Kagawad Jerry Tugay Abito

Directions

Kagawad Jerry Tugay Abito 👉 Official page of Kagawad Jerry Tugay Abito
👉 Brgy. 176-F Zone 15 Bagong Silang Caloocan City

🇵🇭 PAGTATAAS NG WATAWAT NG PILIPINAS Isinagawa ang seremonya ng pagtataas ng Watawat ng Pilipinas na pinangunahan ng iny...
19/10/2026

🇵🇭 PAGTATAAS NG WATAWAT NG PILIPINAS

Isinagawa ang seremonya ng pagtataas ng Watawat ng Pilipinas na pinangunahan ng inyong Lingkod, Kagawad Jerry Tugay Abito, kasama si Kagawad Fatima Razon, sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Kapitan Vic Marc Sibayan.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa ating pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, disiplina, at patuloy na paglilingkod para sa ikabubuti ng ating mga kabarangay.




MALIGAYANG KAARAWAN PO SA INYONG LAHAT MGA MINAMAHAL NAMING SENIOR CITIZEN 🎂🎊🎉🎁👉Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Am...
14/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN PO SA INYONG LAHAT MGA MINAMAHAL NAMING SENIOR CITIZEN 🎂🎊🎉🎁

👉Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Ama ng Lungsod ng Caloocan, Mayor Along Malapitan, kasama si Congressman Oca Malapitan at Konsehal Enteng Malapitan, para sa Birthday Cash Gift na ipinagkaloob sa ating mga minamahal na Senior Citizen ng Barangay 176-F.

👉Ang inyong malasakit, pagmamahal, at patuloy na pagtulong ay malaking bagay upang maipadama sa ating mga nakatatanda ang kanilang kahalagahan at pagpapahalaga sa ating komunidad.

👉Gayundin, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa suporta ng ating butihing Punong Barangay Kapitan Vic Marc Sibayan, na patuloy na kaagapay sa pagsusulong ng mga programang kapaki-pakinabang para sa ating mga kabarangay, lalo na sa ating mga Senior Citizen.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at malasakit! ❤️

Mabuhay ang ating mga Senior Citizen! Mabuhay ang Barangay 176-F!

Lubos na gumagalang at naglilingkod,
Kagawad Jerry Tugay Abito
“Serbisyong Maymalasakit at Tama Para sa Mamamayan.”

🇵🇭 IKALAWANG LUNES SA BUWAN NG OKTUBRE | FLAG RAISING CEREMONY👉Matagumpay na isinagawa ang pagtataas ng Watawat ng Pilip...
12/10/2026

🇵🇭 IKALAWANG LUNES SA BUWAN NG OKTUBRE | FLAG RAISING CEREMONY

👉Matagumpay na isinagawa ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Barangay 176-F ngayong ikalawang Lunes ng Oktubre, na pinangunahan ng ating mga masisipag na Kagawad na sina Kgd. Apolinario “Kuya Inar” Trinidad, Kgd. Ma. Girlie “Geng” Pandiño, at Kgd. Ariel T. Manalo.

👉Ang gawaing ito ay sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Kapitan Vic Marc Sibayan, kasama ang inyong Lingkod, Kagawad Jerry Tugay Abito, ang buong Sangguniang Barangay, at ang lahat ng kawani ng Barangay 176-F.

👉Patuloy nating isabuhay ang pagmamahal sa ating bayan, pagkakaisa, disiplina, at tapat na paglilingkod para sa ikauunlad ng ating barangay.

Mabuhay ang Barangay 176-F! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

Ang Inyo Pong Lingkod:
Kagawad Jerry Tugay Abito
“Serbisyong May Malasakit at Tama Para sa Mamamayan.”




🎉🎂 MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR ALONG DALE MALAPITAN! 🎂🎉👉Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan mula p...
09/10/2026

🎉🎂 MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR ALONG DALE MALAPITAN! 🎂🎉

👉Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan mula po sa inyong Lingkod ng Barangay 176-F, Kagawad Jerry Tugay Abito at Punong Barangay Kapitan Vic Marc Sibayan .

👉Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na paglilingkod, malasakit, at sa mga programang naglalayong makatulong at magbigay ng mas magandang kinabukasan sa ating mga kababayan sa Lungsod ng Caloocan.

👉Nawa’y pagkalooban pa po kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, lakas ng pangangatawan, at higit pang tagumpay sa inyong paglilingkod sa ating lungsod.

Muli, Maligayang Kaarawan po, Mayor Along Dale Malapitan! 🎉🎂

Mula po sa inyong Lingkod,
Kagawad Jerry Tugay Abito
Barangay 176-F

❤️”ELDERLY FILIPINO WEEK” ❤️(Otcober 7, 2026)👉Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Pangulo at grupo ng bawat Senior C...
08/10/2026

❤️”ELDERLY FILIPINO WEEK” ❤️
(Otcober 7, 2026)

👉Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Pangulo at grupo ng bawat Senior Citizen ng Barangay 176-F na nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito.

