28/06/2025
Lubos ang pasasalamat sa ating donor! Sa halagang ₱300, nakabili po tayo ng school supplies na makapagpapasaya at makatutulong sa tatlong munting bata. 🙌🎒
Nawa’y ito na ang simula ng isang makabuluhang pagkilos—patungo sa mas maraming pusong matutulungan. Maliit man ang halaga, malaki ang maitutulong kapag ito'y mula sa pusong bukas sa paglilingkod.
1 Plastic Envelope
2 Writing notebook
1 Writing pad
1 Pencil
1 Eraser
1 Sharpener
28/06/2025
💙 "Isang Piso, Isang Puso. Sama-samang umaaksyon para sa pag-asa ng bawat kabataan." 💙 🤝 Tayo ang liwanag sa kanilang kinabukasan. Piso lang, may pag-asa nang simula.
23/06/2025
Hi mga kaibigan! 🙌 May isang munting misyon po akong binubuo—layunin nating makatulong sa isang bata o kabataan na nangangailangan, maging ito man ay para sa isang simpleng pangarap, agarang pangangailangan, o kahit isang masaganang pagkain.
Sa ngayon, naghahanap po ako ng isang batang maaaring matulungan—na sana ay taga-Maligaya o kalapit na lugar.
Kung may kakilala kayo, o kung nais niyong maging bahagi ng mission na ito, please visit and message me through our official page:
📍 page: PisoMission // https://www.facebook.com/pisomission
Maliit man na tulong, malaki ang maihahatid na himala. Sama-sama po nating gawing posible ang pag-asa—isang Piso, isang kwento ng kabutihan. 💛