27/08/2026
𝟓𝟎𝟎 𝐇𝐄𝐀𝐃𝐒 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐇𝐈𝐂𝐊𝐄𝐍, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 (𝟓) 𝐒𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐄𝐋𝐀𝐑𝐈𝐀, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍
Agosto 27, 2026 - Isinagawa ang pamamahagi ng 500 heads ng native chicken o katutubong manok sa ilalim ng Animal Genetic Improvement and Conservation (AGRIC) Program ng Bureau of Animal Industry – National Swine and Poultry Research and Development Center (BAI-NSPRDC).
Ang mga samahan ng mga magsasaka mula sa Barangay Masalukot II, Masalukot IV, Masalukot V, Masin Sur, at Bukal Sur ang pangunahing benepisyaryo ng programa para sa pag-aalaga at pagpaparami ng katutubong manok.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng Office of the Municipal Agriculturist sa pangunguna nina Ms. Crisanta D. Anacio, Municipal Agriculturist at Dr. Philip Augustus C. Maristela, Veterinarian II upang maging maayos ang pamamahagi. Naging bahagi rin ng aktibidad si Mr. James Daryl B. Rumbaoa, Municipal Administrator, bilang kinatawan ni Mayor George D. Suayan, na nagpapakita ng patuloy suporta at pagbibigay importansya ng lokal na pamahalaan sa mga programang pang-agrikultura.
Sa pamamagitan ng programa, nabibigyan ang mga samahan ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang pag-aalaga at pagpaparami ng native chicken, kasabay ng pagsusulong ng pangangalaga at pagpapanatili ng native chicken genetic resources.
Patuloy ang Office of the Municipal Agriculturist sa pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang mailapit sa mga magsasaka ang mga programang makatutulong sa kanilang kabuhayan at sa patuloy na pag-unlad ng lokal na agrikultura.