01/06/2026
๐๐ช๐ฃ๐ฌ๐๐ฎ ๐พ๐๐ก๐ค๐ค๐๐๐ฃ 2026: ๐พ๐๐ก๐ก ๐๐ค๐ง ๐ฟ๐๐จ๐๐๐ฃ๐๐ง๐จ
Theme: ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ฎ๐ฝ๐ช๐ถ๐ธ๐ป๐น๐ฑ๐ธ๐ผ๐ฒ๐ผ ๐ธ๐ฏ ๐๐ธ๐ต๐ธ๐ป๐ผ
In celebration of the Linggo ng Kasuotang Pilipino, the 4th Runway Caloocan returns to feature fashion masterpieces proudly and originally Batang Kankaloo Made.
Are you the next big thing in local fashion? This is the perfect moment for your creations to grace the runway and your springboard to the national fashion scene.
๐๐๐๐ ๐๐๐ก ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ก๐ข
Calling all young and professional designers and couturiers of Caloocan City to join the 4th Runway Caloocan cultural fashion show.
๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ข
1. Must be a Caloocan resident or own a business in Caloocan.
2. Must provide collection guided by the theme.
3. The designers are responsible for casting their own models.
๐๐ก๐๐ฉ๐๐ข
Designer of the Year: P100,000.00
Male Model of the Year: P20,000.00
Female Model of the Year: P20,000.00
๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐
Designers: P30,000.00 each
Models: P5,000.00 each
For inquiries, please reach out to:
Caloocan Cultural Affairs and Tourism Office page
Mobile: 09275678449
Email: [email protected]
Landline: 2888811 loc 2286/ 3365593
Office Address: 3rd Floor, Caloocan City Hall South
Join the Runway Caloocan 2026. Message us now!
01/06/2026
Ang Sangandaan ay isang makasaysayang lugar sa Caloocan?
Ang salitang โSangandaanโ ay hango sa salitang โsanga-sangang daanโ o tinatawag noon na โkurus na daanโ dahil dito nagtatagpo ang maraming kalyeng nagdurugtong sa mahahalagang pamayanan mula hilaga, timog, kanluran at silangan. Isa rin ito sa mga prominenteng lugar sa Caloocan. Katabi lamang nito ang Poblacion sa Caloocan na kung saan ipinanganak ang bayan. Kalapit lang din ang Tinajeros, Polo (ngayoโy Valenzuela), at Tambobong (ngayoโy Malabon) na isa sa mga umusbong na sentro ng pamayanan sa lugar na ito. Ito rin ang nagsisilbing labasan kung patungo ng Balintawak. Kung gayon, bukod sa rotonda ng Monumento ni Bonifacio, ang lugar na ito ay gateway papalabas at papasok.
Noong panahon ng rebolusyon, ayon sa mga nakasaksi, dito dumaraan ang mga katipunero kung manggagaling ng Tambobong patungong Balintawak. Kung gayon ay dito rin naganap ang isang sagupaan ng mga katipunero at guwardiya sibil. Ang lugar ng sementeryo ng Sangandaan ay dati rin nilang pinaglabanan. Salik sa pangyayaring ito ang katangian ng lugar na may matataas na talahib. Kaya sa lugar din na ito pumupuga ang mga kriminal noon.
Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito raw ang lugar sa Caloocan na isa sa pinamumugaran ng mga Hapon dahil pagiging estratehiko ng lugar, gaya ng kaso sa Grace Park at Balintawak. Kaya sa pagbabalik ng mga Amerikano sa huling bahagi ng digmaan, ang mga lugar na ito ang kanilang malubhang binomba.
Sa Sangandaan nanirahan ang ilan sa mga tanyag at prominenteng personalidad sa Caloocan. Gaya na lamang ni Cecilio Apostol, ang isang sikat na manunulat at makabayan. Si Fausto Galauran na isang doktor at manunulat.
Sa kasalukuyan, nananatili ang Sangandaan bilang isa sa mga sentro ng paninirahan at komersyo sa Caloocan.
Sanggunian
Cartographic Collections of NLP. Historical Data Papers. National Library of the Philippines Digital Collections
โHistory and Culture Life of Sangandaan.โ Historical Data Papers. National Library of the Philippines Digital Collections
Pacala, Wogie. โPolitical and Religious Developments in Caloocan, 1762-2003.โ Sa AGOS: Currents of Faith in the Diocese, pinamatnugutan ni Kerby Alvarez. Caloocan City: The Roman Catholic Bishop of Kalookan, Inc., 2024.
27/05/2026
LOOK | ๐๐ฒ๐ผ๐ผ ๐๐ช๐ต๐ธ๐ธ๐ฌ๐ช๐ท 2026 ๐๐พ๐ฒ๐ผ๐ช ๐๐ธ๐ป๐ฒ๐ท ๐๐ฎ๐ท๐ช๐ฟ๐ฒ๐ญ๐ฎ๐ผ ๐ฒ๐ผ ๐ฝ๐ฑ๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ท๐ช ๐๐ต๐ฎ๐ท๐ช ๐ธ๐ฏ ๐ฃ๐ฑ๐ฎ ๐ข๐ฑ๐ป๐ฒ๐ท๐ฎ ๐๐ป๐ช๐ท๐ญ ๐ข๐ช๐ท๐ฝ๐ช๐ฌ๐ป๐พ๐๐ช๐ท ๐
๐๐ก๐ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ 2026 ๐ข๐ฌ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐ฒ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ก๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐๐ซ๐ฎ๐ณ๐๐ง 2026! ๐๐ธโ๏ธ
โจ Ms. Luisa Lorin Montano Benavides โจ
Samahan po natin siyang ipagdiwang ang pananampalataya, kagandahan, biyaya, at tradisyon ngayong May 30, 2026. ๐
25/05/2026
Pinagtalunan noon ang baybay na โCaloocanโ at โKalookanโ?
