Cavite City Police Station
TO SERVE AND TO PROTECT ��
431-2292
09063606656
09985985596
04/04/2025
PNP MAS PINAIIGTING ANG SEGURIDAD PARA SA SUMMER VACATION 2025
Habang papalapit ang panahon ng tag-init, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang PNP MC Ligtas SUMVAC 2025 Operational Guidelines bilang gabay sa pagpapatupad ng mas pinaigting na seguridad at kaayusan sa buong bansa. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan ng PNP ang lahat ng yunit nito na tiyakin ang kaligtasan ng publiko mula Abril 1 hanggang Mayo 31, 2025.
Tuwing tag-init, dumarami ang mga bumibiyahe papunta sa kanilang mga probinsya upang makasama ang pamilya, dumalo sa mga reunion, at magbakasyon sa mga resorts, dalampasigan, at iba pang tourist destinations. Maraming mahahalagang pagdiriwang din ang kasabay ng panahon na ito, kabilang ang Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Flores de Mayo, at ang Mahal na Araw mula Abril 13 hanggang Abril 20. Dahil dito, inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero, balikbayan, at turista sa mga pampublikong lugar, transport terminals, pangunahing lansangan, commercial establishments, at iba pang pasyalan, na nangangailangan ng mas mataas na presensya ng pulisya upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad.
Kasabay ng pagdami ng tao sa matataong lugar, inaasahang tataas din ang mga kaso ng krimen tulad ng panloloob, pagnanakaw, at iba pang illegal na aktibidad. Malaking hamon din ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada at daan papunta sa probinsya, pati na rin ang siksikan sa mga bus terminals, paliparan, at pantalan. Bukod dito, maraming bahay ang naiiwanang walang tao, kaya't maaaring samantalahin ito ng mga masasamang loob. Dagdag pa rito, mahigpit na binabantayan ng PNP ang posibilidad ng anumang banta mula sa mga kriminal at teroristang grupo, lalo na’t ang SUMVAC 2025 ay kasabay ng pangangampanya, eleksyon, at proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa National and Local Elections (NLE).
Upang matugunan ang mga hamong ito, magde-deploy ang PNP ng 40,151 personnel sa buong bansa sa ilalim ng Enhanced Operational Concept of Managing Police Operations (E-MPO) Strategy, na nakatuon sa mas pinaigting na police visibility, patrol operations, at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Itatalaga ang Police Assistance Desks sa mga transport hubs, tourist spots, at iba pang matataong lugar upang agarang makapagbigay ng tulong sa publiko. Paiigtingin din ang law enforcement operations upang pigilan ang anumang aktibidad ng krimen, habang mas hihigpitan ang seguridad sa mga mahahalagang pasilidad, terminal, at lugar ng pagsamba sa pamamagitan ng intelligence monitoring at security inspections. Kasabay nito, ipapatupad nang mahigpit ang traffic management at road safety measures upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.
Tiniyak naman ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang kahandaan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa. “Habang pinaghahandaan natin ang Summer Vacation 2025, sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng ating mamamayan. Ang ating mga kapulisan ay naka-deploy at handang rumesponde sa anumang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Nananawagan kami sa publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating gawing ligtas at kasiya-siya ang tag-init na ito,” aniya.
Pinaaalalahanan din ng PNP ang lahat ng biyahero na tiyaking maayos na nakakandado ang kanilang bahay bago umalis, maging alerto sa paligid, at sumunod sa mga safety guidelines sa matataong lugar. Bukas ang mga emergency hotlines at opisyal na social media channels ng PNP para sa mga agarang concerns o insidente na nangangailangan ng agarang aksyon.
Sa pamamagitan ng PNP MC Ligtas SUMVAC 2025, nananatiling matatag ang Philippine National Police sa pangakong protektahan ang publiko at tiyakin ang isang ligtas, payapa, at masayang summer vacation para sa lahat.
04/04/2025
PNP NAGPAPAALALA SA PUBLIKO NA MAGING MAINGAT NGAYONG SUMMER VACATION KASABAY NG MGA INSIDENTE NG PAGKALUNOD
Habang papalapit ang panahon ng bakasyon, ang Philippine National Police (PNP) ay nananawagan sa publiko na maging mas maingat, lalo na sa mga magplaplano na magtungo sa mga beach at iba pang recreational spots.Ang paalala na ito ay kasunod ng mga ulat ng mga kaso ng pagkalunod na naitala ng PNP Directorate for Operations.
