Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.

Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.

Share

Pederasyon ng mga Former Rebels sa NCR

01/05/2026

PAHAYAG NG HUGPONG OBRERO INC.
MAYO UNO, 2026

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!

Tunay na nagbibigay-pugay ang Hugpong Obrero sa mga manggagawang Pilipino na patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng kapwa manggagawa at ng buong bayan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nakikiisa ang Hugpong Obrero sa isang mapayapang pamamaraan ng paggunita, na may layuning itaguyod ang pagkakaisa, katatagan, at kapayapaan sa hanay ng mga manggagawa.

Ang Hugpong Obrero ay isang samahan ng mga manggagawa—dating kasapi ng RCTU-CPP—na nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan at kumpanya.

Layunin nitong itaguyod ang industrial peace at pangalagaan ang kabuhayan ng mga manggagawa upang maiwasan ang mga sigalot na maaaring humantong sa welga, pagsasara ng mga kumpanya, at pagkawala ng hanapbuhay, gayundin ang posibleng pagsasamantala ng ilang grupong nagrerekrut tungo sa armadong karahasan.

Patuloy na isinusulong ng Hugpong Obrero ang adhikain ng industrial peace at maayos na ugnayan ng manggagawa at pamunuan upang mapanatili ang trabaho, kabuhayan, at katatagan ng industriya, at maiwasan ang pagsasamantala ng ilang grupong naghihikayat ng armadong karahasan.

Nakikiisa ang Hugpong Obrero, bilang isa sa mga founding member ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc., at ng mga samahang kasapi nito, sa lahat ng manggagawang Pilipino. Kinikilala namin ang mahalagang papel ng bawat manggagawa bilang sandigan ng isang matatag at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Sanggunian:

CRISPIN A. TANDOG JR.
Pangulo, Hugpong Obrero
Tagpagtatag na Pangulo ng
Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc.












Nasa comment section ang opisyal na pahayag ng Hugpong Obrero Inc.

22/04/2026

Pahayag ng Pasasalamat mula sa Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon

Taos-pusong nagpapasalamat ang Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon kay Sec. Carlito Galvez Jr. sa kanyang apat na dekada at higit pang walang kapantay na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Sa loob ng walong taon ng kanyang makabuluhang pamumuno bilang kalihim at tagapayo sa kapayapaan, naabot ng Philippine Comprehensive Peace Process ang mahahalagang tagumpay—mga hakbang tungo sa isang mas mapayapa, nagkakaisa, at matatag na bansa.

Ang kanyang bisyon, dedikasyon, at malasakit ay nagsilbing gabay sa pagsusulong ng pagkakasundo at pagkakaisa sa iba’t ibang panig ng lipunan.

Ang kanyang desisyong magretiro upang unahin ang pamilya ay isang paalala ng tunay na diwa ng paglilingkod—na ang lakas ng isang lider ay hindi lamang nasusukat sa kanyang mga nagawa sa tungkulin, kundi pati sa kanyang pagmamahal at pananagutan sa kanyang pamilya.

Kinikilala namin ang kanyang mahalagang ambag bilang lingkod-bayan—mula sa Armed Forces of the Philippines hanggang sa iba’t ibang kritikal na tungkulin sa pamahalaan. Ang kanyang pamumuno ay nag-iwan ng matibay na pundasyon para sa pagpapatuloy ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Sa kanyang pag-alis sa serbisyo, dala namin ang pasasalamat at paghanga sa isang lider na buong pusong nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan.

Maraming salamat, Sec. Galvez, sa inyong walang sawang serbisyo.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, payapang pamumuhay, at mahalagang oras kasama ang inyong pamilya.

Mabuhay po kayo. Isang haligi ng kapayapaan!
Mabuhay ang Kapayapaan!
Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

Para sa bayan,
Crispin A.Tandog Jr
Pangulo, HAKAP Pederasyon




18/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang ikatlong buwanang pagpupulong ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) kahapon, Abril 17, 2026, sa Camp General Emilio Aguinaldo, Lungsod ng Quezon, sa pakikipagtulungan ng OPAPRU-CPPO, NICA-NCRO, at AFP NCRCOM. Dinaluhan ito ng kabuuang 38 opisyal mula sa iba’t ibang samahan—kabilang ang mga pangulo, pangalawang pangulo, at kalihim ng bawat samahan—upang talakayin ang mga hakbang at programang makatutulong sa mga kasaping organisasyon ng HAKAP.

Isa sa mga tampok ng pagpupulong ang pagtitibay ng suporta sa pamahalaan sa patuloy na pagtataguyod ng kapayapaan, gayundin ang pagpapalakas ng mga programang pangkaunlaran, transpormasyon, at empowerment para sa mga Former Rebels People’s Organization at iba pang sektor sa komunidad. Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pagkakaisa at malasakit sa adhikaing makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Bilang simbolo ng pagkakaisa, nagsagawa rin ng boodle fight na may temang “Kapayapaan, hindi digmaang bayan,” na sumasalamin sa kolektibong paninindigan para sa kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad ng sambayanan.

