Camiling Public Information

Directions

Camiling Public Information The official page of the Municipality of Camiling for official news, public announcements and community updates.

26/09/2026
From Cong. Jaime Conjuanco FB Post: Last September 14, 2026, we filed House Resolution No. 1445, calling on the DPWH to ...
24/09/2026

From Cong. Jaime Conjuanco FB Post:

Last September 14, 2026, we filed House Resolution No. 1445, calling on the DPWH to help develop a comprehensive and science-based flood mitigation and drainage master plan para sa buong Tarlac.

We are closely coordinating with DPWH Sec. Vince Dizon, the Provincial Government, Tarlac City, at lahat ng ating Municipal Governments. Ang goal: pagsamahin at pag-aralan ang existing drainage plans ng bawat LGU para makabuo ng isang province-wide plan na science-based at handa sa epekto ng climate change.

Hindi humihinto sa hangganan ng isang bayan ang baha. Magkakaugnay ang ating mga ilog, sapa, at drainage systems, kaya dapat magkakaugnay rin ang mga solusyon natin. Kabilang sa hinihiling ng resolution ang paggamit ng flood-risk maps at technical studies, pagtukoy sa tunay na sanhi ng pagbaha, at pagpili ng mga proyektong makababawas ng panganib nang hindi ito inililipat sa karatig na komunidad.

Sa mas maayos na plano at pagtutulungan ng national at local governments, mas mapoprotektahan natin ang mga tahanan, sakahan, negosyo, at kabuhayan ng mga Tarlaqueño.

INTERNATIONAL DAY OF SIGN LANGUAGES Sa paggunita ng International Day of Sign Languages, kinikilala ng Lokal na Pamahala...
23/09/2026

INTERNATIONAL DAY OF SIGN LANGUAGES

Sa paggunita ng International Day of Sign Languages, kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Camiling ang kahalagahan ng sign language sa pagtataguyod ng inklusibong komunikasyon, pantay na oportunidad, at serbisyong para sa lahat.

Patuloy nating isulong ang isang Camiling na accessible, inclusive, at walang naiiwan.

On the contrary, those parts of the body that seem to be weaker are indispensable. (1 Corinthians 12:22)

Lahat ay kabilang. Lahat ay mahalaga.

📢 ANNOUNCEMENT📣 GSIS SERVICE CARAVAN IS COMING TO CAMILING!The Government Service Insurance System (GSIS) invites all ac...
23/09/2026

📢 ANNOUNCEMENT

📣 GSIS SERVICE CARAVAN IS COMING TO CAMILING!

The Government Service Insurance System (GSIS) invites all active members, pensioners, and stakeholders to the GSIS Service Caravan.

🗓 Date: Thursday, September 24, 2026
🕘 Time: 9:00 AM
📍 Venue: Ground Floor, Camiling Municipal Hall, Camiling, Tarlac.

Services Available:
✅ Answering queries and counseling regarding GSIS benefits
✅ GSIS Touch registration
✅ GSIS Digital/Card enrollment
✅ GSIS Online Filing of Claims
✅ Acceptance of applications for Life, Retirement, and EC Claims
✅ APIR (Annual Pensioners Information Revalidation)
✅ Commencement of Pension

Take advantage of this opportunity to access GSIS services closer to home. We encourage all GSIS members and pensioners to attend and avail of the services offered.

🏆 PAGKILALA SA MGA BARANGAY NG ATING BAYAN 🏆Isang makasaysayang araw para sa ating mga barangay! Setyembre 21, 2026, gin...
22/09/2026

🏆 PAGKILALA SA MGA BARANGAY NG ATING BAYAN 🏆

Isang makasaysayang araw para sa ating mga barangay!
Setyembre 21, 2026, ginanap sa Diwa ng Tarlac, San Vicente, Tarlac City ang pagkilala sa mga barangay na nagpakita ng husay sa serbisyo at transparency.

CY 2026 B.E.S.T. (Building Excellence in Service and Transparency) Barangay Awardees — matagumpay na nakapasa sa regional evaluation at validation:

Brgy. Bacabac
Brgy. Cabanabaan
Brgy. Malacampa
Brgy. Palimbo Proper
Brgy. Poblacion F
Brgy. Sinilian Cacaliboscan

RECOGNITION OF BARANGAYS WITH COMPLETE BARANGAY PROFILE INHABITANTS ENCODING UNDER BIMS — pagkilala sa mga barangay na nanguna sa pagkumpleto ng encoded RBI (Record of Barangay Inhabitants) sa portal:

Brgy. Anoling 3rd
Brgy. Bobon 1st
Brgy. Palimbo Proper
Brgy. Pao 1st
Brgy. Sinulatan 2nd
Brgy. Surgui 2nd

Kasama sa makasaysayang okasyong ito, ang ating Mayor Joyce B. Agustin, ay personal na dumalo upang ipagmalaki at gawaran ang ating mga Punong Barangay at barangay officials. Sa kanyang pagdalo, ipinakita niya ang kanyang tapat na paninindigan na suportahan ang bawat barangay sa kanilang layuning maghatid ng mas mahusay at mas transparent na paglilingkod sa taumbayan.

