Liberal Party - Cavite

Liberal Party - Cavite

Share

I fight and I fought , for political freedom , for justice and for fairness and freedom of speech .

28/05/2026

Maligayang kaarawan, Sec. Jun Abaya! 🇵🇭

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo publiko para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa pagsusulong ng mahusay, tapat, at makataong pamamahala.

Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, tagumpay, at higit pang biyaya para sa inyo at inyong pamilya.

Mula sa iyong mga kasama sa , Maligayang kaarawan, Sec. Jun!



📸 Liberal Party of the Philippines

26/05/2026

Buo ang suporta ng Partido Liberal kay Senador Kiko Pangilinan at sa kanyang mga kasama sa Senate Minority. Ang kanilang walkout ay hindi pagtalikod sa tungkulin bilang mga senador—ito ay malinaw na paninindigan upang protektahan ang integridad ng Senado bilang institusyon ng sambayanang Pilipino.

Pagwalkout ito sa isang Senadong nagkanlong sa isang puganteng hinahabol ng batas dahil sa mga alegasyon ng madugong extra-judicial killings.

Pagwalkout ito sa isang Senadong patuloy na nagbibigay ng kapangyarihan at proteksyon sa mga dapat managot sa korapsyon at malawakang panloloko sa taumbayan.

Pagwalkout ito sa isang Senadong inuuna ang pansariling interes kaysa sa tunay na pananagutan at hustisya.

Maaaring lamang sila sa numero, at maaaring gamitin ang kapangyarihang iyon upang pagtakpan ang kanilang mga kaalyado, ngunit higit na makapangyarihan ang paninindigan ng mga senador ng Minority Bloc na ipaglaban ang Senado bilang last bastion of democracy.

Patuloy tayong magsusuri, magbabantay, at maninindigan para sa tama—para sa pananagutan, para sa hustisya, at para sa muling pagbabalik ng integridad ng Senado ng Pilipinas.



📸 Liberal Party of the Philippines

20/05/2026

Ibigay na natin ang mga benepisyo para sa mga senior citizens sa edad na mas mararamdaman at mapapakinabangan nila. 👵👴

Under our proposed measure, we seek to amend Republic Act No. 11982, which amended the “Centenarians Act of 2016,” by expanding its benefit coverage.

Let us honor our elders by providing them with the service, protection and support they truly deserve. Huwag nating ipagkait ang benepisyo at suportang kailangan nila na kayang ibigay ng Estado.

Bilang principal author at sponsor noon sa Senado ng naisabatas nang National Commission of Senior Citizens Act, nanawagan din tayo sa pagpasa ng panukala nating ito para agahan at dagdagan ang benepisyo para sa ating mga senior citizens.

📸 Cong. Leila de Lima

13/05/2026

Maligayang Kaarawan po sa inyo dating Senador Mar Roxas !

11/05/2026

Kudeta sa Senado ? Upang maharang ang impeachment ..



11/05/2026

Ito po ang mukha ng Senado , walang kaseryosohan mula pa ng nakaraang Administrasyon . Puno ng kadramahan at katatawanan 😏

11/05/2026

Sa bawat “Nanay,” “Mama,” “Mommy,” at “Ma” — salamat sa walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at lakas na araw-araw ninyong iniaalay para sa inyong pamilya at pati na rin sa mga komunidad.

Kayo ang unang g**o, unang kakampi, at unang tahanan ng bawat Pilipino. Sa inyong pag-aaruga at paninindigan, patuloy ninyong hinuhubog ang mas mabuting kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Maligayang Araw ng mga Ina mula sa Partido Liberal! 💖

📸 Liberal Party of the Philippines

08/05/2026

PANGILINAN, ISINUSULONG ANG MAS BUKAS AT MAS MAY PANANAGUTANG PAMAHALAAN SA PAMAMAGITAN NG PEOPLE’S FOI ACT

Ikinagalak ni Senador Kiko Pangilinan (co-author ng panukala) ang pagpasa ng Senate Bill No. 1432 o ang People’s Freedom of Information (FOI) Act, isang panukalang naglalayong palakasin ang transparency, accountability, at karapatan ng mamamayan sa impormasyon hinggil sa mga usaping pampubliko.

Layunin ng panukala na maisabatas ang matagal nang mandato ng Konstitusyon ukol sa access to information, sa pamamagitan ng pagtatakda ng malinaw na proseso para makuha ng publiko ang mga government records, dokumento, at datos na may kaugnayan sa pampublikong interes.

Saklaw ng panukala ang lahat ng sangay at ahensya ng gobyerno kabilang ang ehekutibo, lehislatibo, hudikatura, mga constitutional offices, LGUs, GOCCs, at state universities and colleges.

Sa ilalim ng panukala, itinataguyod ang “legal presumption in favor of access to information,” kung saan obligasyon ng gobyerno na patunayang may sapat na dahilan kung bakit hindi maaaring ilabas ang hinihinging impormasyon.

Kabilang din sa mga dokumentong dapat maging accessible sa publiko ang SALN ng matataas na opisyal ng pamahalaan, gayundin ang mga datos kaugnay ng budget, procurement, loans, contracts, at iba pang paggamit ng pondo ng bayan.

Ayon kay Pangilinan, mahalagang hakbang ang FOI Act laban sa korapsyon at para sa mas bukas, mas malinaw, at mas tapat na serbisyo publiko. Aniya, “Dasurv ng ating mga mamamayan ang isang pamahalaang may transparency at pananagutan.”



📸 Liberal Party of the Philippines

05/05/2026

Yes . Accountability has no political color ☝️

05/05/2026

Se. Kiko Pangilinan , trabaho muna gaya ng ipinangako sa taumbayan !

Want your business to be the top-listed Government Service in Cavite?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Cavite