Mapagpalang Hapon mga ka Brgy 73 sa sinuman pong nakakuha ng Cr ng dalawang sasakyan na naiwanan ko saking Motor maari po bang ipag bigay alam sakin mahalagang documento po eto...
ang name na nakalagay sa mga CR ay
1. Leonil Mangalao Baguinaon at
2. Alpha Milestone Properties
maari po ninyo akong ipm or puntahan po ako sa aking bahay salamat po mga ka brgy ko.. God Bless po..
JOVEN LLENA
Ako po si Kap. Jovencio 'JOVEN' Tempra Llena naging Brgy. kapitan ng 13yrs.. mula noon hangang ngayon...
Malapit sa ating Puong May kapal may Pagmamalasakit , Pagmamahal sa kapwa Pagiging matapat at totoo nakaalalay sa aking mga mahal na ka Brgy 73. the population of brgy 73 grew from 6,434 in 1990
to 17,993 in 2015 an increase of 11,559 people.
Ang kapangyarihan ay hindi habang-buhay, pero ang respeto at kababaang-loob ay mga katangian na makakatulong sa iyo upang magtagumpay at magkaroon ng tunay na impluwensya. 😊
Ang mga taong may tunay na kapangyarihan ay yaong mga taong may respeto sa iba at may kababaang-loob na makinig at matuto...
14/02/2026
Happy Fiesta at Happy Valentines day po mga mahal kong Brgy 73.. God Bless us All
30/01/2026
31/12/2025
ANTI-NOISE POLLUTION CAMPAIGN
Ireport sa Caloocan City Police Station (CCPS) o sa inyong barangay ang mga nag-iingay at nanggugulo sa inyong mga komunidad para mapanatiling masaya at maayos ang pagsalubong sa 2026.
Nakapaloob sa Republic Act 386 (Civil Code of the Philippines), Republic Act 8749 (Clean Air Act), at Caloocan City Ordinance 0643 s. 2016 ang mga sumusunod:
🎉 Iwasan ang paggawa ng anumang ingay na makaka-abala sa mga kapit-bahay at makaka-istorbo sa kapayapaan ng inyong komunidad, lalo na kapag dis-oras ng gabi.
🎉 Pinapayagan lamang ang mga kantahan at videoke mula 10:00am hanggang 10:00pm, maliban na lamang kung mayroong espesyal na okasyon.
🎉 Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga ilegal na paputok at mga open-pipe motorcycle.
🎉 Para sa mga insidente ng pag-iingay na labag sa batas o sa lokal na ordinansa, i-report kaagad sa kinauukulan o sa (02)888-25664 o 0908-81-25664. Maaari ring tumawag sa CCPS sa 0998-59-87862.
Mga Batang Kankaloo, ngayong Bagong Taon, panatilihin natin ang pagiging responsable at magbigay ng konsiderasyon sa ating mga kapit-bahay at sa buong komunidad.
24/07/2025
Mga Batang Kankaloo, Orange Rainfall Warning nanaman po ang nakataas sa buong Metro Manila, kabilang na ang Caloocan, batay sa 2am update ng PAGASA.
Huwag po kayong mag-alala, kasama nyo po ang buong pamahalaang lungsod sa pagpupuyat at pagbabantay upang tiyakin na ligtas ang mga Batang Kankaloo.
24/07/2025
Mananatiling suspendido ang pasok sa mga eskwelahan at tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod ng Caloocan, bukas, July 25, 2025.
Gayunman, tuloy po ang pagkakaroon ng skeletal force ng ating pamahalaan upang patuloy na magbigay ng serbisyo sa mga Batang Kankaloo.
Ingat po, mga Batang Kankaloo!
24/07/2025
Sa pagpupulong po ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at ng mga punong barangay sa Caloocan, at batay na rin sa ginawa nating assessment sa lawak ng pinsala at dami ng naapektuhan nating kababayan dulot ng pag-ulan at pagbaha, inirekomenda po ng CDRRMC at idineklara ng ating Sangguniang Panlungsod ang pagsasailalim ng Caloocan sa State of Calamity.
Sa pamamagitan po nito, mas magiging mabilis ang mobilisasyon at pag-abot natin ng tulong sa ating mga kababayang apektado ng kalamidad pati na rin ang pagsasaayos ng mga imprastraktura sa ating siyudad.
Asahan nyo po na sa panahon ng krisis at kalamidad, ang Batang Kankaloo ay para sa kanyang kapwa Batang Kankaloo.
23/07/2025
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Caloocan
1400
