Barangay 163 Caloocan City

Barangay 163 Caloocan City

Share

Official Page of Barangay 163, Sta. Quiteria Caloocan City Zone 14 District 1

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 19/03/2026

π‚πŽπŽπ‘πƒπˆππ€π“πˆπŽπ πŒπ„π„π“πˆππ† π–πˆπ“π‡ 𝐓𝐇𝐄 π‚π€π‹πŽπŽπ‚π€π π‚πˆπ“π˜ π€π’π’π„π’π’πŽπ‘β€™π’ πƒπ„ππ€π‘π“πŒπ„ππ“ 𝐀𝐍𝐃 π™πŽππ„ πŸπŸ’ ππ”ππŽππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜π’ - 𝐈𝐍 π‘π„π‚πŽπ†ππˆπ“πˆπŽπ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐁𝐋𝐄 π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ πŽπ… π€π“π“π˜. π…π„π‘ππ€ππƒπŽ 𝐑. π€πŒπŽπ‘, 𝐑𝐄𝐀.

Isinagawa ang Coordination Meeting sa pagitan ng Caloocan City Assessment Department at mga Punong Barangay ng Zone 14 kabilang ang ating Punong Barangay Yong Barnachea upang pagtibayin ang maayos na pamamahala at tamang saklaw ng pagbubuwis sa ating lungsod.

Sa pagpupulong na ito, tinalakay ang paglilinaw ng mga hangganan ng barangay na may epekto sa tax jurisdiction, ang pagpaplano ng aktwal na on-site tax mapping activities, at nagsagawa ng open forum upang tugunan ang iba’t ibang usapin, reklamo, at teknikal na katanungan.

Taos-pusong pasasalamat kay Atty. Fernando R. Amor, REA, sa kanyang mahalagang ambag at patuloy na suporta sa pagsusulong ng maayos, tapat, at episyenteng serbisyo publiko.

Kasama ang Pamunuan ng Barangay 163 sa patuloy na pagtitibay ng kaayusan at kaunlaran sa bawat barangay sa Lungsod ng Caloocan.

18/03/2026
18/03/2026

‼️ π€π“π“π„ππ“πˆπŽπ - πŒπˆπ’π’πˆππ† πƒπŽπ† ‼️
πŸ“Rivera St.

Para po sa ating mga residente o kalapit Barangay, kung sino man po ang nakakita sa a*ong nasa larawan mangyari lamang po na ipagbigay alam sa ating tanggapan upang mahanap po siya ng nagaalaga sakanya.

Para po sa nagmamay ari o nakakakilala sa a*o na ito, ipagbigay lamang po ating tanggapan o tumawag sa ating Barangay Hotline; (02) 8-330-5443 / 0969-176-7527.
Maraming salamat po!

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 17/03/2026

π‚πŽππ“πˆππ”π€π“πˆπŽπ πŽπ… π‚πŽππ’π“π‘π”π‚π“πˆπŽπ π–πŽπ‘πŠπ’ 𝐀𝐓 π‚π€πƒπ€πˆππ† π–π‡πŽπ‹π„ π‚πŽπ”π‘π“
πŸ“Cadaing Compound

Bagamat ito ay nasimulan na noong nakaraang taon, muling ipinagpapatuloy ang paggawa sa Cadaing Whole Court. At bilang pagpapahalaga ng ating Punong Barangay Yong Barnachea sa mga maliliit na kabataan ay nagdagdag pa ito ng isang HALF COURT, ito ay para sa kapakanan ng ating mga kabataanβ€”isang ligtas na espasyo para sa pagkakaisa, tamang paggabay, at pag-iwas sa mga maling gawain at masasamang impluwensya tulad ng ilegal na droga. At para lalo pang mapaganda ang Cadaing Whole Court at mas lalo pa silang ganahan maglaro ay pinalagyan din ito ng MURALS (NBA Theme) ng ating Punong barangay Yong Barnachea katuwang ang CEMD sa pagpipinta nito.

