Isang madilim na propesiya ang binitiwan ni Antonio Trillanes IV para kay Rodrigo Duterte, isang sumpa na habambuhay na uukit sa isipan ng dating Pangulo at ng kanyang buong pamilya.
“Panoorin mong maigi, dahil pagdadaanan mo rin ito.” - Trillanes 2018
Mga katagang binitawan noon na tila hangin lang para sa administrasyon, ngunit unti-unting naging isang bangungot makalipas ang ilang taon. At tulad ng isang nakasulat na tadhana, nagkatotoo ang lahat.
Sa isang makasaysayang tagpo, tuluyan nang hinuli at inilipad patungong International Criminal Court (ICC) si Duterte upang harapin ang hustisya sa salang krimen laban sa sangkatauhan at mga serye ng pagpatay.
Ang dating nagbabagang tapang, ang mga mararahas na mura, at ang mabagsik na banta ni Duterte laban sa ICC ay tila bula na naglaho.
Sa sarili niyang bansa, kung saan minsan siyang naghari tulad ng isang diyos, wala siyang nagawa kundi ang sumama sa mga awtoridad tikom ang bibig, bagsak ang balikat, at tuluyang nabaon sa sarili niyang propesiya.
Volunteers for Mayor Sonny Trillanes
Caloocan tayo naman! Volunteer tayo para sa tao! Official Mayor Sonny Trillanes Volunteers Page
Tiktok: @vfmst1
07/06/2026
‘RISA NA’
Former Sen. Antonio Trillanes IV backs the “Risa Na! Movement,” launched to support Sen. Risa Hontiveros's possible 2028 presidential bid, citing her educational background, advocacies, and pre-election surveys by the Magdalo showing that a growing number of Filipinos favor Hontiveros for president.
READ RELATED STORY: https://inqnews.net/AkbayanforRisa
07/06/2026
👇
S28E10: Machong Chismisan with Sen. Antonio Trillanes Kasama namin si Former Senator Antonio Trillanes kung saan pinasago...
07/06/2026
Weh? Di nga?
Napansin n’yo ba ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin? Mula nang pumutok ang usapin ng impeachment laban kay Sara Duterte at mabisto ang kanyang pagiging brat, biglang nag-iba ang kuwento ng kanyang kampo.
Mabilis na nagpalit ng kanta ang kanyang tanggapan. Ang dating boses na nagbabanta ng pagpupugot ng ulo sa Pangulo, ang dating dila na nagmumura at nambabastos sa mga Senador, biglang naging mahinhin. Ngayon, naging mabait, madasalin, at malumanay na siya. Pero alam naman nating hindi ito ang totoong Sara Duterte. Isa lang itong kalkulado at gasgas na estratehiya—isang sarswela ng "bait-baitan" para palabasin na banal siya at walang bahid ng pagnanakaw.
Sa pagbubukas ng impeachment trial ngayong Hulyo, makikita natin ang mga ebidensya ng kanilang pagnanakaw at pagtanggap ng bilyon-bilyong pondo mula sa mga ilegal na gawain. Kaya naman ang naratibo nila ngayon ay palambutin ang imahe ng isang balahurang Bise Presidente para magmukha siyang malinis.
Pero huwag nating kakalimutan na ang pagiging berdugo ay nakatatak na sa pagkatao nila, at ang pagiging balasubas ay nananalatay na sa kanilang dugo mula sa ama hanggang sa mga anak. Huwag kayong magpabulag sa lobo na nag-aanyong tupa.
07/06/2026
18 Marites
Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Navy sa publiko matapos mabuking ang tunay na estado at maruming rekord ng 18 indibidwal na nagpakilalang "Marines" upang tumestigo sa Senado kaugnay ng kontrobersyal na multibillion-peso flood control scam.
Mariing nilinaw ng pamunuan ng militar na walang kahit isang aktibong sundalo sa mga naturang testigo na lumutang sa pagdinig. Ayon kay AFP Col. Xerxes Trinidad, ang mga binitawang alegasyon ng grupo ay ginawa sa kanilang pribadong kapasidad at walang anumang kinalaman o basbas mula sa institusyon ng sandatahang lakas.
Nakiusap din ang AFP sa media at sa publiko na huwag nang bansagang "Marines" o iugnay sa militar ang mga nasabing indibidwal upang maiwasan ang pagpapakalat ng maling impresyon na nagpapadungis sa pangalan ng buong organisasyon.
Lalo namang naging mainit ang isyu matapos ilantad ni Navy Capt. Marissa Martinez ang resulta ng kanilang opisyal na pemisahan sa mga rekord ng mga humarap na testigo. Sa pagsusuri ng Philippine Navy, natuklasang apat sa kanila ay tuluyang mga pekeng sundalo o impostor na kailanman ay hindi nakatuntong o naglingkod sa Navy o Marines.
Samantala, nabuking naman na ang mayorya o ang natitirang 14 na testigo ay mga "dishonorably discharged" o mga dating sundalo na tuluyan nang sinibak, pinalayas, at tinanggalan ng mga benepisyo noon pa dahil sa pagkakasangkot sa iba't ibang mabibigat na paglabag sa batas at disiplina ng militar.
Nananatili namang matatag ang paninindigan ng AFP at Philippine Navy sa integridad at propesyonalismo ng kanilang hanay, habang nagbabala na hindi nila papahintulutan ang sinumang gagamit sa uniporme at ngalan ng militar para sa personal, iligal, o politikal na agenda.
06/06/2026
💙💙💙
Masyadong mababaw at mapanira ang paratang na "sinasabotahe" ng Akbayan at Magdalo ang proseso ng United Opposition dahil lamang sa maaga silang nagpahayag ng suporta o pag-endorso. Sa mundo ng politika, ang maagang pagkilos ay hindi sabotahe kundi strategy ngvpagpapalakas.
Karapatan ng Bawat Grupo ang Magpahayag, bago mabuo ang isang malawak na koalisyon, natural lamang na ang bawat partido o organisasyon ay magkaroon ng sarili nilang internal na pagpili at manindigan para sa tingin nilang karapat-dapat na lider.
Ang Pagbuo ng Momentum ay Nangangailangan ng Panahon. Hindi pwedeng magpalakas kung kailan huli na ang lahat. Kung hihintayin pa ng mga grupo na maging "hulma" o pinal na ang lahat bago gumalaw, mawawalan sila ng oras para manghikayat, mag-organisa, at magpalawak ng suporta sa ibaba (grassroots).
Ang Kampanya ay Hindi Nagsisimula sa Opisyal na Campaign Period: Ang pagbuo ng matatag na alyansa at ang pagkumbinsi sa mga botante ay isang mahabang proseso. Ang maagang pag-endorso ay paraan upang simulan ang diskurso at sukatin ang reaksyon ng publiko.
06/06/2026
RISA NA!
Hindi kailangan magtalo kung sino ang magaling o kung sino ang dapat. Kapag may taong handang tumindig, handang lumaban at handa kang ipaglaban LABAN NA! Kahit mahirap ang tatahakin laban pa. Kahit walang maniwala laban pa. Ang mahalaga lumalaban at hindi ka iiwan.
May isang handang tumindig, may isang handang lumaban, at may isang Ipaglalaban ka. RISA NA!
Hindi man malinaw kung ano ang landas na tatahakin ang mahalaga magsimula na. 💙🩷
06/06/2026
From Chad Siochi: “Truer words have never been spoken!”
💻 The VISOR Community
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Address
Caloocan
