฑa! ๐Ÿงก๐Ÿฅฐ

Lubos din po kaming nagpapasalamat kina Mayor Along Malapitan, Cong. Oca Malapitan, Kap Direk Yong Barnachea, Kap Danilo Singh, Kapitana Marites Go, at Hepe Valmark Funelas sa kanilang suporta at pagdalo sa pagdiriwang.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa mga chapel organizations, Baesa Adventist, Tau Gamma Phi Libis Extension Community Chapter, Tau Gamma Phi Libis Reparo, Tau Gamma Sigma Baesa Reparo Community Chapter, at Tau Gamma Phi Baesa Reparo Community Chapter. Maraming salamat din sa Hot Mommies, Senior Officers, KBL, Gonzales Officers, ibaโ€™t iba pang organisasyon, SPTA ng Baesa Elementary School at Baesa High School, kay Mam Carol Villegas ng Baesa Elementary School sa pagpapagamit ng venue, sa mga residente ng Barangay 161, at sa lahat ng nagpaabot ng pagbati at pagmamahal para sa ating Kapitan.

Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa ay naging malaking bahagi ng tagumpay at kasiyahan ng pagdiriwang na ito.

Maraming-maraming salamat po! ๐Ÿฅฐ๐Ÿ™๐Ÿงก




๐Ÿงก

LINK:
https://www.facebook.com/share/p/1KzBknY2R1/?mibextid=wwXIfr

04/06/2026
Photos from I Love Sta. Quiteria's post 01/06/2026

๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐‚๐Ž๐Œ๐๐”๐“๐„๐‘ ๐”๐๐ˆ๐“๐’ & ๐๐‘๐ˆ๐๐“๐„๐‘ ๐“๐Ž ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘ ๐๐„๐๐„๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ÿ–ฅ

Patuloy na nagsisilbing ilaw ng pagkakaisa at malasakit ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitang makatutulong sa edukasyon, serbisyo publiko, seguridad, at pananampalataya dito sa Barangay 163.

Sa pakikipagtulungan ng ating butihing Punong Barangay Yong Barnachea at sa kabutihang-loob ng ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—› ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—œ๐—– ๐—Ÿ๐—ข๐——๐—š๐—˜ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ, matagumpay po nating naipagkaloob ang mga sumusunod:

โœ… 2 Units Computer Set โ€” Barangay 163 Caloocan City Senior Citizen Association Inc.
โœ… 2 Units Computer Set โ€” Police Sub-Station 6 Caloocan City
โœ… 2 Units Computer Set โ€” Saint Francis of Assisi Parish Church โ€“ Sta. Quiteria
โœ… 2 Units Computer Set โ€” Holy Spirit Child Development Center
โœ… 2 Units Computer Set โ€” BPSO
โœ… 1 Unit Printer โ€” Sta. Quiteria Elementary School

Ang mga kagamitang ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon para sa mas maayos at mas progresibong serbisyo sa ating mamamayan.

Taos pusong pasasalamat sa MANILA NORTH MASONIC LODGE 30 sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit sa aming barangay. Nawaโ€™y patuloy pa nating mapalakas ang samahan tungo sa mas maunlad, ligtas, at makabagong Barangay 163.

LINK:
https://www.facebook.com/share/p/18meXPsbhZ/?mibextid=wwXIfr

Photos from I Love Sta. Quiteria's post 01/06/2026

๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฌ

Naging matagumpay ang ating Libreng Gupit para sa mga estudyante ng Barangay 160. Maraming salamat kay Drin Locs sa pakikiisa at pagiging katuwang natin sa pagpapapogi at paghahanda ng ating mga kabataan para sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Patuloy po tayong magtutulungan para sa kapakanan ng bawat Batang 160.
~ Kap. Dave Alonzo





LINK:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1381643594013432&id=100065034122372&mibextid=wwXIfr

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Sta. Quiteria
Caloocan
1400