Sa kasalukuyan ay ang paglalagay at konstruksyon ng PARKING AREA, BLEACHERS, at karagdagang mga SOLAR LIGHT at mga FLOODLIGHT, patuloy ang pagsasaayos at mahigpit na minomonitor ang proyekto hanggang sa tuluyang makumpleto. Kaugnay nito, nananawagan ang Pamunuan ng Barangay 163 na makipagtulungan at pangalagaan ang mga kagamitan upang mapabilis at makatulong para sa ikatatagumpay ng proyektong ito.
Hangad ng Pamunuan ng Barangay ang patuloy na pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng bawat isa para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating Barangay.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 16/03/2026

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π‘πŽπ€πƒ π‚π‹π„π€π‘πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ (ππšπ«π‚π¨)
πŸ“Lucas Cuadra St., Tandang Sora Extension and Cadaing St.

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagtupad sa mandato ng DILG, aktibong isinasagawa ng Pamunuan ng Barangay 163, sa pamumuno ng ating Punong Barangay Yong Barnachea, katuwang ang Barangay Administrator Harold Espiritu at mga kinatawan ng BPSO, ang Road Clearing Operation sa iba’t ibang bahagi ng barangay.
Kasabay nito ang masinsinang paglilinis at pagsasaayos ng mga lugar upang masigurong maayos ang daloy ng trapiko, mapanatili ang kalinisan, at maisulong ang disiplina sa ating komunidad.
Patuloy ring makikipag-ugnayan at magpapaalala ang Pamunuan sa mga residenteng may nakaparadang sasakyan, nakahambalang na gamit, o istrukturang humaharang sa mga pampublikong daanan.
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makipagtulungan upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kapayapaan sa ating Barangay. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 16/03/2026

π†πˆπ…π“ π†πˆπ•πˆππ† πˆππˆπ“πˆπ€π“πˆπ•π„ π…π‘πŽπŒ π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹πŽπ‘ 𝐋𝐄𝐀𝐇 ππ€π‚πŽπ‹πŽπƒ
πŸ“Garahe, Barnachea Compound

Noong Marso 14, kasama ang buong konseho sa pangunguna ng ating Punong Barangay Yong Barnachea, muling naghatid ng malasakit at saya sa ating komunidad ang masipag at mapagmahal na si Councilor Leah Bacolod sa pagbisita at pangangamusta sa ilan sa ating mga residente dito sa Barangay 163, kasabay ng pagbibigay ng munting handog bilang simbolo ng pagmamalasakit at pasasalamat sa ating mga nasasakupan.

Sa pagtutulungan ng lahat, naipamahagi ang libreng Birch Tree Fortified Milk mula sa Century Pacific Food, Inc., na naglalayong makatulong sa kalusugan at nutrisyon ng ilan sa ating mga residente. Muli, nagpapasalamat ang Konseho sa ating Councilor Leah sa walang sawang pag-alalay at pagkalinga sa Barangay 163.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 14/03/2026

π—ͺπ—˜π—˜π—žπ—Ÿπ—¬ π—–π—Ÿπ—˜π—”π—‘ 𝗨𝗣 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜

March 14, 2026
Week #11
Barkada2026_Barangay163Zone14Caloocan

Sa patuloy na pakikiisa sa programang Kalinisan sa Bagong Pilipinas ng Department of the Interior and Local Government, nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Pamunuan ng Barangay 163 sa kahabaan ng Rivera Street upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.

Pinangunahan nina Kagawad Baby Rubio, Kagawad Mercy Molina, at Barangay Administrator Tess Bonifacio, kasama ang Barangay Street Sweepers, mga miyembro ng 4Ps, at Youth Brigade 163, ang sama-samang pagkilos na muling nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan.

Sa tulong at patnubay ng ating Punong Barangay at ng buong Sangguniang Barangay, patuloy nating pinangangalagaan ang ating kapaligiranβ€”patunay na sa pagkakaisa at malasakit, mas nagiging maayos at maunlad ang Barangay 163.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 14/03/2026

π…πˆπ‘π’π“ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 ππ€π“πˆπŽππ–πˆπƒπ„ π’πˆπŒπ”π‹π“π€ππ„πŽπ”π’ π„π€π‘π“π‡ππ”π€πŠπ„ πƒπ‘πˆπ‹π‹
πŸ“Barangay 163 Hall

Bilang pakikiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa unang quarter ng kasalukuyang taon, matagumpay na nagsagawa ng earthquake drill ang Pamunuan ng Barangay 163 noong Huwebes bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna.

