19/06/2026
Magandang araw po sa aking mga kabaranggay. Minabuti ko na po na gamitin ang plataporma na ito para maiparating sa inyo ang mga hakbang na ginagawa ng baranggay ukol sa problema ng pagbaha sa may tapat ng gas and go at sa kakalsadahan ng San Marcos.
Paglilinaw lamang po. Ang ating kalsada po ay Provincial road at ang proyekto pong ito ay proyekto ng ating Provincial government. Wala pong ganitong kalaking pondo ang ating baranggay para pangunahan ang ganito kalaking proyekto...
Ang atin pong pwedeng gawin ang ang mga pansamantalang solusyon para makatulong sa ating mga kabaranggay.
Pinuntahan po natin nung mga nakakaraang buwan at nakakaraang mga linggo ang opisina ng Provincial Engineering office, DPWh, Munisipyo, at opisina ng ating Congressman.
Humingi po tayo ng tulong para maisaayos at mapabilis ang pagawa dito sa ating kalsada. At sa ngayon po ay sumasailalim na ito sa bidding para agad maumpisahan...
Nagkaroon din po tayo ng public consultation. Inimbitahan natin ang lahat ng ating mga kabarangay at mga ahensyang may hawak ng proyektong ito para masagot ang lahat ng katanungan at kung ano ang mga solusyon nila sa problema natin.
Sa inisyatibo po ng ating baranggay, Bukas po ay sisimulan na natin ang pagawa ng bakal na daang tao dito po sa may parte ng gas and go. Hinihiling po natin ang pang-unawa ng mga matatapatan na bakuran ng tulay na bakal. Ito po ay para sa kapakanan ng nakararami.
Ilang linggo po ang nakalipas ay nagrequest po tayo sa munisipyo ng 300 meters na hose na gagamitin para maipump out ang tubig papunta sa patubig. Ito po ay ating ifofollow up sa darating na lunes para maibsan po ang baha dito sa nasabing lugar.
Sa atin pong mga kabaranggay, giginhawa din po tayo. Kung may concern po kayo ay malaya po kayong magtungo sa ating baranggay hall parang pagtulungan po nating solusyunan ang problema sa ating baranggay.
Hindi po tayo ang magkakalaban. Marapat po sa atin ay ang pagkakaisa para maisaayos natin ang ating baranggay. Hindi po namin ito kaya na kami lang. Magtulong tulong po tayo.
Nanawagan po kami sa para po sa mas mabilis na pagbaba ng proyekto at pagawa dito po sa kalsada sa aming barangay.
Inuulit ko po.. "Giginhawa din po tayo, tulong tulong tayo para sa ikaayos ng ating mahal na baranggay San Marcos".