MAG START NA PO TAYO NG SEMIS! Punta na po kayo dito sa court 😊🏀
Sangguniang Kabataan- Castaños Cerca General E. Aguinaldo, Cavite
Kredibilidad na may Abilidad ✨
📣 Announcement!
Mag-start po ang 1st game natin at exactly 11:00 AM. Kaya naman hinihikayat ang lahat ng players na pumunta na sa court nang mas maaga upang makapag-prepare at maiwasan ang delay.
See you there at good luck sa lahat! 🏀🔥
27/03/2026
GAME ON! 🔥🏀
Calling all the players of Inter-Color League 2026, here are the list of teams (per color), game rules and game bracket system for this year’s season. Kindly check po ang bawat post.
To all players and participants, 8AM po ang call time natin sa Brgy Castaños Cerca Covered Court. Please wear your jersey based on your team color.
Kitakits, kabataang cerca. ✨
08/03/2026
March 7, 2026
Matagumpay na naisagawa ang SK Castanos Cerca ML Tournament noong ika-7 ng Marso 2026 na nilahukan ng tatlong (3) koponan mula sa komunidad. Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palakasin ang pagkakaisa, kooperasyon, at sportsmanship ng mga kabataan sa pamamagitan ng e-sports.
Sa pagtatapos ng paligsahan, ang koponang Triple B ang nagkamit ng 2nd Runner-Up, ang TB (Bangbang Boys) naman ang nagkamit ng 1st Runner-Up, at ang Brgy. Tibay ang itinanghal na Champion ng torneo. Ang buong aktibidad ay naisagawa nang maayos at naging matagumpay sa pakikiisa at aktibong partisipasyon ng mga kalahok at manonood.
Lubos ding ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat kay Kapitan Gerwin Bencito at sa mga Barangay Officials sa kanilang patuloy na suporta, lalo na sa pagbibigay ng cash prizes para sa mga nanalong manlalaro. Ang kanilang tulong ay naging malaking bahagi sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing torneo.
Hinihikayat din ang lahat ng kabataan na patuloy na suportahan at aktibong makilahok sa mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan para sa patuloy na pag-unlad at pagkakaisa ng komunidad.
Castaños Cerca Ml tournament
https://vt.tiktok.com/ZS9dDH917J34Y-iR60a/
03/03/2026
𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗜𝗧 𝗜𝗦 𝗢𝗩𝗘𝗥! NO MORE SANA ALL!
Sa darating na March 28 at 29, handog ng Sangguniang Kabataan ng Castaños Cerca sa ating mga manlalaro ang 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗖𝗼𝗹𝗼𝗿 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝟮𝟬𝟮6. 🏀
Sa ating laro, tayo ay magsasaya, at magpapamalas ng angking galing na may kasamang sportsmanship sa larangan ng Sports.
Below is our poster kung saan nakalagay ang mga details ng ating game, for you to be guided.
📌Magkakaroon tayo ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗲𝗲 for each player worth ₱50.00 which would be allotted for prizes.
📌Tandaan na simula March 4 hanggang March 21 lamang ang registration date, upang makapagbracket ng Teams (SK Officials po ang gagawa ng team per color).
📌 Exclusive lamang po para sa mga kabataan ng Castaños Cerca.
To register, kindly fill in this link provided. Thanks!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeuXzcYe60YM5TDCm__FHEkLHYt4hQeWIpnpF8nK_EmVyMMwA/viewform?pli=1
For more details, kindly contact the following:
Jaymee Ruth Reyes Perdon
Shane Kate Monsale
Dritz Chell Castillo
Marc Andrei Malimban
Kita kits, ka-barangay! ✨
STAY TUNED! COMING SOON! 😉
01/03/2026
𝑪𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒍𝒍 𝑴𝑳 𝑾𝒂𝒓𝒓𝒊𝒐𝒓𝒔! 😎
Step up. Stand out. Secure your spot. ML Tryouts are HERE! 🏆
𝐑𝐔𝐋𝐄𝐒 & 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒:
✔️Each team must consist of six members.
✔️Each team must have their own mobile data connection or WiFi
✔️Participants must be a bona fide resident of Brgy. Castaños Cerca
✔️Participants must be 15-30 years of age
✔️Only submitted ML ID and IGN are allowed to join
✔️3 minutes will be given to check their ping before the game starts
✔️Provide a screenshot of the game result
✔️Strictly NO REMAKE
✔️Please come on time (1:00 PM)
✔️NO same day (MARCH 7, 2026) team submission
𝐃𝐄𝐀𝐃𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐄𝐀𝐌 𝐒𝐔𝐁𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍
‼️MARCH 4, 2026
TO REGISTER, you may contact any of the following:
SK Jaymee Ruth Perdon
SK Andrei Malimban
28/02/2026
𝑪𝒉𝒆𝒆𝒓𝒔 𝒕𝒐 𝒂 𝒔𝒖𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔𝒇𝒖𝒍 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚! 🥂
𝐅𝐎𝟏 𝐉𝐨𝐥𝐢𝐧𝐚 𝐁. 𝐀𝐧𝐝𝐚𝐥𝐞𝐨𝐧
✔️Top 8 Over-all Ranking
✔️Highest Over-all Rating in Medical First Responder
✔️Class Vice-President
𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗮ñ𝗼𝘀 𝗖𝗲𝗿𝗰𝗮
Ang inyong tatag at angking-husay upang abutin ang estadong ito ay isang magandang halimbawa para sa ating mga kabataang naghahangad ring mapagtagumpayan ang ganitong larangan. Kami ng buong Sangguniang Kabataan ay lubos kayong ipinagmamalaki na siyang nagpamalas ng angking-talino at talento sa ganitong uri ng propesyon. 👩🚒
Congratulations!
