28/04/2026
🎉 Kabataan ng Barangay Anonang, handa na ba kayo? Panahon na para ipakita ang sigla, lakas, at pagkakaisa sa “Balik-Laro: Yamang ng Lahi, Sigla ng Kabataan”! 🇵🇭✨
Tara na at makiisa sa mga nakakatuwang palaro tulad ng Hulian ng Biik, Hulian ng Pato, Sack Race, at Tug of War!
Ito na ang pagkakataon para maranasan muli ang saya ng tradisyunal na larong Pinoy, makipagkaibigan, at ipakita ang inyong talento at sportsmanship. 💪🏽🏃♀️🏃♂️
Huwag hayaang lumipas ang araw na puno ng tawanan, saya, at pagmamalaki sa ating kulturang sariling atin. Sama-sama nating buhayin ang larong lahi at patunayan na ang kabataan ng Anonang ay aktibo, masigla, at nagkakaisa! 🌟
📅 April 29, 2026
📍 Barangay Anonang, Cordon Isabela
“Makilaro, Makisaya, Makiisa — Dahil ang Kabataan ang Buhay ng Bayan!” 🇵🇭🔥