Noong Hulyo 28, 1970, may ipinasang resolusyon na inaprubahan ni dating Vice Mayor Alejandro Fider upang gawing opisyal na gamit ang baybay na โKalookanโ sa lahat ng porma ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan, English man o Tagalog. Layunin nito na mapatibay ang pagkakakilanlan ng lungsod sa kabila ng hindi magkakatugmang pagbaybay sa pangalan nito dahil may gumagamit ng dalawang โCโ at mayroon ding gumagamit ng dalawang โK.โ
Maaaring iugnay ang pagsulong na ito sa impluwensiya ng paglakas ng nasyonalismo sa Pilipinas sa panahon ng post war, partikular noong huling bahagi ng 1940s hanggang 1970s. Sa panahong ito, lumaganap ang mga nagsusulong ng pagka-Pilipino sa ibaโt ibang aspekto. Nabuhay ang sining, literatura at wikang Filipino. Gayundin ang muling pag-usbong ng pagsusulat ng kasaysayan na mas tuon sa pagkabansa at pagkakakilanlan. Sa kaso ng Caloocan, nagkaroon din ng pag-usbong ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsulat ng kasaysayan noong isinulat ni Leopoldo Serrano noong 1956 ang โA Brief History of Caloocan,โ na isang mahalagang yugto sa historiograpiya ng Caloocan. Maituturing ang akda na isang modernong pagsulat ng kasaysayang lokal ng Caloocan. Dagdag pa riyan ang mga akdang kasaysayan ni Fausto Galauran. At ang isang iskolar na pinahalagahan ang kasaysayan at pamanang kultural ng Caloocan na si Agapito Joaquin, na nagbansag sa panahon ng 1952 hanggang 1972 bilang โThe Two Golden Decades.โ
Sa panunumbalik ng City Council (na kalaunan ay naging Sangguniang Panlungsod) noong 1988, muling isinulong ang resolusyong ipinasa noong 1970. Subalit, kung susuriin ang nasabing resolusyon, ipinapatupad lamang ito sa loob ng institusyon ng Pamahalaang Panlungsod. Samakatuwid, hindi nito saklaw ang buong Caloocan. Sa mga sumunod na taon, hindi na tinanggap ang โKalookanโ sapagkat taliwas ito sa nakasaad sa City Charter noong 1961 at Revised City Charter noong 1969, na parehong nakasaad ang baybay na โCaloocan Cityโ.
Gayunpaman, nananatili ang usapin kung dapat bang Caloocan o Kalookan ang baybay sa pangalan ng lungsod. Maaaring namang gamitin ang dalawa sapagkat pareho lamang itong salitang Filipino, subalit mas nakaayon sa legal ang titik na โC.โ Makaiba lamang ang baybay nito dahil ang salita ay hinulma sa ortograpiyang Espanyol na mula sa salitang Tagalog. Mula pa noong pormal na itinatag ang lungsod bilang isang pueblo noong 1815, orihinal ng โCaloocanโ ang baybay sa pangalan ng lungsod. Pareho lamang sa paggamit ng โCโ ang English at Espanyol kung ito ay pantig na may patinig na A, O at U. Nagmistula itong English dahil sa pagiging dominante ng English ang edukasyon sa Pilipinas.
Ang Abecedario, na alpabetong Espanyol na pinagmulan ng naturang baybay, ang opisyal na sistemang ginamit sa mga dokumento sa Pilipinas sa kabuuan ng pananakop ng Espanya. Kaya ito ang batayan ng pagbaybay at panulat ng wikang Tagalog o Filipino; kaiba mula sa orihinal na anyo. Muling binuhay ang katutubong konsepto nang simulang pag-aralan at maglatag ng panibagong ortograpiyang Tagalog na batay sa pinagsamang Baybayin at Alpabeto ang mga ilustrado at pinalawig ito ng Katipunan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.
Kinilala at isinulong ni Jose Rizal ang ideya ni Trinidad Pardo de Tavera na maidagdag ang titik na โKโ na wala sa Abecedario bilang pamalit sa โCโ at โQu,โ at sinubukan niya itong ilapat sa ilan sa kaniyang mga akda. Sa impluwensiya ni Jose Rizal, sa panahong ito, si Andres Bonifacio at ang Katipunan ang higit na nagpasikat sa paggamit ng titik na โK,โ na makikita mismo sa pangalang โKatipunan.โ Mababakas din ang mas madalas na paggamit nito sa kanilang pahayagan na Kalayaan. Kalaunan ay opisyal nang ginamit ito sa paglabas ng unang bersyon ng Abakada mula sa โAng Balarila ng Wikang Pambansaโ ni Lope K. Santos noong 1939.
Sangunian
Buel, James. Hero Tales of the American Soldier and Sailor as Told by the Heroes Themselves and Their Comrades; the Unwritten History of American Chivalry. Hero Publishing Co., 1899.
Resolution no. 106 also known as โResolution Requesting All Department Heads of the City Government to Spell Caloocan City as โKalookan Cityโ in All Communications Whether in English or Tagalog.โ Office of the Secretary, 1970.
Pacala, Wogie. โFrom One Rises Many: Ever-Changing Landscape of Caloocan, 1762-2003.โ Sa AGOS: Currents of Faith in the Diocese, pinamatnugutan ni Kerby Alvarez. Caloocan City: The Roman Catholic Bishop of Kalookan, Inc., 2024.
Samonte, Severino. โWhich Is Which, Caloocan or Kalookan?โ Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/opinion/pieces/166-which-is-which-caloocan-or-kalookan.