04/09/2026
Upang matiyak na 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒, 𝐋𝐄𝐇𝐈𝐓𝐈𝐌𝐎, 𝐀𝐓 𝐃𝐄-𝐊𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐊𝐀𝐋 na nakararating sa ating mga kabarangay, pormal nating isinulong noong March 16, 2026 ang Kapasiyahan Blg. 204-2026. Lahat ng kumpanya, grupo, o indibidwal na nagnanais magsagawa ng anumang Medical Mission sa bayan ng Cavinti ay nararapat na magbigay ng abiso sa mga 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 at makipag-ugnayan sa ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐇𝐎).
💡 BAKIT ITO MAHALAGA? Ang hakbang na ito ay ating itinaguyod upang magsilbing proteksyon ng ating mga kababayan laban sa mga mapanganib at hindi awtorisadong gawaing medikal, kung saan madalas ay mayroon pang mga kaukulang singil na kabayaran sa ating mga kababayan kapalit ng hindi lehitimong medical procedures. Sama-sama nating siguraduhin na dumaan sa simple pero wastong pagsusuri ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa ating bayan.
📖 Official Resolution Copy:
https://www.cavinti-egov.com/secure-attachments/documents/resolution-no204-2026-medical-mission-with-brgy-received-1782990211.pdf