PABATID
Para po lahat ng mga may alagang a*o at pusa, magkakaroon po ng LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION na gaganapin sa June 10, 2026, araw ng Miyerkules, sa ganap na alas - 8 ng umaga hanggang alas - 12 ng tanghali sa Trillanes Covered Court, Ninang Nena St., BF Homes 2. Dalhin lamang po ang inyong mga alaga at ang kanilang mga vaccination card kung meron.
Paalala lamang po na bawal bakunahan ang mga sumusunod:
Tatlong (3) buwang gulang pababa
Nakakagat sa loob ng dalawang linggo
Buntis o nagpapasuso ng mga anak
May sakit o naggagamot
Salamat po.
Barangay BF Homes - 169 Caloocan
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay BF Homes - 169 Caloocan, Public Service, Ninang Nena Street BF Homes Phase 2, Caloocan.
01/06/2026
ππππππππ ππππ πππ
π ππππππππ
β’ APRIL (UNCLAIMED)
β’ MAY 2026 CELEBRANTS
β’ MAY 2026 CELEBRANTS ELIGIBLE FOR GCASH PAYMENT
β’ FAILED DISBURSEMENT FROM GCASH 2025
β’FAILED DISBURSEMENT FROM GCASH PAYMENT JAN - MAR 2026
Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang listahan ng mga pangalan at schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out ngayong buwan. Ito po ay gaganapin sa darating na June 9, 2026, araw ng Martes sa Deparo Covered Court mula 9am - 12nn.
Para po sa mga eligible sa Gcash payment, hindi nyo na po kailangang magpunta sa venue, ang inyong pong cash gift ay papa*ok po sa inyong gcash account. P**i check na lamang po ang inyong mga Gcash account.
Salamat po.
30/05/2026
Clean-up drive
29/05/2026
PABATID
Narito po ang schedule at venue ng gaganaping Libreng bakuna kontra tigdas ngayong buwan ng June 2026 sa ating Barangay.
June 1, 2026 - Sta. Fe Homesite and FC Bartolome Ville
June 10, 2026 - Estrella Homes 2 Clubhouse
June 11, 2026 - Trillanes Covered Court BF Homes 2
Mangyari lamang po na dalhin ang ating mga anak edad 6 - 59 months old sa mga nasabing lugar para sa kanilang mga bakuna/booster. Ito po gaganaping mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Lubos pong nakikiramay ang pamunuan ng Barangay 169 sa pagpanaw ng dating Kagawad at kasalukuyang Barangay Administrator Kagawad Alfredo Dablo.
Ang kanyang paglilingkod, kabutihan, malasakit at ang kanyang mga naging ambag sa pagsusulong ng kapakanan ng ating nasasakupan ay mananatiling alaala at inspirasyon sa bawat isa sa atin.
Sa kanyang pamilya at mga naulila, ipinaaabot po namin ang aming taos-pusong pakikiramay at panalangin na nawa'y bigyan kayo ng lakas at kapanatagan sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Paalam at maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod kagawad Fred.
28/05/2026
PAANYAYA
Paalala pong muli sa lahat po ng ating mga Senior Citizens na nagdiwang ng kaarawan mula January - August 2025 na hindi pa nakakuha ng kanilang birthday package, mayroon po tayong distribution mamaya, Mayo 25, 2026 mula ala-1 hanggang alas - 3 ng hapon dito po sa ating Barangay hall.
Huwag pong kalilimutang dalhin ang inyo pong OSCA ID at booklet.
Salamat po.
23/05/2026
TIGNAN
Ang isinagawang libreng gupit at pakilay hatid sa atin ng Barangay 169 sa pakikipagtulungan ni Joshua Gatchalian noong ika-16 ng Mayo, 2026. Antabayan po nating muli ang libreng gupit para naman po sa ating mga kabataan at mag-aaral bilang paghahanda sa darating na pasukan sa paaralan.
PABATID
Magkakaroon po ng
OSCA Birthday Package Distribution sa lahat ng mga senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan mula sa buwan ng
JANUARY -AUGUST 2025 sa Trillanes Covered Court sa May 25, 2026 mula 1pm - 3pm.
Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong mga booklet at OSCa ID
Salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Ninang Nena Street BF Homes Phase 2
Caloocan
1400
