30/05/2026
Magandang araw po sa lahat!
Ayon sa Dasma Water District, magkakaroon po ng Pump and Motor Replacement sa KLD Pump Station sa darating na Linggo, Mayo 31, 2026, alas-9:00 ng umaga.
Ang nasabing gawain ay inaasahang tatagal ng humigit-kumulang 15 hanggang 24 oras, kaya maaaring makaranas ng pansamantalang pagkawala o paghina ng suplay ng tubig ang mga apektadong lugar.
📍 Mga Apektadong Lugar:
• Barangay San Manuel I & II
• KLD
• Dasmariñas Socio-Economic Building
• Dasmariñas Arena
• Sanaka & Ilano Compound (Barangay B)
✅ Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig bago magsimula ang operasyon upang maiwasan ang abala.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 💙💧
30/05/2026
OPERATION LINIS | MAY30,2026
Rain or Shine! 🌧️☀️
Tuloy-tuloy ang sama-samang paglilinis ng ating nasasakupan kasama ang mga masisipag na Barangay Staff, sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Jeff Z. Espineli at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad. Sama-sama para sa mas maunlad at mas malinis na barangay! 💚🧹✨
25/05/2026
📢𝗬𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡🖍️🖊️✏️📝📒📗
📅𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲
📍𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟 𝗜𝗜 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧
Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng ating mga nakasama simula sa mga Block Leaders na ang sisipag mag ikot para maglista ng mga Kabataan at mag balot ng mga school supplies. Sa ating mga Kagawad na kasama natin na nag assist at namigay. Gayundin sa ating mga masisipag na mga Admin, Justices at mga Katanuran.
Higit sa lahat ating Masipag na Kapitan Jeff Z. Espineli, MARAMING MARAMING SALAMAT SA TAUNANG SCHOOL SUPPLIES para sa ating mga mag - aaral. Salamat sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa lahat. Na appreciate namin ang iyong pagiging hands-on sa lahat ng bagay.
At sa ating mga SK sa pangunguna ni SKC Noel Miranda Ballesteros Jr. na naksama rin natin na namigay mula Grade 7-10. Salamat sa inyong lahat.
Umabot po tayo sa 630 na kabataan na nabigyan mula Grade 1-10 📢 💕💕
Ang bawat isa ay nakatanggap ng:
Grade 1-3
1 Plastic Long Envelope
4 Notebooks
1 Whole Pad paper
1 Pencil
1 Eraser
1 Shapener
1 8pcs Crayons
Grade 4-6
1 Plastic Envelop
4 Yarn Notebooks
1 Whole Intermediate Pad
2 Ballpens (Red & Black)
1 Correction Tape
1 Ruler
Grade 7-10
1 Plastic Envelop
4 Yarn Notebooks
1 Whole Intermediate Pad
2 Ballpens (Red & Black)
1 Correction Tape
1 Ruler
1 Pencil
Ito po ay para sa inyong lahat mga Bata, nawa ay mag aral kayong mabuti upang mas lalong maging mabuti ang inyo mga buhay
Happy Learning Kids..🥰🥰💕💕😘😘
Asahan po nating ang tuloy tuloy na mga magaganda, makabuluhan at kapaki pakinabang na pag gawa ng Pamunuang San Manuel Dos sa pangunguna ng ating Dedikadong Kapitan.
Mga Bata, mahal kayo ni Kap at ng buong Sanggunian ng San Manuel Dos.
Hangad namin ang inyong Kabutihan
Palaging maging mabait at sumusunod palagi sa mga magulang.
