𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝟏𝟖𝟓 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐑𝐈𝐋𝐋 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒
June 03, 2026 Ilang-Ilang Creek
Ang paghahanda para sa baha ay mahalaga upang mailigtas ang buhay ng pamilya, mabawasan ang pinsala sa ari-arian, at maiwasan ang mga sakit. Ang maagang pag-iingat ay nagbibigay-daan sa mabilis na paglikas at nagbibigay ng kapayapaan ng isip sa oras ng sakuna.
Maraming salamat po sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department CCDRRMD, Chief Operations and Warning Division Sir Denver Robles, Supervisor Rescue Operations Sir Ferdinand Dacullo, Events and Safety Officer Sir Alvin Espinas, Glorietta Station Supervisor Sir Virgilio Vaño Uy, UMP4 Home Owners Association Officers, City Social Welfare and Development Department, Pamunuang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Dale Along Malapitan, Barangay Kagawads, Barangay Tanods, Volunteers, Barangay Staff, at sa lahat po ng ating mga ka-Barangay na nakiisa ngayong araw.
Ang paghahandang ito ay napaka halaga para sa kapakanan ng bawat pamilya sa ating komunidad.
Muli, maraming salamat po!
Barangay 185 Caloocan City Punong Barangay Rodolfo “Kap Ato” Oliva
THIS IS THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF KAP ATO OLIVA BARANGAY 185 DISTRICT 3 CALOOCAN CITY
Wheelchair and Walker Beneficiary from Purok 1 Camia
Maulang monday po!
29/05/2026
BARANGAY 185 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE
May 29, 2026 | Purok 7 Ascoville Road
Alinsunod sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program tayo po ay naglinis sa kahabaan ng Purok 7 Ascoville Road kasama ang ating masisipag na Eco-Warriors, Barangay Street Sweepers, mga Kapulisan mula sa LD Station, Care takers at magigiting na Volunteer Tanod at Core Group Leaders kahit na bumabagyo ay hindi ito alintana ng ating mga kasama para sa tuloy-tuloy na kalinisan ng ating Barangay.
28/05/2026
HEALTH ADVISORY | Magsisimula na ang libreng bakunahan kontra tigdas sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at Department of Health (DOH).
Simula June 2026, maaaring magpunta ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na anim hanggang 59 buwang gulang sa lahat ng health center sa Caloocan o sa mga itatalagang vaccination sites ng DOH.
Narito ang mga detalye tungkol sa tigdas at tigdas hangin, gayundin ang mga sintomas.
Hinihikayat ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang inyong mga anak upang mabigyan sila ng proteksyon at maiwasan ang iba't ibang komplikasyon tulad ng pulmonya, pamamaga ng tisyu sa utak o encephalitis, permanenteng kapansanan, at kamatayan.
👷♂️🚧 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐈𝐌𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝟕 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍 🚧👷♂️
Kama-kailan lang tayo po ay nakapag 𝗔𝘀𝗽𝗵𝗮𝗹𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗢𝘃𝗲𝗿𝗹𝗮𝘆 sa Purok 7 Manggahan sa tulong ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan.
Ipinagpatuloy naman po ito ng Pamahalaang Barangay sa Pangunguna ni Kap Ato Oliva kasama ang ating masisipag na kagawad sa pamamagitan ng pagsesemento ng mga natitirang daan upang maisaayos at maging patag ang kalsada para sa mga residenteng dumaraan rito.
Tuloy-tuloy parin po ang ating pagpapagawa sa ibang bahagi ng Purok 7 Manggahan.
Patuloy rin po ang ating Barangay sa mga proyektong makakatulong at magpapa unlad ng ating komunidad para sa mas mabilis, mas konektado at aksyon agad na pagseserbisyo sa ating mga ka-Barangay.
27/05/2026
𝙀𝙄𝘿 𝘼𝙇-𝘼𝘿𝙃𝘼! 🌙
Nakikiisa po tayo sa pagdiriwang ng Eid al-Adha ng ating mga kapatid na Muslim.
Nawa’y magsilbi itong paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa. Sa gitna ng anumang hamon, mahalaga ang patuloy na pagtutulungan, pag-unawa, at kabutihan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Muli, isang mapayapa at makabuluhang Eidl Adha sa lahat!
Eid Mubarak!
26/05/2026
𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐔𝐓𝐑𝐄𝐀𝐂𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 - 𝟐𝟑𝐫𝐝 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐏𝐄𝐓𝐑𝐎𝐌𝐈𝐍𝐄
May 20, 2026 | Malaria Covered Court
Naganap ang Community Outreach Program sa ating Barangay para sa mga Senior Citizens sa tulong ng Petromine na nagdiriwang ng kanilang ika-23 taong anibersaryo ng pagkakatatag.
Maraming salamat po Petromine sa pagpili sa aming Barangay at mga piling senior citizens na nangangailangan upang makatanggap ng blessings mula po sa inyong kumpanya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Third District
Caloocan
