Kagawad Richiel Bolivar

Kagawad Richiel Bolivar

Share

Kagawad Richiel Bolivar of Brgy 28, Caloocan City

Photos from Kagawad Richiel Bolivar 's post 18/07/2026

HATID TULONG PROGRAM! ❤️♿

​Walang oras na sinasayang basta para sa kapakanan ng ating mga kabarangay. Sa kahilingan ng ating kaibigang si Myra Solidum para sa kanyang Ate Maritess Amante, agad nating tinugunan upang maihatid ang wheelchair na kanyang kailangan.

​Salamat sa walang sawang suporta ni Cong. Egay Erice at sa dedikasyon ng ating TEAM BOLIVAR na kasama nating nag-abot ng tulong: sina Rombelle Kuya Rbee David , Baby Jordan , Moy Galope , Mark Galgana , Fe Daylo Enclona , at ang inyong lingkod, Kagawad Richiel Bolivar .

​Ang makita ang mga ngiti at ginhawa sa ating mga kababayan ang tunay na premyo ng ating paglilingkod. Patuloy po tayong magkakaisa para sa mas maginhawang komunidad!

Photos from Kagawad Richiel Bolivar 's post 18/07/2026

MALIGAYANG PAGBATI SA ATING MGA CHAMPIONS! 🥇

​Isang taos-pusong pagsaludo sa mga manlalaro ng Barangay 28 para sa inyong muling paggawad ng kampeonato sa Inter-Barangay Basketball Tournament! Ang inyong tagumpay ay patunay ng sipag, disiplina, at tunay na galing ng BATANG BENTE-OTSO.

​Maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating komunidad at sa patuloy na pag-angat sa ngalan ng ating barangay. Asahan ninyo ang aming walang sawang suporta sa inyong mga susunod pang laban! 🏅🏀

15/07/2026

FYI : CALOOCAN CITY ORDINANCE 0503

Photos from Kagawad Richiel Bolivar 's post 15/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa inyong mainit na pag-imbita sa TEAM BOLIVAR at TEAM SERRANO sa inyong Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Isang malaking karangalan ang makadalo at makapakinig po sa inyo.

13/07/2026

🩺 PRIORITY ANG KALUSUGAN SA TEAM BOLIVAR! 🩺

​Isang mahalagang handog para sa kalusugan ng bawat pamilya sa Barangay 28!

​Hatid po ng inyong lingkod, Kagawad Richiel Bolivar , sa walang sawang pagsuporta nina Cong. Egay Erice at ng Hari Cudiamat Center, ang LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL:
​🔹 Libreng 2D Echo
​🔹 Libreng Ultrasound
​🔹 Libreng ECG

​📋 PAANO MAG-AVAIL AT MAHALAGANG PAALALA:

​💬 Mag-comment lang po sa ibaba ang mga residenteng gustong sumailalim sa mga medical tests na ito.
​📄 REQUIREMENT: Dapat po ay may dala kayong Doctor's Request (reseta/kautusan mula sa inyong doktor) para sa partikular na test na kailangan ninyo.
​⏳ SUNDIN ANG ISKEDYUL: Mangyari lamang po na sundin ang ibibigay nating schedule. Limitado po ang slots at ayaw nating masayang ang pagkakataon, pati na rin ang maiwasan ang pagkaantala (delay) sa clinic.

​Magtulungan po tayo para sa mas malusog na komunidad. Alagaan ang puso at katawan, mag-comment na po para mai-ayos ang inyong slot! ❤️✍️

Photos from Kagawad Richiel Bolivar 's post 13/07/2026

HAPPY ANNIVERSARY, CIDADE DE DIOS ! 🖤💜

​Buong-pusong pagsuporta at pagbati mula sa inyong lingkod, Kagawad Richiel Bolivar , at sa buong TEAM BOLIVAR! 🙏☝️

​Taos-pusong pasasalamat kay soon-to-be Kagawad Moy Galope at sa buong grupo ng CIDADE DE DIOS sa inyong imbitasyon. Isang malaking karangalan ang makasama kayo sa mahalagang araw na ito.

​Congratulations at pagpalain pa nawa ang inyong samahan, mga Itim na Tupa ni Kristo!

09/07/2026

COMING SOON: Isang Bagong Tambayan para sa Kaalaman! 📚✨

Dahil ang karunungan ang pinakamagandang regalo sa ating komunidad, parating na ang isang espasyo na nakalaan para sa ating mga mahilig magbasa at matuto.

​Abangan ang buong detalye sa mga susunod na araw, mga batang bente-otso! ❤️✨


07/07/2026

𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆

Inaanyayahan ko po ang mga kabataang edad 15 hanggang 24 taong gulang na lumahok sa Youth Profiling ng City Social Welfare and Development Department kung kayo po ay:

• Huminto sa pag-aaral (may trabaho man o wala)
• Hindi pa nakapagtapos ng 4-year course, kabilang ang vocational o technical programs

I-scan ang QR code sa larawan o pindutin ang link na ito:
https://forms.gle/BqgBRzfdfKzd1Kte9

Mas magiging epektibo po ang ating mga programa para sa kabataan kung nakabatay ito sa datos na angkop sa inyong pangangailangan.

Salamat po sa pakikiisa, mga Batang Kankaloo!

07/07/2026

Habol na pwede pa mag enroll 🥰

06/07/2026

A N N O U N C E M E N T❗️❗️❗️

W H A T : ANTI-RABIES Vaccination
W H E N : July 7, 2026 ( Tuesday ) , 9:00am.
W H E R E : Barangay 28 Hall and Landaska Covered Court.

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


20 Malaya Street
Caloocan
1400