👉Ang pagdiriwang na ito ay inihandog para sa ating mga minamahal na Senior Citizen, kung saan nagkaroon ng pagbabahagi ng kani-kanilang Food Delicacies, kasabay ng panunumpa at pagbibigay ng Sertipiko ng Pagkilala sa bawat grupong nakiisa at naging bahagi ng programa.

👉Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Butihing Punong Barangay Kap. Vic Marc Sibayan sa walang-sawang suporta at malasakit para sa ating mga minamahal na Senior Citizen at sa buong pamayanan ng Barangay 176-F.

👉Bilang inyong lingkod, Kagawad Jerry Tugay Abito, patuloy akong nakaalalay at handang maglingkod para sa kapakanan ng ating mga Senior Citizen at ng bawat residente, tungo sa mas maunlad, mas masaya, at mas nagkakaisang Barangay 176-F. ❤️

Mabuhay ang ating mga Senior Citizen!Mabuhay ang Barangay 176-F! 🇵🇭






October 7 ,2026 | ELDERLY FILIPINO WEEK PARADE
08/10/2026

October 7 ,2026 | ELDERLY FILIPINO WEEK PARADE

05/10/2026
🇵🇭 UNANG LUNES SA BUWAN NG OKTUBRE | FLAG RAISING CEREMONY 🇵🇭👉Isinagawa ngayong unang Lunes ng buwan ng Oktubre ang Pagt...
05/10/2026

🇵🇭 UNANG LUNES SA BUWAN NG OKTUBRE | FLAG RAISING CEREMONY 🇵🇭

👉Isinagawa ngayong unang Lunes ng buwan ng Oktubre ang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Barangay 176-F, sa pangunguna ng BOSCA Department, sa pamumuno ng ating Butihing Punong Barangay Kap. Vic Marc Sibayan.

👉Kaisa at kaagapay ang Inyong Lingkod Kagawad Jerry Tugay Abito, kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay 176-F, sa patuloy na pagpapaigting ng pagkakaisa, serbisyo at malasakit para sa ating mga ka-Barangay. 🤝❤️

👉Kasabay din nito ang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, bilang pagkilala, pagpapahalaga at pasasalamat sa ating mga minamahal na Senior Citizens na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at karunungan sa ating komunidad. 👵👴❤️

Mabuhay ang ating mga Senior Citizen! Mabuhay ang Barangay 176-F! 🇵🇭





👉Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating minamahal na kababaihan na patuloy na nagsisilbing inspirasyon, lakas a...
04/10/2026

👉Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating minamahal na kababaihan na patuloy na nagsisilbing inspirasyon, lakas at haligi ng ating mga pamilya at komunidad. 💐

👉Ang programang ito ay pinangunahan ng ating Butihing Punong Barangay Kapitan Vic Marc Sibayan, bilang pagpapahalaga at pagkilala sa mahalagang papel ng bawat kababaihan sa ating Barangay 176-F.

👉Lubos din ang aking pasasalamat sa pagkakataong makiisa at makapagbigay ng suporta sa inyo. Kasama ninyo ang inyong Lingkod, Kagawad Jerry Tugay Abito, sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga, respeto at pagkalinga sa ating mga kababaihan.

👉Mabuhay ang ating mga kababaihan! 💖
Patuloy nating pahalagahan, suportahan at bigyang-lakas ang bawat isa. 🌸

Ang Inyo Pong Lingkod:
Kagawad Jerry Tugay Abito
“Serbisyong May Malasakit at Tama para sa Mamamayan.”

🏳️‍🌈 LEGAL RIGHTS EMPOWERMENT SESSION 🏳️‍🌈👉Lubos na pasasalamat sa LGBT RISE sa pangunguna sa isang makabuluhang program...
29/09/2026

🏳️‍🌈 LEGAL RIGHTS EMPOWERMENT SESSION 🏳️‍🌈

👉Lubos na pasasalamat sa LGBT RISE sa pangunguna sa isang makabuluhang programa na may temang “Legal Rights Empowerment Session” para sa mga miyembro ng LGBTQIA+, ilang kawani at Barangay Officials ng Barangay 176-F.

👉Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga naging tagapagsalita na sina Atty. Julian Marvin Duba, Care Officer Peter John Zipagan, at Paralegal Officer Kurt Dynel Malaca, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Legal Rights Education, gayundin sa mga usaping may kaugnayan sa HIV/AIDS at kung paano mapalalawak ang kamalayan at wastong kaalaman ng ating komunidad.

👉Ang ganitong mga programa ay mahalaga upang higit nating maunawaan ang ating mga karapatan, responsibilidad, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na kaisipan, paggalang, at pagkakapantay-pantay sa ating komunidad.

👉Lubos din ang aming pasasalamat sa aming Butihing Punong Barangay Kap. Vic Marc Sibayan sa walang-sawang suporta sa mga programang naglalayong magbigay ng kaalaman, proteksyon, at makabuluhang serbisyo sa ating mga kabarangay.

Ang inyong Lingkod,
Kagawad Jerry Tugay Abito
“Serbisyong May Malasakit at Tama para sa Mamamayan.”
Barangay 176-F

Address

Barangay 176-F Zone 15 Bagong Silang
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Jerry Tugay Abito posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category