Sanggunian: Crispin A. Tandog Jr., Pangulo ng HAKAP




09/04/2026

PRESS RELEASE
HAKAP Nakikiisa sa Paggunita ng 84th Araw ng Kagitingan; 16,003 Former Rebels, nag-aplay para sa Amnestiya

Caloocan, Abril 9, 2026 — Nakikiisa ang Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) sa pag-alala ng ika-84 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, bilang pagpupugay sa mga beterano at bagong bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa.

Ayon sa HAKAP-NCR Federation, na kinabibilangan ng mga Former Rebels' People's Organizations (FRPOs), NGOs, at sektoral at advocacy groups, patuloy silang kaisa ng mamamayan sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa, laban sa karahasan at terorismo ng CPP-NPA-NDF sa mga komunidad.

Sa ilalim ng programang reporma at amnestiya, 16,003 former rebels at ex-combatants ang nag-aplay – isang malaking milestone sa kapayapaan sa bansa, ayon sa Facebook post ng OPAPRU.
(Link: https://www.facebook.com/share/p/17LkKaKjgz/ )

Hinihikayat ng HAKAP ang natitirang kasapi ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa pamahalaan at sama-samang isulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng Pilipinas.

SGD.
Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo



03/04/2026

Mensahe ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)
para sa Good Friday

Sa banal na araw na ito ng paggunita sa sakripisyo ni Hesus Kristo, kami sa Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)—isang pederasyon sa NCR na binubuo ng mga dating kadre, rebelde, lider, kanilang mga pamilya at tagasuporta, katuwang ang iba’t ibang NGOs, People’s Organizations, sectoral at advocacy groups—ay muling naninindigan para sa kapayapaan, katotohanan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Bilang mga naging saksi at bahagi ng mga karanasang dulot ng armadong tunggalian, mariin naming tinututulan ang patuloy na karahasan sa kanayunan, gayundin ang mga mapanlinlang na pamamaraan tulad ng deceptive recruitment, spy-tagging, at terror grooming na naglalagay sa panganib, lalo na sa ating mga kabataan.

Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng ating bansa—kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis—hinihikayat namin ang bawat Pilipino na piliin ang pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagtutulungan—hindi armadong karahasan, kundi pagkakaisa para sa kabutihang panlahat.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang halimbawa ni Hesus Kristo upang patuloy nating tahakin ang landas ng pagbabago, paghilom, at tunay na kapayapaan para sa ating bayan.

Sa pagkakaisa, may pag-asa.
PILIIN at HAKAPin ang kapayapaan para sa magandang kinabukasan tungo sa kaunlaran. 🇵🇭✊

Sanggunian:
Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo



30/03/2026

Tingnan / HAKAPin ang Kapayapaan!

𝟭𝟲,𝟬𝟬𝟯 𝗳𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗿𝗲𝗯𝗲𝗹𝘀, 𝗲𝘅-𝗰𝗼𝗺𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝘁𝘀 𝗮𝗽𝗽𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗺𝗻𝗲𝘀𝘁𝘆, 𝗺𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗺𝗶𝗹𝗲𝘀𝘁𝗼𝗻𝗲 𝗶𝗻 𝗣𝗛 𝗽𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀

PASIG CITY — A total of 16,003 former rebels and ex-combatants have availed of the national government’s Amnesty Program as of March 14, 2026, which is seen as another major milestone under the comprehensive Philippine peace process.

Data from the National Amnesty Commission (NAC) show that the majority of the applicants — 13,633 — are former members of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) and their front organizations.

Their applications were received before the March 13, 2026 deadline set for the group.

In the meantime, 1,240 applicants came from the Moro Islamic Liberation Front (M**F), while the Moro National Liberation Front (MNLF) had 646.

Another 484 applications were submitted by members of the Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa–Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army–Alex Boncayao Brigade (RPM-P/RPA-ABB) who now call themselves the Kapatiran.

The deadline for M**F, MNLF, and RPM-P/RPA-ABB applicants was set earlier on March 4, 2026.

📌 Full story in comments.

30/03/2026

KAILANMAN HINDI TATANGGAPIN NG SAMBAYANANG PILIPINO ANG ARMADONG KARAHASAN NG CPP-NPA-NDF!

TINGNAN: Isang babaeng rebelde na may bitbit na M16 rifle ang iniwanan ng kaniyang mga kasamahan.

Dinala na siya sa San Jose Police Station para maimbestigahan at matukoy ang pagkakakilanlan at upang masampahan ng kaso.