Noong 2023, nagtala ng 125 insidente ng pagkalunod, at 90 kaso naman ang naitala sa 2024. Ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ay naitala sa Police Regional Office 4A (PRO4A) na may 25 kaso, PRO1 na may 23, at PRO10 na may 9 na insidente.
Nagbigay ng mensahe si Chief PNP, Police General Rommel Francisco Marbil, at pinaalala ang kahalagahan ng kaligtasan sa bawat isa. "Lahat tayo gusto mag-enjoy ng bakasyon, pero ang kaligtasan ay dapat laging nauuna. Ang PNP ay narito para tiyakin ang seguridad sa pamamagitan ng mga tourist police na nakatalaga sa mga beach resorts at mga tourist spots. Ngunit, hindi natin dapat kalimutan na ang ating personal na kaligtasan ay nakasalalay din sa mga hakbang na ating ginagawa," ani ni Chief PNP Marbil.
Bilang bahagi ng PNP LIGTAS SUMVAC 2025, ang PNP ay nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at ibang mga law enforcement agencies upang mapalakas ang mga hakbang para sa kaligtasan, dagdagan ang pagpapatrolya, at magbigay ng mga advisories upang maiwasan ang mga aksidente. Patuloy na hinihikayat ng PNP ang publiko na maging alerto, maging aware sa kanilang paligid, at mag-ingat habang nag-eenjoy sa mga outdoor activities..
Binanggit pa ng Chief PNP na ang presensya ng PNP ay ramdam sa mga high-traffic tourist destinations, partikular na sa mga dalampasigan kung saan nagtitipon ang mga bakasyunista. Ngunit, pinaalalahanan pa rin niya ang lahat na maging responsable at isaisip ang kaligtasan hindi lang sa tubig kundi sa lahat ng mga aktibidad sa bakasyon.
"Gusto namin na lahat ay mag-enjoy ng holiday season, pero mahalaga na seryosohin natin ang kaligtasan. Nasa beach man o sa anumang pampublikong lugar, tiyakin natin na nagmamasid tayo sa isa’t isa at sumusunod sa mga safety guidelines," pahayag ni Chief PNP Marbil.
Ang pahayag ng PNP ay alinsunod din sa gabay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na pinapahalagahan ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa, lalo na sa mga panahon ng mataas na aktibidad tulad ng mga summer holidays. Ang pagtutok ng Pangulo sa seguridad ay tinitiyak na ang mga mamamayan ay makakaranas ng isang masaya at ligtas na bakasyon.
Habang ang mga pamilya ay nagsisimula nang magtungo sa kanilang mga destinasyon para sa bakasyon, patuloy ang PNP sa pagtutok para tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino. Hinihikayat ng kapulisan ang lahat na mag-enjoy ng summer, pero laging isaisip ang kaligtasan.
04/04/2025
04/04/2025
Look: 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐂𝐲𝐛𝐞𝐫 𝐜𝐫𝐢𝐦𝐞 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐓𝐢𝐩𝐬
#𝑺𝒂𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔𝑨𝒏𝒈𝑮𝒖𝒔𝒕𝒐𝒏𝒈𝑷𝒖𝒍𝒊𝒔𝑳𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔𝑲𝒂
#𝑻𝒐𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆𝒂𝒏𝒅𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕
01/04/2025
"MGA TIPS PARA MAIWASAN ANG ROAD RAGE "
01/04/2025
ROAD RAGE/Upang maiwasan, narito ang ilang paalala...
#𝐒𝐚𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬𝐀𝐧𝐠𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠𝐏𝐮𝐥𝐢𝐬𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐊𝐚
#𝑻𝒐𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆𝒂𝒏𝒅𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕
01/04/2025
01/04/2025
PNP NAGBABALA SA MGA MAY-ARI NG BARIL LABAN SA IRRESPONSABLENG PAGGAMIT NG FIREARM
Pinaaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng may-ari ng baril na laging isaalang-alang ang responsableng paghawak at paggamit ng kanilang mga armas. Ito ay matapos ang isang insidente ng road rage sa Antipolo City noong Linggo ng hapon, kung saan nauwi sa pamamaril at nagresulta sa pagkasugat ng apat na indibidwal. Ang pangyayaring ito ay naganap sa kabila ng umiiral na gun ban na ipinatutupad mula pa noong Enero 12, 2025, bilang bahagi ng direktiba ng Commission on Elections (COMELEC) para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ngayong election period.
