01/11/2026
GOOD DEEDS | CARAMOAN MUNICIPAL POLICE STATION
Nagsagawa ang Caramoan Municipal Police Station ng pamamahagi ng libreng inumin sa mga mamamayan at bisita ng sementeryo bilang bahagi ng kanilang taos-pusong serbisyo at malasakit sa komunidad.
Kasabay nito, patuloy na ginagampanan ng kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa loob at paligid ng mga sementeryo sa bayan ng Caramoan upang matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na paggunita ng Undas 2026.