Bayan ng Calumpit

Directions Website

Bayan ng Calumpit Municipality of Calumpit Official page
Mayor Glorime "LEM" M. FAUSTINO Municipal Officials

Mayor Glorime “Lem” M. Faustino
Vice Mayor Zacarias “Zar” C.

Candelaria
Coun. Rico John L. Pagdanganan
Coun. Thelma A. Dansalan
Coun. Luceria D. Diego
Coun. Ricky L. Viray
Coun. Agnes A. Pangan
Coun. Romeo M. Bernardino, Jr. Coun. Alvin N. Danganan
Coun. Maureen I. Torres

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄OCTOBER 19-25, 2026Source:  Prbffwchttps://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮...
19/10/2026

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄
OCTOBER 19-25, 2026

Source: Prbffwc
https://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐢𝐭 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞

𝙈𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙡𝙚𝙧𝙩𝙤, 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨!



𝗘𝗟𝗗𝗘𝗥𝗟𝗬 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟲.“Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”Bilang bahagi ...
13/10/2026

𝗘𝗟𝗗𝗘𝗥𝗟𝗬 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟲.

“Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026, isinagawa ang isang group work activity kasama ang mga pangulo ng mga asosasyon ng senior citizens sa ating bayan. Naging pagkakataon ito upang makapagbahagi ng mga ideya, karanasan, at pananaw na may kaugnayan sa kapakanan at aktibong partisipasyon ng ating mga nakatatanda sa komunidad.

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa mga Social Worker Interns, gayundin sa Municipal Health Office (MHO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Population Commission (POPCOM), at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), sa pangunguna ni OSCA Chairman Amang Cing Vivar, sa kanilang pakikibahagi at suporta sa gawaing ito.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na sumusuporta sa mga programang kumikilala sa halaga, karapatan, at mahalagang ambag ng ating mga nakatatanda sa pamilya at bayan.

𝗕𝗜𝗢𝗗𝗘𝗚𝗥𝗔𝗗𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗖𝗬𝗖𝗟𝗜𝗡𝗚.Patuloy ang pangongolekta ng mga Eco-Boy ng Pamahalaang Bayan ng mga biodeg...
13/10/2026

𝗕𝗜𝗢𝗗𝗘𝗚𝗥𝗔𝗗𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗖𝗬𝗖𝗟𝗜𝗡𝗚.

Patuloy ang pangongolekta ng mga Eco-Boy ng Pamahalaang Bayan ng mga biodegradable waste mula sa mga barangay upang dalhin sa Material Recovery Facility (MRF) para sa pagproseso.

Sa pamamagitan nito, nagagamit ang mga nabubulok na basura bilang pataba na ipinamamahagi nang libre sa mga Calumpiteñong nagtatanim ng gulay sa kanilang mga bakuran at sa mga paaralang nagsasagawa ng school gardening activities.

Mahalaga ang tamang paghihiwalay ng basura upang mapadali ang koleksyon at pagproseso nito, mabawasan ang basurang itinatapon, at higit na mapakinabangan ang mga materyales na maaari pang gamitin.

Kaugnay nito, isinusulong din ang “No Segregation, No Collection” policy alinsunod sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act upang maiwasan ang paghahalo ng nabubulok at di-nabubulok na basura at ang dulot nitong pamamaho.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na nagsusulong ng wastong pamamahala ng basura at mga programang naglalayong mapanatili ang kalinisan at pangalagaan ang ating kapaligiran.

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡.Mula sa abiso ng Calumpit Water District (CAWADI), magkakaroon ng water servi...
12/10/2026

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡.

Mula sa abiso ng Calumpit Water District (CAWADI), magkakaroon ng water service interruption mula Oktubre 13, 2026 (Martes), alas-8:00 ng umaga hanggang Oktubre 14, 2026 (Miyerkules), alas-12:00 ng tanghali.

Ito ay kaugnay ng Planned Shutdown ng Ipo Tunnel-3 BNAQ6 ng Angat Dam na pinagmumulan ng tubig ng Bulacan Bulk Water Supply Project, alinsunod sa abiso ng Luzon Clean Water Development Corporation (LCWDC) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Maaaring makaranas ng paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na barangay: Longos, Calumpang, Buguion, Sergio Bayan, Palimbang, Pio Cruzcosa, Iba Este, at San Marcos.

Pinapayuhan ang lahat ng apektadong residente na mag-ipon ng sapat na suplay ng tubig bago ang nakatakdang water service interruption upang may magamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

𝗟𝗚𝗨–𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣, 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗥𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 – 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗟𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘.Patuloy ang pagsasagawa ng week...
12/10/2026

𝗟𝗚𝗨–𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣, 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗥𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 – 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗟𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘.

