04/03/2026
ATTENTION‼️
https://www.facebook.com/share/p/1Ayricr2MQ/
🚨 I-TAG ANG KAPAMILYA MO PARA HINDI MA-SCAM! 🚨
Hindi kailanman hihingi ang eGovPH ng iyong personal information sa pamamagitan ng text, tawag, o email. Kapag may natanggap kang ganitong mensahe o tawag, huwag sagutin—SCAM ‘yan!
🔎 Narito ang karaniwang modus:
1️⃣ Tatawagan, i-eemail, o i-te-text ka upang umano’y tulungan sa eGovPH app registration.
2️⃣ Hihikayatin kang mag-download ng pekeng (spoof) eGovPH app.
3️⃣ Sa pekeng app, papasagutan ka ng personal na impormasyon at magpapakuha ng live selfie.
⚠️ Gagamitin ang mga impormasyong ito upang ma-access at maubos ang laman ng iyong mobile banking accounts at digital wallets.
Kapag nabiktima, agad na i-report sa:
📧 [email protected]
📞 1326
Maging mapanuri. Maging mapagmatyag. Ibahagi ang impormasyong ito para sama-sama nating labanan ang scam!

08/01/2026
10/09/2025
07/07/2025
05/09/2024