21/10/2026
COTABATO CITY ISINAGAWA ANG CAPACITY BUILDING SEMINAR NA NEGOSYONG ASENSADO PARA SA MGA MICROFINANCE LOAN BENEFICIARIES SA CITY LIBRARY PEOPLES PALACE
Isang pormal na capacity-building seminar na Negosyong Asensado: A Capacity-Building Seminar on Entrepreneurial Mindsetting, Responsible Borrowing, Financial Literacy, and Basic Bookkeeping for Microfinance Loan Beneficiaries ang matagumpay na isinagawa noong Oktubre 21, 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa City Library, People’s Palace, Cotabato City.
Ang buong-araw na aktibidad na ito ay naglayong palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga benepisyaryo ng Micro Finance Start-Up Capital Assistance Program upang masigurong magiging maayos at matagumpay ang pagpapatakbo ng kanilang mga maliliit na negosyo.
Naging pangunahing bahagi ng orientation ang dalawang serye ng leksyon. Sa unang sesyon, tinalakay ang pagkakaroon ng tamang mindset sa pagnenegosyo at ang kahalagahan ng responsableng pangungutang. Sinundan ito ng ikalawang sesyon na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman sa tamang pamamahala ng pananalapi o financial literacy.
Ipinagpatuloy ang pagsasanay sa ikatlong sesyon na nakatuon sa mga batayang alituntunin ng basic bookkeeping. Kasunod nito, isinagawa ang isang interactive workshop ukol sa practical business financial management kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na i-presenta ang kanilang mga output at magtanong sa ginanap na open forum. Nagtapos ang buong programa sa post-assessment at evaluation, paggawad ng certificates of appreciation at participation, at ang pormal na pagpapasalamat bago ang opisyal na photo opportunity.