Patuloy ang pagsasagawa ng weekly clean-up drive sa pangunguna ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang Materials Recovery Facility (MRF), bilang bahagi ng LGU-Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at makatulong sa pangangalaga ng mga daluyan ng tubig. Sa pamamagitan ng regular na paglilinis at tamang pagtatapon ng basura, sama-sama nating mapangangalagaan ang ating bayan at ang kapaligirang ipinapamana natin sa susunod na henerasyon.

Hinihikayat ang bawat Calumpiteño na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan, dahil ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay responsibilidad nating lahat.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na nagsusulong ng mga programa para sa isang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄OCTOBER 12-18, 2026Source:  Prbffwchttps://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮...
10/10/2026

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄
OCTOBER 12-18, 2026

Source: Prbffwc
https://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐢𝐭 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞

𝙈𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙡𝙚𝙧𝙩𝙤, 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨!



𝗙𝗘𝗔𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥𝗪𝗔𝗬𝗦 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧.Nagsagawa ng pagpupulong...
07/10/2026

𝗙𝗘𝗔𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥𝗪𝗔𝗬𝗦 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧.

Nagsagawa ng pagpupulong at pakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture – Central Office, kasama ang kanilang mga consultants, Department of Agriculture – Regional Field Office III, at Panlalawigang Tanggapan sa Pagsasaka, kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng Bayan ng Calumpit, kaugnay ng isinasagawang “Feasibility Studies of Agricultural Canals and Waterways Development and Rehabilitation Project.”

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga agricultural areas, waterways, drainage systems, previous studies, at iba pang kaugnay na proyekto na makatutulong sa pag-aaral at pagpaplano para sa pagpapaunlad at rehabilitasyon ng mga agricultural canals at waterways sa ating bayan.

Bahagi rin ng talakayan ang mga usaping may kaugnayan sa Candaba River Basin, kabilang ang mga datos at lokal na pananaw na maaaring maging gabay sa isinasagawang feasibility study.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na nakikiisa sa mga ahensya ng pamahalaan sa mga pag-aaral at hakbang na naglalayong mapabuti ang pamamahala ng tubig, suportahan ang ating sektor ng agrikultura, at maisulong ang mga proyektong makatutulong sa ating mga kababayan.

𝗧𝗛𝗜𝗥𝗗 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗝𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚.Isinagawa ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCP...
06/10/2026

𝗧𝗛𝗜𝗥𝗗 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗝𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚.

Isinagawa ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at Child-Friendly and Local Governance Audit (CFLGA.

Nagtipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at katuwang na organisasyon upang talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at mga hakbang para sa patuloy na pangangalaga at proteksyon ng mga bata, kababaihan, at iba pang sektor ng ating bayan.

Mahalaga ang patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat tanggapan at katuwang upang matiyak ang mas maayos na pagpapatupad ng mga programa at mekanismo para sa proteksyon, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga kababayan.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na nakikiisa sa mga programa at inisyatibang naglalayong mapangalagaan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat batang Calumpiteño at ng buong komunidad.

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡.Mula sa abiso ng Calumpit Water District (CAWADI), magkakaroon ng scheduled w...
05/10/2026

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘𝗗 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡.

Mula sa abiso ng Calumpit Water District (CAWADI), magkakaroon ng scheduled water interruption na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig sa Barangay Sto. Niño at Sapang Bayan mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 8, 2026.

Isasagawa ang maintenance ng Deepwell ng Sto. Niño Pumping Station, kabilang ang surging, bailing, at cleaning, simula Oktubre 5, 2026, alas-8:30 ng gabi hanggang Oktubre 8, 2026, alas-4:30 ng madaling araw.

Narito ang iskedyul ng paghina o pagkawala ng suplay ng tubig:

Oktubre 6, 2026, 4:30 AM–8:30 PM - Paghina o pagkawala ng tubig

Oktubre 6 - 7, 2026, 8:30 PM - 4:30 AM - normal ang suplay ng tubig

Oktubre 7, 2026, 4:30 AM - 8:30 PM - Paghina o pagkawala ng tubig

Oktubre 7 - 8, 2026, 8:30 PM - 4:30 AM - normal ang suplay ng tubig

Oktubre 8, 2026, 4:30 AM - pagpapaandar muli ng Sto. Niño Pumping Station

Pinapayuhan ang lahat ng apektadong residente na mag-ipon ng sapat na suplay ng tubig bago ang nakatakdang oras upang maiwasan ang abala habang isinasagawa ang naturang maintenance.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄OCTOBER 5-11, 2026Source:  Prbffwchttps://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮𝐥...
05/10/2026

𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐄𝐃 𝐖𝐄𝐄𝐊𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄
OCTOBER 5-11, 2026

Source: Prbffwc
https://www.facebook.com/gabaldon.zaragoza

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐢𝐭 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞

𝙈𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙡𝙚𝙧𝙩𝙤, 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨!



Address

Balungao
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Calumpit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share