03/06/2026
‼️𝐋𝐎𝐒𝐓 & 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃 𝐃𝐎𝐆‼️
Isang Husky dog po ang natagpuan ngayong Miyerkules, Hunyo 3, 2026 malapit sa Acco Homes Covered Court sa Phase 10B Package 6 Bagong Silang, Barangay 176-F, Caloocan City. Sa ngayon po ay nasa Barangay Annex Outpost malapit sa Kalayaan Elementary School ang natagpuang a*o.
Kung kayo po ang may-ari o nakakakilala po sa kung sino ang nagmamay-ari ng a*ong ito, mangyaring makipag-ugnayan po sa amin at magbigay ng patunay ng pagmamay-ari (mga larawan, 𝘷𝘦𝘵𝘦𝘳𝘪𝘯𝘢𝘳𝘺 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘳𝘥𝘴, o iba pang mga detalye ng pagkakakilanlan).
Nakikiusap din po kami na paki-share po ang post na ito upang makarating sa may-ari at ang a*o ay muling makasama ng kanyang pamilya. Maraming salamat po.
30/05/2026
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 | 𝑴𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏
🗓 𝐌𝐀𝐘 𝟑𝟎,𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲
📍𝐈𝐧𝐝𝐢𝐚𝐧𝐚 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭
🕗 𝟖:𝟎𝟎𝐚𝐦-𝟏𝟐:𝟎𝟎𝐧𝐧
27/05/2026
🚧𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 – 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐋𝐎𝐒𝐔𝐑𝐄🚧
Ipinapabatid po sa lahat na magsasagawa ng 𝑨𝒔𝒑𝒉𝒂𝒍𝒕 𝑳𝒂𝒚𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒚 ang 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 sa kalahating bahagi ng kalsada sa Shelterville paakyat ng palengke ng Brgy. 176-F sa Phase10a Package4 bukas, 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 simula 𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚.
Asahan po ang posibleng mabagal na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang road works sa nasabing lugar.
Pinapayuhan po ang mga motorista na maglaan ng sapat na oras para sa biyahe at gumamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
08/05/2026
𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝟏𝟕𝟔-𝐅
𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄
𝐌𝐚𝐲 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔𝒂𝒏 𝑫𝒂𝒚 (𝑩𝒂𝒓𝑲𝒂𝑫𝒂)
𝑾𝒆𝒆𝒌𝟏𝟗_𝑩𝒂𝒓𝑲𝒂𝑫𝒂𝟐𝟎𝟐𝟔_𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚𝟏𝟕𝟔-𝑭
Sa pangunguna ng 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 (𝑩𝑬𝑴𝑷𝑶) ay isinagawa po ang Clean-Up Drive ngayong Biyernes sa Phase 10B Pkg6 Blocks 71 & 73. Nagkaroon po ng declogging ng canal sa nasabing lugar upang matiyak ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha sa ating komunidad lalo na sa paparating na tag-ulan.
Ang programang Weekly Cleanup Drive, ayon sa direktiba ng DILG, ay naglalayong itaguyod ang kalinisan, kalusugan ng publiko, at pangangalaga sa kapaligiran. Hinihikayat din po ng pamahalaang barangay ang pakikiisa ng mga mamamayan upang maging mas matagumpay ang layunin ng programa.
Isa lamang po ang programang ito sa araw-araw na gampanin ng ating mga opisyal at kawani ng barangay upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Pinapaalalahanan at pinapakiusapan din po ang lahat ng residente na makiisa sa layuning ito upang mapanataling malinis ang ating barangay.
Maraming Salamat po!
08/05/2026
𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝟏𝟕𝟔-𝐅
𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐩𝐞𝐫𝐬 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐒𝐒𝐃)
𝑴𝒂𝒚 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Maraming salamat po sa ating mga barangay street sweepers sa araw-araw na pagpapanatili ng kalinisan sa ating mga kalsada sa barangay.
