22/09/2026
Nitong nakaraang Setyembre 14, 2026, isinagawa ang ika-62 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Halip Punong Bayan Ireneo βBoyongβ Boongaling, na dinaluhan at sinaksihan ng mga Elected Young Government Officials bilang bahagi ng kanilang pagkatuto at pagkilala sa proseso ng lokal na pamamahala at paggawa ng batas.
Nagkaroon ang mga kabataang lider ng pagkakataong masaksihan ang aktuwal na daloy ng sesyon, kabilang ang deliberasyon, talakayan, at pagbuo ng mga panukala at resolusyon para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng bayan.
Kasabay rin ng araw na ito ang pagkilala at installation ng mga Elected Young Government Officials, isang makabuluhang hakbang sa pagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na mas mapalapit at mas maunawaan ang tunay na gawain ng isang lingkod-bayan.
Bilang bahagi ng gawaing ito, nakasama rin ni Konsehal Tolits Sulit ang kanyang young counterpart na si Young Councilor Lian Joyce Aguila, na naging bahagi ng pagkatuto at pakikilahok ng kabataan sa lokal na pamamahala.
Sa araw ding iyon, kinilala rin ng Sangguniang Bayan ang dating Municipal Administrator na si Atty. Sherwin Gatdula sa kanyang pagkakatalaga bilang Assistant Ombudsman. Isang mahalagang pagkilala sa kanyang bagong tungkulin sa paglilingkod sa pamahalaan at pagpapatupad ng mga responsibilidad ng tanggapan ng Ombudsman.
Para kay Konsehal Tolits, mahalaga ang mga ganitong pagkakataon dahil hindi lamang nito inilalapit ang kabataan sa lokal na pamahalaan, kundi ipinapakita rin nito na ang paglilingkod-bayan ay isang responsibilidad na maaaring ipagpatuloy at ipasa sa susunod na henerasyon.
Patuloy nating suportahan ang mga kabataang lider at ang mga indibidwal na pinipiling ialay ang kanilang kakayahan at panahon para sa serbisyo publiko.