Pinangunahan ito ng Chairperson ng Committee on BDRRM na si Kagawad Annie Bonifacio, kasama ang Barangay 163 Disaster Risk Reduction and Management Team, mga Barangay Staff at Personnel, at maging ang mga residenteng kasalukuyang nasa Barangay nang isagawa ang drill.

Layunin ng gawaing ito na mapaigting ang kaalaman, disiplina, at kahandaan ng bawat kawani at residente sa wastong pagtugon sakaling magkaroon ng lindol o iba pang hindi inaasahang kalamidad. Patuloy rin naming hinihikayat ang ating mga kabarangay na alamin at isabuhay ang mga tamang hakbang sa panahon ng sakuna upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang aktibidad ay naisagawa nang maayos at ligtas, at kami ay nagpapasalamat sa pakikiisa ng lahat ng nakiisa sa drill.

Paalala: Wala pong nasaktan o napahamak sa isinagawang earthquake drill.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 13/03/2026

π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŸ“π“π‡ 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ
πŸ“ Barangay Session Hall

Isinagawa ng Pamunuan ng Barangay 163 ang ika-limang regular session para sa taong 2026 sa pangunguna ng ating Punong Barangay Yong Barnachea, kasama ang masisipag na miyembro ng Sangguniang Barangay at kinatawan ng Sangguniang Kabataan.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga ulat at accomplishments ng bawat komite at ng buong konseho sa mga nagdaang linggo bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri at pagpapaigting ng mga programa at serbisyo ng barangay. Naging mahalaga rin ang talakayan hinggil sa mga susunod na hakbangin, proyekto, at inisyatiba na nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyo at kapakanan ng ating mga residente.

Kasabay nito, pinag-usapan din ang mga paghahanda para sa mga planong programa at proyekto na ipatutupad sa mga darating na buwan upang matiyak na ang bawat hakbang ng pamunuan ay maayos na napaplano at nakatuon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Patuloy na nagkakaisa ang Pamunuan ng Barangay 163 sa paglilingkod nang may buong puso, dedikasyon, at malasakit para sa kapakanan, kaayusan, at kaligtasan ng ating mga kabarangay. Ang bawat hakbang ng ating mga iniluklok na opisyal ay nakatuon sa pagbibigay ng mas maayos at epektibong serbisyo publiko para sa lahat.

Photos from Barangay 163 Caloocan City's post 12/03/2026

π‚π€πƒπ€πˆππ† π–π‡πŽπ‹π„ π‚πŽπ”π‘π“ 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π’ππ‘π€π˜πˆππ† 𝐀𝐍𝐃 ππ€πˆππ“πˆππ†
πŸ“Cadaing Compound

Kahapon March 11, 2026 ay nagsagawa ng pagbuga ng tubig at pagpipintura sa malapit ng matapos na ginagawang Cadaing Whole Court sa pangunguna ng ating Punong Barangay Yong Barnachea katuwang sina Kagawad Jimmy De Leon, Admin Harold Espiritu, Admin Alvin Dela Cruz, Volunteers, sa pakikipagtulungan ng Talipapa Fire Sub-Station para sa Firetruck , Andrei Barnachea ng UPB Trucking Services para sa mga pintura, at sa Malinta Corrugated Boxes Manufacturing Corporation para sa pagpayag ng kanilang pasilidad na makadaan ang firetruck. Lubos rin na nagpapasalamat ang ating Punong Barangay Yong Barnachea sa komunidad ng Cadaing at sa lahat ng mga tumulong para sa maisaayos at mapadali ang pagpapagawa na pwede ng magamit ngayong buwan ng Marso 2026.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasaayos at mahigpit na minomonitor ang proyekto hanggang sa tuluyang makumpleto. Kaugnay nito, nananawagan ang Pamunuan ng Barangay 163 na makipagtulungan at pangalagaan ang mga kagamitan upang mapabilis at makatulong para sa ikatatagumpay ng proyektong ito.
Hangad ng Pamunuan ng Barangay ang patuloy na pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng bawat isa para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating Barangay.

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Caloocan