12/05/2025
Maraming salamat po sa lahat ng walang sawang sumuporta sa akin, lalo na sa mga barangay ng Bahay Pare, Paligui, Mangga, Pulong Palazan, at Dulong Ilog kung saan ako nag NUMERO UNO. Hinding-hindi ko po malilimutan ang bawat isang nanalig, nagdasal, at buong tapang na tumindig kasama ko sa laban.
Mula sa unang araw hanggang sa huling yugto po ng ating pakikibaka, sa bawat pagod, pawis, at dasal—kayo po ang nagsilbing lakas at inspirasyon ko. Nawa'y patuloy tayong pagpalain at patnubayan ng Poong Maykapal sa lahat ng ating adhikain.
Bagamat hindi po tayo pinalad sa resulta ng halalan, buong puso ko pong tinatanggap ang pasya ng ating mga kababayan. Ako po, si Kap. Kabog Canimo, ay taos-pusong bumabati sa mga nagwagi, kalakip ang pag-asang kanilang tunay na mapaglilingkuran ang ating komunidad nang may dangal, malasakit, at integridad.
Hindi man po ako ang inyong pinili sa pagkakataong ito, mananatili po akong lingkod-bayan sa puso’t gawa—patuloy na magsisilbi at tutulong sa abot ng aking makakaya. Sapagkat ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa pusong handang maglingkod.
Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at pagmamahal.
Mabuhay tayong lahat!
— Kap. Kabog Canimo