SAN MANUEL DOS❗
PARA SA ATING LAHAT ITO..💕💕
IBINABALIK NAMIN ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI SA IYO AMA ☝️🙏
**𝘐𝘵𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘶𝘯𝘨𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘧𝘧𝘳𝘦𝘺 𝘡. 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘯𝘦𝘭𝘪 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘒𝘰𝘯𝘴𝘦𝘩𝘰, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘚𝘒 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘶𝘯𝘨𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘪 𝘚𝘒𝘊 𝘕𝘖𝘌𝘓 𝘉𝘈𝘓𝘓𝘌𝘚𝘛𝘌𝘙𝘖𝘚 𝘑𝘙.**
22/05/2026
PA-BABA NA PO ANG TRUCK NG TUBIG SA LOOB NG PABLO HUGO. IPILA NA PO NATIN ANG MGA TIMBA HANGGANG SA BLK 24
22/05/2026
BLOCK 10 po, mag dedeliver ang truck ng TUBIG kasunod na po ang 12, 13, at 14. Pinakikisuyuan po ni Kap na mag-ready na po❗
22/05/2026
Operation Linis | May 16, 2026
Sa pamumuno ng aming masipag na Kapitan Jeff Z. Espineli , kasama ang mga masisipag na miyembro ng Green Ladies, matagumpay na naisagawa ang Operation Linis sa ating barangay.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad.
Bayanihan para sa mas malinis at mas maunlad na barangay! 💚🧹
(Late upload)
21/05/2026
𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗗
Nakipag pulong ang ating Butihing Kapitan Jeff Z. Espineli sa Dasmariñas Water District noong May 20 upang malaman ang naging sanhi ng biglaang pagkawala ng supply ng tubig sa ating lugar simula noong Sunday, May 17.
Kasama sina Engr. Mark Saraza, Foreman Edwin Salasbar, Communication Relation Sir Rodel Clorina Salazar at Cread Secretary Ms. Aimee Lou Hayag. Ibinahagi nila na ayon sa kanilang initial checking ay mayroong leak ang ilang mga tubo na tumatagas sa mga kanal. May mga nangangailang pagsusuri gaya ng efficiency ng pump sa ating lugar at pinag-aaralan kung nangangailangan ng rehabilitation.
Kailangan nilang pag-aralan ang takbo o water flow sa umaga at gabi.
Ito ay nangangailangan ng proper schedule at tiniyak nila na ito ay kanilang bibigyang atensyon at solusyon.
Sa ating mga residente po, habang tayo ay nasa ganitong sitwasyon, pwede po tayong mag pa supply ng tubig.
Amin pong gustong alamin ang mga bloke na mag iigib kung tayo po ay magpapa supply. Ito po ay para maiwasan na kapag nanjan na ang truck ay wala pong mag iigib.
Kami po humihingi ng inyong mas malalim na pag unawa habang ang sitwasyon ng ating Barangay na ito sa tubig ay binibigyang solusyon.
Maraming Salamat po❗
21/05/2026
📢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗙𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟 𝗜𝗜 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭 𝗧𝗢 𝟭𝟬🖍️🖊️✏️📝📒📗
Mula sa Pamunuan ng Brgy. San Manuel Dos, sa Pumumuno ng ating Butihing Kapitan Jeff Z. Espineli, kasama ang buong Konseho at SKC BALLESTEROS JR. sampu ng SK Councils, malugod po naming inaanunsyo na ang DISTRIBUTION po ng SCHOOL SUPPLIES ay sa:
📅𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝗦𝗔𝗧𝗨𝗥𝗗𝗔𝗬
⌚𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗔𝗠
📍𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟 𝗜𝗜 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧
Ito po ang ating gabay sa pagkuha sa Sabado.
1. Kunin po ang inyong mga STUBS sa inyong mga BLOCK LEADERS.
2. Huwag pong wawalain ang mga STUBS.
3. Ang pila po ay magiging per GRADE (GRADE 1, GRADE 2..etc)
4. Ang WALA pong STUBS ay huwag po munang pumila, pagkatapos pong mabigyan ang lahat ng mga may STUB ay saka po i-che-check kung bakit wala kayong STUBS. Kailangan pong ma check sa masterfile. Makipag usap sa opisina ng secretary pagkatpos ng distribution.
5. Ang pinaka importante po, dalhin po ang mga bata. Kailangan po na nanduon ang mga bata dahil ito po ay para sa kanila.