03/02/2026
ANNOUNCEMENT 📣
SATELLITE VOTER REGISTRATION ‼️
📆 Sabado, February 7, 2026 (8:00 AM TO 3:00 PM)
📍 Castaños Cerca Barangay Hall
OPEN ITO PARA SA:
☑️ Registration ng mga bagong botante
☑️ Correction o Change of Records
☑️ Reactivation
☑️ Reinstatement sa listahan ng botante
☑️ Updating ng record
SINO ANG PWEDE MAGPAREHISTRO?
🙋🏻♂️ First Time Barangay Voter
- 18 taong gulang pataas sa o bago ang November 2, 2026
- Residente ng Pilipinas ng 1 taon
- Residente ng barangay ng 6 na buwan
-
🙋🏻♀️ First Time SK Voter
- 15 hanggang 30 taong gulang sa o bago ang November 2, 2026
- Residente ng Pilipinas ng 1 taon
- Residente ng barangay ng 6 na buwan
📌 Magdala ng valid ID ⬇️, ballpen at iba pang supporting documents sa araw ng registration.
👉🏻 Para sa NEW REGISTRATION, REACTIVATION & TRANSFER
1. National Id
2. Postal Id
3. PWD Id
4. School Id
5. Senior Citizen's Id
6. Driver's license/ Student Permit
7. NBI clearance
8. Passport
9. SSS/GSIS Id
10. IBP Id
11. PRC Id
12. Certificate of Confirmation issued by NCIP in case of members of ICCs or IPs
13. Any other Government issued valid IDs
MAHALAGANG PAALALA:
- HINDI tinatanggap ang CEDULA, BARANGAY CLEARANCE/ID, HOMEOWNER'S ASSOCIATION ID at POLICE CLEARANCE
👉🏻 Para sa CHANGE / CORRECTION OF ENTRIES
1. BIRTH CERTIFICATE - para sa maling pagkakatala tulad ng misspelled na pangalan, petsa ng kapanganakan, saan ipinanganak o typographical errors.
2. MARRIAGE CONTRACT/COURT ORDER - pagpapalit ng pangalan dahil sa kasal o sa bisa ng utos ng korte
3. CENOMAR - pagpapalit ng estado mula sa married to single.
📌 Ang programang ito ay parte sa preparasyon para sa darating na 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Kung may mga katanungan, maaaring mag mensahe dito o magtanong sa ating mga kinauukulan. Maraming Salamat!
24/01/2026
MAGANDANG ARAW, BARANGAY CASTAÑOS CERCA! 🩻🩺
Halina na sa darating na January 29, 2026 araw ng Huwebes para sa ating FREE XRAY na gaganapin sa Castaños Cerca Covered Court sa ganap na 8:00 AM onwards.
Ang FREE XRAY na ito ay para sa lahat ng mamamayan ng Castaños Cerca (priority) mula sa edad 15 YEARS OLD PATAAS, kung saan 150 katao ang maaaring matulungan ng programang ito. Pangungunahan ito ng Gen. E. Aguinaldo Rural Health Unit kasama ng Brgy Castaños Cerca
Para sa mga interesado, mangyari lamang po na magtungo sa Castaños Cerca Covered Court sa araw na nabanggit. Ito po ay WALK IN lamang at ipatutupad ang UNANG DUMATING, UNANG MAPAGSISILBIHAN.
Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang matiyak at mapangalagaan ang kalusugan ng ating komunidad.
MARAMING SALAMAT PO AT IPAGPATULOY NATIN ANG PAGKAKAISA PARA SA KALUSUGAN NG BAWAT ISA!
24/12/2025
𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐋𝐏𝐓!
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬 (𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝𝐚𝐫𝐲)
Zsanelle M. Bolima, LPT
Danica Joy G. Zabale, LPT
Darwin M. Santos, LPT
𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐚ñ𝐨𝐬 𝐂𝐞𝐫𝐜𝐚
Ang inyong pagpapagal at determinasyon upang marating ang tagumpay na ito ay tunay na kahanga-hanga at isang inspirasyon sa ating mga kapwa kabataan.
𝘖𝘯𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘦𝘹𝘵 𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳, 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳𝘴!
𝓒𝓸𝓷𝓰𝓻𝓪𝓽𝓾𝓵𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷𝓼. 🥂
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Castaños Cerca
Cavite
4124
