30/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ก๐ง ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก (๐
๐๐) ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ง๐ ๐ ๐ข๐๐จ๐๐๐ฆ
Isinagawa ang Training of Trainers (TOT) on the Enhanced Family Development Session (FDS) Transformative Learning Path (TLP) Modules sa Alnor Convention Hall, Cotabato City, na nilahukan ng mga Case Manager ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa ibaโt ibang lugar sa rehiyon.
Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman, kakayahan, at kasanayan ng mga kalahok sa pagpapatupad ng Enhanced FDS TLP Modules. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang magiging bihasa ang mga kalahok hindi lamang sa nilalaman at mga layunin ng mga pinahusay na modyul, kundi maging sa pagbibigay ng teknikal na suporta at coaching sa mga tagapagpatupad ng Family Development Sessions sa kani-kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga layunin ng pagsasanay ang pagpapalalim ng pag-unawa sa Enhanced FDS TLP framework, nilalaman, at mga layunin nito; paggamit ng mga prinsipyo ng adult learning at mga participatory facilitation techniques sa paghahatid ng mga sesyon; epektibong pagpapadaloy ng mga piling modyul sa pamamagitan ng practicum at peer feedback; at pagsasama ng rights-based, gender-responsive, disability-inclusive, at culturally sensitive na mga pamamaraan sa pagpapatupad ng FDS.
Tinalakay rin sa pagsasanay ang pagbuo ng mga konkretong action plan para sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayang natutunan patungo sa mga regional at field implementers, upang matiyak ang mas epektibong pagpapatupad ng programa sa antas ng komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng mga tagapagpatupad ng programa, nananatiling nakatuon ang 4Ps sa layuning makapagtaguyod ng mga pamilyang Pilipino na may sapat na kaalaman, kakayahan, at katatagan upang maging higit na empowered, self-reliant, at resilient sa harap ng ibaโt ibang hamon ng buhay.