Pakiusap po, sundin pong maigi ang nasa itaas upang hindi po tayo mag tagal dahil sadyang mainit ang panahon at tayo po ay nasa covered court.
Narito po ang mga block leaders sa bawat bloke:
BPI Wilma Cainglet
BLK50 Rosita Cabrera
BLK 24 Odessa Ingson
BLK 22 Joseph Geronimo
BLK21 Cristina Sese
BLK20 Rowena Caguia Cristobal
BLK19 CRISTINA OFFEMARIA
BLK18 VICTORIA GUAZON
BLK17 Rene Dichoso
BLK16 GLy Moratalla Villegas
BLK15 Arlin Ramis
BLK14 IRENE DIJON
BLK13 ANABELLE MENDOZA
BLK12 JEANETH MARCELO
BLK11 Luningning Nieves
BLK10 MARILY LOPEZ
Uulitin po namin ang mahahalagang detalye:
***MULI PO SA MGA WALA PONG STUBS, HUWAG PO MUNANG PUMILA DAHIL KAYO PO AY HINDI MA RE-RELEASE-AN NG SUPPLIES AT KAILANGAN PONG MA-CHECK SA MASTER FILE KUNG BAKIT WALA KAYONG STUBS***
***HUWAG PONG WALAIN ANG MGA STUBS HINDI PO NINYO MAKUKUHA ANG SCHOOL SUPPLIES.
***ANG MGA BATA PO AY KAILANGANG KASAMA NINYO**
***ANG LAHAT PO NG STUBS AY PIRMADO NI KAPITAN***
Maraming Salamat po at Magkita kita po tayo❗🫰
18/05/2026
📢 𝗕𝗜𝗡𝗚𝗢 𝗙𝗢𝗥 𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗦𝗘 𝗢𝗙 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗘𝗔𝗚𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗡𝗖𝗥 𝗫𝗟𝗩𝗜𝗜𝗜 𝗜𝗡 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟 𝗜𝗜 𝗛𝗘𝗔𝗗𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗝𝗘𝗙𝗙𝗥𝗘𝗬 𝗭. 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗡𝗘𝗟𝗜
📅 𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗬
⌚𝟯:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟 𝗜𝗜 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧
Mula sa Pamunuan ng Barangay San Manuel II sa Pamumuno ng ating Butihing Kapitan Jeff Z. Espineli, kayo po malugod namin iniimbitahan na makisaya at maki laro sa ating gaganapin na Bingo for a CAUSE
Ito po ay gagawin ng Kapatid sa Agila ng ating Kapitan - ang Magiting Lakbay Pinas Eagles Club NCR XLVIII sa pangunguna ni Kuya Pres. Erwin Guitterez na may layunin na makatulong sa mga Estudyante ng ANAMEAM ELEMENTARY SCHOOL sa Labo Camarines Norte.
Ang mapag-bebentahan po ng mga Bingo Cards ay ibibili po ng school supplies na lubos na makakatulong sa mga mag-aaral na ito.
Gayundin, maraming mga pa-premyo po ang naghihintay sa mga maglalaro.
**PA-PREMYO**
𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘:
𝟭 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥 𝗢𝗙 𝗣𝟱,𝟬𝟬𝟬
𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘𝗦:
𝟱 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗣𝟭,𝟬𝟬𝟬
𝟭𝟬 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗣𝟱𝟬𝟬
𝟯 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝟮𝟱𝗞𝗚 𝗢𝗙 𝗥𝗜𝗖𝗘
Magkita kita po tayo at nawa po ay suportahan natin ang gawain na ito upang makaabot ang ating maliit na Kontribusyon sa mas maraming Kabataan.
Maraming Salamat po at Advance Congratulations to all the Winners 🥰🫰
Kung may mga gusto pa pong mag avail ng Bingo Cards, nasa ating mga block leaders po ito.
Muli, maraming Salamat po!
***𝘕𝘖 𝘎𝘈𝘔𝘉𝘓𝘐𝘕𝘎 𝘐𝘕𝘛𝘌𝘕𝘋𝘌𝘋***