08/05/2026
𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝟏𝟕𝟔-𝐅
𝐏𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐈𝐃
𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
Bilang tugon sa kahilingan ng mga residente ng ating barangay ay nakipag-ugnayan po ang ating 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, 𝐊𝐚𝐩. 𝐕𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐜 𝐒𝐢𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 sa 𝐏𝐡𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 – 𝐍𝐂𝐑 upang magkaroon ng 𝟓-𝒅𝒂𝒚 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑰𝑫 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 dito sa 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝟏𝟕𝟔-𝐅. Ito po ay gaganapin sa lugar at mga petsang sumusunod:
📍 𝑴𝒊𝒂𝒎𝒊 𝑪𝒐𝒗𝒆𝒓𝒆𝒅 𝑪𝒐𝒖𝒓𝒕
🗓️ 𝑴𝒂𝒚 𝟏𝟏, 𝟏𝟐, 𝟏𝟑, 𝟏𝟒, 𝒂𝒏𝒅 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
🕐 𝟖:𝟎𝟎 𝒂𝒎 – 𝟓:𝟎𝟎 𝒑𝒎
Pakitingnan po ang larawan sa ibaba para po sa listahan ng supporting documents na maaaring dalhin.
03/05/2026
𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 – 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲
𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓
𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝟏𝟕𝟔-𝐅 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄
• 𝑨𝑷𝑹𝑰𝑳 𝑪𝑬𝑳𝑬𝑩𝑹𝑨𝑵𝑻𝑺
• 𝑼𝑵𝑪𝑳𝑨𝑰𝑴𝑬𝑫 - 𝑴𝑨𝑹𝑪𝑯
Para po sa ating mga minamahal na 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 ng 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝟏𝟕𝟔-𝐅, ang schedule po ng OSCA para sa distribution ng 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐆𝐢𝐟𝐭 para sa 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐧𝐭𝐬 at 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐮𝐧𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐞𝐝 ay nakatakda pong isagawa sa 𝐌𝐚𝐲 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬, 𝟏:𝟎𝟎𝐏𝐌-𝟑:𝟎𝟎𝐏𝐌. Ito po ay gaganapin sa 𝐌𝐈𝐀𝐌𝐈 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐓, Phase 10a Pkg4 sa likod ng Brgy. 176-F Multipurpose Hall. Narito din po ang guidelines sa pag-claim ng inyong cash gift at birthday package.
Maaari po kayong magtungo sa ating 𝐁𝐎𝐒𝐂𝐀 sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 o di kaya ay mag-chat dito sa ating Official page para ikumpirma sa listahan ang mga makakatanggap ng cash gift sa scheduled payout at ang mga eligible for Gcash payment.
Maraming salamat po.
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring antabayanan na lamang po ang pagpa*ok nito sa inyong mga account.
𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚 𝑩𝒊𝒓𝒕𝒉𝒅𝒂𝒚 𝒑𝒐!
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: ℎ𝑡𝑡𝑝𝑠://𝑤𝑤𝑤.𝑓𝑎𝑐𝑒𝑏𝑜𝑜𝑘.𝑐𝑜𝑚/𝑜𝑠𝑐𝑎𝑐𝑎𝑙𝑜𝑜𝑐𝑎𝑛
29/04/2026
𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎, 𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐀?
Ito ang unang hakbang upang ipakita ang ating demokrasya. Bilang isang mamamayan, may karapatan kang ipahayag ang iyong opinyon sa kung sino ang karapat-dapat maihalal sa puwesto sa pamamagitan ng iyong pagboto. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating barangay! Magparehistro upang makaboto sa darating na halalan para sa tuloy-tuloy na pagbabago at pag-unlad ng ating barangay.
Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan. 🇵🇭
Tara na at magparehistro!
𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐒𝐀𝐓𝐄𝐋𝐋𝐈𝐓𝐄 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐅𝐨𝐫 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝟏𝟕𝟔-𝐅 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒
🗓️ 𝑴𝒂𝒚 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝑺𝒂𝒕𝒖𝒓𝒅𝒂𝒚)
🕐 𝟖:𝟎𝟎 𝑨𝑴 - 𝟒:𝟎𝟎 𝑷𝑴
📍 𝑩𝑪 𝑪𝒐𝒖𝒓𝒕 𝑴𝒖𝒍𝒕𝒊𝒑𝒖𝒓𝒑𝒐𝒔𝒆 𝑯𝒂𝒍𝒍
𝑷𝒉𝒂𝒔𝒆𝟏𝟎𝑨 𝑷𝒌𝒈𝟐 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑺𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈
𝑩𝒓𝒈𝒚. 𝟏𝟕𝟔-𝑭, 𝑪𝒂𝒍𝒐𝒐𝒄𝒂𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘷𝘢𝘭𝘪𝘥 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵-𝘪𝘴𝘴𝘶𝘦𝘥 𝘐𝘋. 𝘔𝘢𝘢𝘢𝘳𝘪 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘮 𝘴𝘢 𝘷𝘦𝘯𝘶𝘦 𝘴𝘢 𝘮𝘪𝘴𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘨𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰 𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, 𝐊𝐚𝐩. 𝐕𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐜 𝐒𝐢𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘬𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘵𝘦𝘭𝘭𝘪𝘵𝘦 𝘳𝘦𝘨𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰!
25/04/2026
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖
𝑨𝒑𝒓𝒊𝒍 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝑺𝒂𝒕𝒖𝒓𝒅𝒂𝒚
Sabay na ginaganap ngayon ang dalawang 𝒎𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒎𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 para sa mga residente ng 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝟏𝟕𝟔-𝐅. Narito po ang mga venue at mga serbisyong maaari ninyo maavail sa mga sumusunod na lugar:
𝐈𝐧𝐝𝐢𝐚𝐧𝐚 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐏𝐡𝐚𝐬𝐞 𝟏𝟎𝐀 𝐏𝐤𝐠𝟏
~𝑴𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑪𝒉𝒆𝒄𝒌𝒖𝒑 𝒘/ 𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒎𝒆𝒅𝒊𝒄𝒊𝒏𝒆𝒔
~𝑭𝒓𝒆𝒆 𝒎𝒂𝒔𝒔𝒂𝒈𝒆, 𝒉𝒂𝒊𝒓𝒄𝒖𝒕, 𝒇𝒂𝒄𝒊𝒂𝒍, 𝒂𝒏𝒅 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒄𝒖𝒓𝒆 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔
~𝑺𝒂𝒈𝒊𝒑-𝑴𝒂𝒕𝒂 (𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒍𝒂𝒔𝒔𝒆𝒔)
~𝑫𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑪𝒉𝒆𝒄𝒌𝒖𝒑 (𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒐𝒐𝒕𝒉 𝒆𝒙𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒓 𝒃𝒖𝒏𝒐𝒕 𝒏𝒈 𝒏𝒈𝒊𝒑𝒊𝒏)
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐏𝐡𝐚𝐬𝐞 𝟏𝟎𝐁 𝐏𝐤𝐠𝟓
~𝑷𝒉𝒊𝒍𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆
~𝑷𝒉𝒊𝒍𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒀𝑨𝑲𝑨𝑷 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏
~𝑴𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍𝑪𝒉𝒆𝒄𝒌𝒖𝒑
Half Day lang po ang mga ito. Punta na po kayo sa pinakamalapit na venue mga ka-𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝟏𝟕𝟔-𝐅!
24/04/2026
𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬
Noong Lunes, Abril 20, 2026 ay dumalo ang ating 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, Kap. Vic Marc Sibayan sa ginanap na Coordinating Meeting ng Caloocan City Police, DILG, Caloocan LGU at mga Barangay Chairman tungkol sa ““𝑷𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒔 𝑳𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒏𝒂 𝑲𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅”. Tinalakay dito ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagbabahagi ng responsibilidad sa bawat ahensya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Kasama rin sa kaganapan ang 𝑶𝒂𝒕𝒉 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒊𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒍𝒆𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕, na sumisimbolo sa sama-samang dedikasyon ng lahat ng kalahok tungo sa mas ligtas at mas matatag na komunidad. Bilang kinatawan ng ating 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝟏𝟕𝟔-𝐅, Si 𝐊𝐚𝐩 𝐕𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐜 𝐒𝐢𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 ay nakilahok sa pagpapahayag ng panata ng pagkakaisa ng mga lingkod-bayan na palakasin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng aktibong kooperasyon, koordinasyon, at magkabahaging responsibilidad tungo sa isang mas ligtas na Lungsod Caloocan.