16/09/2026
Magandang araw po sa ating mga ka-barangay, lalo na sa mga magulang at mag-aaral na nagtatanong ukol sa educational assistance mula sa pondo na ipinagkaloob ng ating Pangulo.
Gusto po naming linawin nang may buong katapatan at hinahon ang mga batayan kung paano pinipili ang limang (5) estudyanteng makatatanggap ng tig-₱20,000 na tulong-pinansyal para sa kanilang pag-aaral.
Nauunawaan po namin na marami ang nangangailangan, kaya naman po sinisiguro ng ating Pamahalaang Barangay na maging patas, transparent, at bumatay sa ibinabang criteria ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2026-038 para sa pagpili ng mga benepisyaryo:
[1]Incoming 4th-Year College Student: Sila ay dapat mga mag-aaral na papasok sa kanilang huling taon sa kolehiyo para sa School Year 2026–2027. (Kwalipikado rin ang mga nasa 5th o 6th year basta't sila ay graduating na sa kasalukuyang school year).
[2]Bona fide Resident ng Barangay: Sila ay dapat lehitimong naninirahan sa barangay kung saan sila nag-aapply. (Kahit sa labas ng lungsod o munisipyo nag-aaral, basta residente ng barangay ay kwalipikado pa rin).
[3]Galing sa Vulnerable o Low-Income Household: Mas prayoridad ang mga pamilyang hirap sa buhay, gaya ng mga anak ng mga drayber, OFWs na nangangailangan, at mga pamilyang kapos ang kita.
[4]At Risk of Dropping Out: May panganib na huminto o hindi makatapos sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.
[5]No College Graduate in the Family (Priority): Bibigyan ng prayoridad o higit na konsiderasyon ang mga mag-aaral na ang pamilya ay walang kahit isang miyembro na nakatapos ng kolehiyo.
Hinihingi po namin ang inyong malawak na pang-unawa dahil limitado lamang sa limang (5) mag-aaral ang kayang tustusan ng pondong ito kada barangay ayon sa guidelines ng pambansang pamahalaan. Kung hindi man po mapabilang ang inyong anak sa pagkakataong ito, patuloy pa rin pong gagawa ng paraan ang ating lokal na pamahalaan para sa iba pang mga programa sa hinaharap.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at patuloy na pagtitiwala!