Batay sa datos ng PNP hanggang Marso 30, 2025, umabot na sa 2,056 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban. Sa bilang na ito, 161 ang nahuli sa mga checkpoint, 1,017 ang nadakip sa police response, 365 ang naaresto sa mga anti-illegal drug operation, 138 ang nahuli sa buy-bust operation, at 375 naman ang inaresto sa iba pang operasyon ng pulisya. Sa kabuuan, 2,147 na baril na ang nakumpiska bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na pagmamay-ari ng armas at upang maiwasan ang karahasan gamit ang baril.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga paglabag, isinulong ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mas mahigpit na parusa para sa mga iresponsableng gumagamit ng baril. Kanyang iminungkahi ang panghabambuhay na diskwalipikasyon sa pag-renew ng License to Own and Possess Fi****ms (LTOPF) at firearm registration para sa mga sangkot sa firearm-related offenses. Kasabay nito, inirekomenda rin niya ang agarang pagbawi ng kanilang kasalukuyang LTOPF at rehistro ng baril upang matiyak na hindi na sila muling makakapagmay-ari ng armas. Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang regulasyon sa baril at tiyakin na tanging mga responsableng indibidwal lamang ang may pribilehiyong magmay-ari nito.
“Ang pagmamay-ari ng baril ay isang pribilehiyo, hindi isang karapatan. Ang sinumang aabuso sa pribilehiyong ito at maglalagay sa peligro sa kapwa ay mahaharap sa buong bigat ng batas. Election period man o hindi, dapat nating panatilihin ang responsableng paggamit ng baril upang maiwasan ang walang saysay na karahasan,” ani PNP Chief Marbil.
Dagdag pa niya, dapat laging pairalin ng mga gun holders ang pasensya at disiplina, lalo na sa tensyonadong sitwasyon. Aniya, kailanman ay hindi dapat magpadala sa galit kapag may dalang baril.
“Huwag tayong magpadala sa galit. Sa isang iglap, maaaring magbago ang buhay dahil sa isang maling desisyon. Tandaan natin—huli lagi ang pagsisisi kapag may nasaktan o napatay dahil sa hindi tamang paggamit ng baril,” dagdag ni PNP Chief Marbil.
Nanawagan ang PNP sa lahat ng gun owners na sumunod sa mga regulasyon sa pagmamay-ari ng baril at mag-ingat sa paggamit nito. Mahigpit ding binabantayan ng mga awtoridad ang mga lumalabag, at hinihikayat ang publiko na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PNP hotline at opisyal na social media accounts ang anumang kaso ng ilegal o mapanganib na paggamit ng baril.
Sa nalalapit na 2025 national at local elections, patuloy ang PNP sa pangangalaga sa kaligtasan at seguridad ng publiko, bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Marcos na tiyakin ang pagpapatupad ng batas at proteksyon ng bawat Pilipino.
01/04/2025
Pahayag ng PNP sa Pagdiriwang ng Eid’l Fitr
Ang Philippine National Police ay nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Ito ay isang panahon ng pasasalamat, pagninilay, at pagpapanibago ng pananampalataya, na nagtuturo sa ating lahat ng halaga ng habag, sakripisyo, at pagkakaisa.
Habang ipinagdiriwang natin ang mahalagang okasyong ito, patuloy na naninindigan ang PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad upang masiguro na ang lahat ay makakapagdiwang nang ligtas at maayos.
Kasama ninyo kami sa pagsusulong ng pagkakaunawaan at pagkakaisa sa ating mga komunidad, anuman ang paniniwala.
Sa ating mga kapatid na Muslim, nawa’y magdala ang araw na ito ng kagalakan, kapayapaan, at kasaganaan sa inyong mga tahanan at pamayanan.
Eid Mubarak!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
327 Molina, Santa Cruz
Cavite
4100
