28/09/2025
USAPIN SA CALAX, MABILIS NA INAKYUNAN NI KAP. JOSIE AT IBA PANG MGA KAWANI NG BARANGAY!
Patuloy ang pagbabantay ni Kap Josie Revilla kasama si Konsi Larry Hembrador, Konsi Raul Almeria, mga Barangay Police at Tanod ng ating barangay upang masigurado ang pagsasaayos ng mga suliranin sa pagawain sa CALAX.
Ilan sa mga ito ang alikabok na nakakaperwisyo sa iba nating kabarangay, usapin sa tubig at iba pa. Patuloy na umaaksyon si Kap. Revilla tungo sa isang maunlad at masagang pamayanan. Nangako si Kap. Josie na tuloy tuloy ang pagtugon nya para maging maunlad ang ating barangay.
27/09/2025
KAP. JOSIE REVILLA, MGA BHW AT ILANG KONSEHAL NG BARABGAY, NAGHATID NG PAG-ASA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG OPONG SA BRGY. BIGA 2!
Hindi alintana ng Ina ng Barangay, Kap. Josie Revilla kasama ang mga BHW, ilang konsehal ng barangay ang bagyong Opong, mailikas lang ang ating mga ka-barangay sa tabing ilog. Agad inilakas ang mga ito sa paaralan ng BLISS upang panandaliang may masilungan sa malakas na bagyong dumating.
Asahan ng ating mga ka-barangay na nakahanda si Kap Revilla at ang ating mga kasamahan sa barangay upang maghatid ng tulong sa inyo. Ilan lamang ito sa patuloy na aksyon ng Ina ng Barangay at ng ating mga kasama sa pamahalaan tungo sa isang masigla at maunlad na pamayanan!
17/07/2025
MEETING WITH KAP JOSIE, HEPE BONG AT ATING MGA TANOD SA PAGHAHANDA SA KALIGTASAN NG BAWAT TAGA-BIGA DOS🤍
Patuloy ang paghahanda sa pangunguna ni Kapitana Josie Revilla kasama si Hepe Bong Pascual at mga tanod ng barangay upang masiguradong ligtas ang ating komunidad. Layunin ng pagpupulong na talakayin ang kahandaan sa pag-ulan at iba pang hakbang para sa kaligtasan ng bawat isa sa Barangay Biga Dos.
08/08/2024
OPLAN LINIS KANAL, ISINAGAWA SA PUROK 6
Sa pangunguna ni Kapitana Josie Revilla, kasama ang ating mga Barangay Police, nagtulong tulong sila upang linisin ang baradong mga kanal sa Purok 6.
Sa sama-sama, tulong tulong para sa pag-asenso ng bawat Silangueño, lahat tayo ay aangat!
07/08/2024
DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS MULA SA CALAX, IPINAMAHAGI SA APEKTONG RESEDENTE NG BAGYONG CARINA SA NG PUROK 3!
Sa pakikipagtulungan ng butihing Kapitana Josie Revilla kasama ang mga Barangay Police at Health Worker sa CALAX, naging maayos at matiwasay ang pamamahagi ng Relief Goods sa ating mga kabarangay sa Purok 3.
Tuloy tuloy ang tulong tulong at sama samang aksyon nila Kap. Revilla para sa patuloy na pag-asenso ng Barangay Biga Dos!
07/08/2024
DAAN SA PUROK 4 PAPUNTANG BARANGAY HALL, SISIMULAN NA NGAYONG LINGGO!
Sa pangunguna ni Kapitana Josie Revilla kasama si Konsi Larry Hembrador, Konsi Ver Mendoza at iba pang kawani ng barangay, binisita tayo ni Engr. Mario Toledo ng Engineering Office upang ituloy ang daanan sa Purok 4 na sisimulan ngayong linggo gamit ang 20% Development Fund ng ating barangay.
Isa lang ito sa proyekgo ng ating barangay para sa patuloy na pag-asenso ng Barangay Biga Dos!
23/07/2024
Binisita ni Kapitana Josie Revilla ang buong Barangay upang tiyakin ang ligtas at maayos na lagay ng mga ka-barangay. Pinuntahan ng mga ito ang mga nasa tabing ilog at mababang lugar upang paalalahanan ang paghahanda sa paglikas.
Pinaalalahanan rin ang bawat isa na kung may mga sitwasyong hindi inaasahan ay tumawag at makipagtulungan agad sa ating barangay. Magingat ang bawat isa at palaging paalala ni Kap. Revilla ang kaligtasan ng lahat.
27/06/2024
CALAX, NAGSAGAWA NG 2ND QUARTER MEETING
Kasama si Kapitana Josie Revilla at ilan pang mga barangay, nagsawa ang CALAX ng Monitoring Team Meeting upang makita ang mga dapat pang ayusin, baguhin at palakasin sa kanilang serbisyong publiko. Bilang ang ating Barangay ay kasama rito, inirepresenta ni Kapitana Revilla ang ating barangay para sa maayos na lagay ng transportasyon sa ating komunidad.
02/04/2024
BARANGAY CURFEW SA MGA 18 YEARS OLD PABABA, SISIMULAN NA NGAYONG APRIL!
Simula 10PM ng gabi hanggang 4AM ng umaga ay ipapatupad na ang Barangay Curfew Hours para sa 18 taong gulang pababa. Ito ay alinsunod sa Resolusyon 12 na nagbibigay kapangyarihan sa ating Punong Barangay bilang Chairman at dalwang Lupong Tagapamaya upang saklawan ang nasabing paksa.
Ang mga mahuhuli ay may karampatang parusa tulad ng sumusunod:
First Offense: Pagpapadala at pagpapaalala sa magulang para sa mahuhuli dito.
Second Offense: Community Service ng magulang at pagbibigay kustodiya sa mga magulang.
Third Offense: Pagbibigay ng custody, community service at multang 500 pesos
Forth Offerse: Pagbibigay ng custody sa magulang, community service, multang 1000 pesos at pagpapadala sa Womens and Childrens Desk Office
Ito ay ipinapatupad upang higit na mapangalagaan ang mga kabataan sa ano mang insidente. Nasa ibaba ang ilan pang impormasyon na pwede ninyong malaman.
Sa sama-samang lakas, sipag at determinisyon, lahat tayo ay uunlad🫰🏻❤️
27/03/2024
ANNOUNCEMENT!!
Narito ang Schedule para sa ating Bagong Covered Court. Mangyari lamang na sundin ito. Narito ang mga sumusunod :
Monday, Wednesday at Saturday - Volleyball
Tuesday, Thursday at Friday - Basketball
Sunday - Super Senior Basketball
Maraming Salamat po at Mabuhay ang Unlad Biga Dos🫰🏻❤️
15/03/2024
BUKAS NA❤️💙💛
See you mga taga Biga Dos!