22/08/2026
Sa oras ng sakuna, ang pagbibigayan ay isang paraan upang maipakita ang tunay na pagmamalasakit sa kapwa.
Maraming salamat po sa Lala Garden Cafe-Bulacan Branch sa inyong ipinagkaloob na 30 packs ng tinapay para sa ating mga kabrangay na naapektuhan ng walang tigil na pag-ulan, bagyo at pag baha. Malaking tulong po ito sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa mga kabarangay po nating hindi naabutan, taos-puso po kaming humihingi ng pang-unawa. Limitado lamang po ang bilang ng natanggap nating tinapay, kaya hindi po ito sapat para sa lahat ito po ay malaking pasasalamat na po natin sa nagbahagi sa atin ng biyaya. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Manatili po tayong ligtas, alerto, at mag-ingat sa gitna ng patuloy na pag-ulan.