16/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐!!
Buong ipagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ng Iba O' Este na ang kakatawan sa Bayan ng Calumpit para sa paparating na Hari at Reyna ng Singkaban 2026 ay isa sa ating kagawad, ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ญ.
Nawa ang aming suporta ay maging silbing inspirasyon sa iyong paglahok at sa pagdadala ng karangalan para sa ating minamahal na Barangay Iba O' Este at sa ating Bayan ng Calumpit.
๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐จ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ง ๐ฅ๐๐ฌ๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.๐งก Buong pagmamalaki nating ipinakikilala ang mga kinatawan ng Bayan ng Calumpit para sa paparating na Hari at Reyna ng Singkaban 2026.
Si Catherine Isabelle De Leon ng Barangay Meyto ang ating bagong Reyna at si Joshua Perez ng Barangay Iba OโEste naman ang ating Hari para sa taong ito. Taglay nila ang kagandahan, talino, kisig, kumpiyansa, at pagmamahal sa ating kultura na buong dangal nilang dadalhin sa entablado ng buong lalawigan.
Higit pa sa isang patimpalak, ang Hari at Reyna ng Singkaban ay pagkakataong maipakita ang mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng bawat bayan sa Bulacan. Buo ang ating tiwala na maipagmamalaki nina Catherine at Joshua ang Bayan ni Juan sa kanilang husay, dedikasyon, at pagmamahal sa Calumpit.
Bilang Ina ng Bayan ng Calumpit, buong puso nating ipinapahayag ang ating suporta sa ating mga kinatawan. Inaanyayahan natin ang bawat Calumpiteรฑo na samahan at suportahan ang ating Hari at Reyna ng Singkaban 2026! Sama-sama nating ipakita ang pagkakaisa at pagmamalaki ng Bayan ni Juan.
Ang inyong suporta ang magsisilbing inspirasyon sa kanilang paglalakbay at sa pagdadala ng karangalan para sa ating minamahal na Bayan ng Calumpit.