26/05/2026
SOL ARAGONES, LANDSLIDE ANG LAMANG SA SURVEY: 86% vs 13% (KAY RAMIL) at 91% vs 9% (KAY CARAIT), HALOS WALANG UNDECIDED πΉ π
Isang malawakang survey na isinagawa ng S.U. Research Makati noong Mayo 1β6, 2026 sa 6,000 rehistradong botante sa Laguna (Β±1.29% margin of error) ang nagpapakitang may matibay na kalamangan si Governor Sol Aragones sa laban sa pagka-gobernador sa lahat ng distrito at pangunahing lungsod. Sa dalawang senaryo, nakakuha si Aragones ng 86% laban kay dating Gov. Ramil Hernandez (13%) at 91% laban kay JM Carait (9%), na halos wala nang undecided. Pinakamalalaking lamang niya ang naitala sa Districts 3 at 4 at sa mga urban center gaya ng BiΓ±an, Calamba, at Santa Rosa, na nagpapatunay ng malawak at konsolidadong suporta sa buong lalawigan.
Mas matchupβsensitive naman ang laban sa pagka-bise gobernador. Sa multiβcandidate na senaryo, nangunguna si Dan Fernandez sa 34%, sinundan nina JM Carait (20%), Karen Agapay (19%), Jam Agarao (17%), at Timmy Chipeco (10%), na nagpapakita naman ng kaniβkanilang lakas batay sa kanilang balwarte: si Agapay sa District 3, si Agarao sa District 4, at si Fernandez sa urban west. Malaki ang kalamangan ni Fernandez habang hindi naman nagkakalayo ang numero nina Carait, Agapay, at Agarao.
May malinaw ding mga nangunguna sa mga laban sa Kongreso. Halimbawa sa District 2 kung saan nangunguna si Dondon Hain sa 47% laban kina Ramil Hernandez (33%) at Ruth Hernandez (19%).
Ipinakita rin ng survey ang iba pang mga nagpapahiwatig kumandidato sa ibang posisyon. Sa mayoral test ng San Pablo, may 11% lamang si Karla Adajar habang nangunguna si Vic Amante sa 50% at may 37% si Najie Gapanggada. Lumalabas din ang pangalan ni Adajar sa congressional field ng District 3 na mayroon lamang 13% kumpara sa 84% ni Amben Amante. Nagpapahiwatig din sa congressional race ng Calamba si NiΓ±o Lajara na nakapagtala lamang ng 7% sa labanang pinangungunahan ni Cha Hernandez na may 73%.
Sa kabuuan, tumutugma ang sentimyento sa mataas na trust at satisfaction kay Gov. Aragones dahil sa nakikitang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan, habang nananatiling prayoridad ng mga botante ang trabaho at kabuhayan, peace and order, at flood control; mga isyung inaasahang huhubog sa huling yugto ng mga laban sa mas mababang posisyon.