Ang naturang babaeng rebelde ay pinaniniwalaang isang estudyante ng isang unibersidad sa Maynila, na na-recruit umano ng mga rebelde at dinala sa Mindoro para sa tinatawag nilang "tour of duty." | via
Dennis Datu, ABS-CBN News

(📷: 203rd IB, Philippine Army)

29/03/2026

Ang Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) – NCR Federation ay itinatag noong Nobyembre 25, 2024, sa inisyatiba ng mga dating kadre, rebelde, lider, at kanilang mga pamilya, gayundin ng mga tagasuporta at komunidad na dating may kaugnayan sa CPP–NPA–NDF. Katuwang din sa pagkakatatag nito ang mga lider ng Former Rebels People’s Organizations (FRPOs), mga people's organizations, sectoral groups, advocacy groups, at iba’t ibang Non-Government Organizations (NGOs) na nakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan at sa paglaban sa impluwensya ng CPP–NPA–NDF.

Photos from Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.'s post 29/03/2026

Pahayag ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) – NCR Federation sa Pagkondena sa ika‑57 Taong Pagkatatag ng Teroristang New People’s Army (NPA)

Walang dapat ipagdiwang ang teroristang NPA sa ika‑57 taon nito dahil sa pinsalang dulot nito sa bansa at mamamayan.

Mariing kinokondena ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) – NCR Federation ang paggunita sa ika‑57 taong pagkatatag ng Teroristang NPA ngayong ika‑29 ng Marso, 2026. Wala itong dapat ipagdiwang. Sa loob ng 57 taon, ang NPA at ang kanilang armadong kilusan ay nagdulot ng malawakang pagkawatak‑watak sa lipunan, karahasan, patayan, pangingikil, at pagsira at pagsusunog ng mga kagamitan at pasilidad para sa mga proyekto pang‑kaunlaran. Maraming sibilyan ang nadamay, libu-libong pamilya ang nagdusa, at ang kabataang Pilipino ay maagang nasira ang kinabukasan dahil sa panlilinlang, radikalisasyon, at paghikayat ng mga hayag na organisasyong sumusuporta sa armadong karahasan.

Matagal nang itinakwil ng sambayanang Pilipino ang landas na ito. Hindi tinanggap ng ating mga kababayan ang maling paniniwala na ang pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng pagpapatayan ng kapwa Pilipino. Patunay nito ang patuloy na pagdami ng mga dating kadre, lider, rebelde, at mga masa na piniling magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang mga programang pangkapayapaan, kabilang ang pag‑apply ng amnestiya at iba pang reintegration programs.

Mas malala pa rito, may mga sumusuporta at tagapagpalaganap ng armadong karahasan na patuloy na ginagamit ang lehitimong mga isyu ng mamamayan—lalo na ang kasalukuyang mga pandaigdigang krisis, tulad ng tensiyon at digmaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos–Israel—para pahinain ang tiwala sa gobyerno at isulong ang pansariling interes ng armadong kilusan at ng kanilang mga tagasuporta, sa halip na harapin ang tunay na mga suliranin ng ating bansa at mamamayan.

Sa kasalukuyan, ginagamit din ng NPA ang pananakot sa anyo ng “spy-tagging”, kung saan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan at mga sibilyan ay inilalagay sa panganib ng walang malinaw na batayan at kawalang katarungan, na nagdudulot ng takot at pangamba sa mga komunidad.

Naninindigan ang HAKAP–NCR Federation na ang tunay na pagbabago at pag‑angat ng buhay ng mamamayan ay hindi nagmumula sa karahasan, pangingikil, pagkawatak‑watak, o pananakot, kundi sa pagkakaisa, pagtutulungan, at matibay na programang panlipunan na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kaunlaran, at kapayapaan.

Bilang samahan ng mga dating kadre, rebelde, at kanilang mga pamilya na piniling tahakin ang landas ng kapayapaan, kami ay nananawagan sa lahat ng naliligaw pa ng landas na talikuran ang karahasan at maling ideolohiya, itakwil ang pangingikil, at yakapin ang diwa ng pagkakaisa, pagbabagong-buhay, at tunay na paglilingkod sa bayan.

Ang hinaharap ng ating bansa ay nakasalalay hindi sa armas, kundi sa sama-samang pagkilos para sa kaunlaran at kapakanan ng bawat Pilipino. Patuloy kaming makikipagtulungan sa pamahalaan, komunidad, at iba't ibang sektor upang isulong ang kapayapaan, kaayusan, at tunay na pagbabago—para sa isang mas ligtas, mas maunlad, at nagkakaisang Pilipinas.

HAKAPin ang Kapayapaan para sa magandang kinabukasan!

Paglingkuran ang Bayan,
CRISPIN A. TANDOG JR.
Pangulo

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bagong Silang
Caloocan