Ipinapaabot din po natin ang taos-pusong pasasalamat kay DILG Camiling Field Officer LGOO VI Mon Alven A. Lagonilla, EnP., CJA, sa kanyang mahalagang papel bilang gabay at katuwang ng ating mga barangay sa buong proseso — mula sa paghahanda hanggang sa matagumpay na pagpasa sa regional evaluation at validation. Ang inyong dedikasyon sa serbisyong publiko ay tunay na kaakibat ng tagumpay na ito.

Maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong bayan ng Camiling! 👏

✨🌅 A Thought to Carry This Week ✨🌅 “Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; in all...
19/09/2026

✨🌅 A Thought to Carry This Week ✨🌅

“Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight.” (Proverbs 3:5‑6)

Minsan, hindi natin kailangang maintindihan ang lahat ng bagay. Ang mahalaga ay magtiwala na bawat hakbang na ating tinatahak ay may layunin. 🙏

Ngayong Linggo, huminto sandali.
Maging grateful sa kung anong meron, matuto sa pinagdaanan, at magtiwala sa mga darating pa.

Nawa’y matagpuan natin ang kapayapaan sa puso, lakas para sa mga hamon, at pag‑asa para sa mas magandang bukas.

Patuloy na Pagyabong ng Project Lawa at Binhi Sites Ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Camiling ang aktibong parti...
18/09/2026

Patuloy na Pagyabong ng Project Lawa at Binhi Sites

Ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Camiling ang aktibong partisipasyon ng mga Project Lawa at Binhi Sites sa Barangay Papaac, Bacsay, Manaquem, at Anoling 2nd.

Sa bawat araw na inilaan ng ating mga beneficiaries upang magtanim, mag‑alaga, at magpaunlad ng kanilang mga taniman, nasasalamin ang tunay na diwa ng sipag, tiyaga, at pagkakaisa.

Bilang pamahalaang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan, patuloy na susuportahan ng LGU ang mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa mas matatag na kabuhayan at mas maunlad na komunidad.

Taos‑pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa DSWD, MSWD, sa ating masisipag na beneficiaries, at sa lahat ng katuwang na patuloy na nagbubuhos ng malasakit at suporta sa programang ito.

Ang Project Lawa at Binhi ay hindi lamang programa, ito ay pamana ng pag‑asa at pagkakaisa para sa susunod na henerasyon.

HUWAG MAGING BIKTIMA NG MGA UNRECORDED ONLINE LENDING PLATFORMSIpinapaalala ng Securities and Exchange Commission (SEC)-...
16/09/2026

HUWAG MAGING BIKTIMA NG MGA UNRECORDED ONLINE LENDING PLATFORMS

Ipinapaalala ng Securities and Exchange Commission (SEC)- Tarlac Extension Office sa publiko na ang mga Online Lending Platforms (OLPs), mobile applications, at websites na nakalista sa post na ito ay HINDI awtorisado at HINDI pinahihintulutang mag-alok, magproseso, o magpautang ng anumang loan products sa pamamagitan ng Google Play Store, Apple App Store, o mga websites.
Ang pagpapatuloy ng mga nabanggit na OLPs na magpautang nang walang otorisasyon ay itinuturing na paglabag sa umiiral na mga regulasyon ng SEC at maaaring magresulta sa pagpataw ng administrative sanctions, kabilang ang cease and desist orders, permanent closure, blacklisting, at pag-file ng kaukulang kaso.
Ang tanging legal at awtorisadong OLPs ay makikita sa opisyal na listahan sa:
SEC Website (List of Recorded Online Lending Platforms): https://tinyurl.com/j9ad6u5s
Basahin ang kabuuang advisory mula sa SEC website:
https://tinyurl.com/mr9c9s3a
Kung may impormasyon tungkol sa isang hindi awtorisado, hindi nakatala, peke, o mapanlinlang na OLPs, o kung nais magsumite ng reklamo kaugnay ng online lending activities, maaaring makipag-ugnayan sa SEC sa pamamagitan ng:
SEC Hotline: (02)-14-732
SEC iMessage Portal: https://imessage.sec.gov.phtinyurl.com

Address

Romulo Street
Camiling
2306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camiling Public Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category