Councilor Jerry C. Barrera

Councilor Jerry C. Barrera

Share

Municipal Councilor of Naic, Cavite

18/08/2025
Photos from Councilor Jerry C. Barrera's post 01/08/2025

Isang Makabuluhang Pagdinig para sa Kapayapaan, Kaligtasan, Karapatang Pantao, at Kaayusan sa Bayan ng Naic

Noong ika-31 ng Hulyo 2025, matagumpay na isinagawa ang isang Public Committee Hearing sa Sangguniang Bayan ng Naic sa pangunguna ng inyong lingkod, Konsehal Jerry Barrera, bilang Chairman ng Committee on Peace, Safety and Order, katuwang ang mga kapwa miyembro ng Committee on Laws and Human Rights at Committee on Barangay Affairs.

Dumalo sa naturang pagdinig ang mga kinatawan ng Naic Municipal Police Station at ang mga Punong Barangay mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan. Ang layunin ng pagtitipon ay ang masusing pagtalakay sa mga umiiral na isyu ng ilegal na droga, kriminalidad, at ang pangkalahatang usapin ng kapayapaan, kaligtasan, karapatang pantao, at maayos na pamamahala sa barangay.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at aktibong partisipasyon ng mga kinauukulang ahensya at lider ng nga barangay, tinalakay ang mga kasalukuyang hamon at nagbahagi ng mahahalagang mungkahi at rekomendasyon kung paano mas mapapalakas ang mga hakbangin upang mapanatili ang katahimikan at ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Naic.

Ang nasabing public hearing ay isa lamang sa mga konkretong hakbang ng Sangguniang Bayan upang isulong ang transparente, inklusibo, at makataong pamumuno, katuwang ang bawat sektor ng komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas, tahimik, at makatarungang pamayanan.

Bilang inyong lingkod, ako po ay patuloy na nakikiisa at nakahandang makinig at kumilos para sa kapakanan ng ating bayan. Sama-sama nating buuin ang isang Naic na may tunay na kapayapaan, katarungan, at pagkakaisa.

27/07/2025

Taos-pusong pagbati po sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa paggunita ng kanilang ika-111 taong anibersaryo.

Isang dakilang pagkakataon po ito upang alalahanin ang kasaysayan ng inyong pananampalataya, ang walang pag-iimbot na paglilingkod, at ang patuloy na pagkakaisa sa kabila ng mga hamon ng panahon.

Nawa'y ipagpatuloy po ninyo ang inyong layunin sa paglilingkod sa Diyos, sa kapwa, at sa bayan. Hangad po namin ang higit pang paglago, pagkakaisa, at biyaya sa inyong samahan. Maligayang anibersaryo po!

Photos from Councilor Jerry C. Barrera's post 24/07/2025

Pamamahagi ng bigas at relief goods para sa ating mga kababayan sa Naic.
Sa gitna ng hamon, sama-sama tayong babangon. Tulong-tulong, iisa ang layunin — ang malampasan ang pagsubok na ito nang magkakasama at may pagkakaisa

Mag - iingat po ang lahat


Want your business to be the top-listed Government Service in Cavite?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


BANCAAN, NAIC
Cavite