Office for Other Bangsamoro Communities

Call Directions Contact the organization

Office for Other Bangsamoro Communities OOBC is an office proper in the Office of the Chief Minister, BARMM.

**OOBC FACILITATES COORDINATION FOR FOOD ASSISTANCE DISTRIBUTION IN BARANGAY SALAMAN, LEBAK**LEBAK, SULTAN KUDARAT - The...
26/10/2026

**OOBC FACILITATES COORDINATION FOR FOOD ASSISTANCE DISTRIBUTION IN BARANGAY SALAMAN, LEBAK**

LEBAK, SULTAN KUDARAT - The Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC), in coordination with the Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM), facilitated the provision of food assistance to hundreds of beneficiaries during a relief distribution activity held at the Barangay Salaman Gymnasium on October 15, 2026.

The activity was initiated following a formal request from Chairman of the Lebak Bangsamoro Fishermen Cooperative (LBFC), coursed through OOBC to MSSD-BARMM. The request sought food assistance for local families, school personnel, and cooperative members in response to the socio-economic challenges experienced by the community.

The distribution provided essential food supplies to hundreds of families in Barangay Salaman. 300 beneficiaries expressed their appreciation to MSSD-BARMM, OOBC, the school administration, and the cooperative leadership for facilitating the assistance.

The activity highlights inter-agency coordination and collaboration between government institutions, educational stakeholders, and community-based organizations in addressing the needs of Other Bangsamoro Communities (OBCs), particularly those residing outside the territorial jurisdiction of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Through its coordination and facilitation efforts, OOBC continues to support the delivery of responsive government programs and services to OBCs in line with its mandate.


21/10/2026

Office for Other Bangsamoro Communities-OOBC

"BANGSAMORO KA, SAAN KA MAN"

Mapapakinggan Tuwing Araw ng Miyerkules
4:00 To 5:00 ng Hapon

21 October, 2026 | 10 Jumada Al-Awwal, 1448

DISCLAIMER : No Copyright Infringement intended, Music belongs to the rightful owners

PINAIGTING NG OOBC ANG KOORDINASYON SA ANIM NA LALAWIGAN BILANG PAGHAHANDA SA PROVINCIAL MANACOTABATO CITY — Pinaigting ...
15/10/2026

PINAIGTING NG OOBC ANG KOORDINASYON SA ANIM NA LALAWIGAN BILANG PAGHAHANDA SA PROVINCIAL MANA

COTABATO CITY — Pinaigting ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa anim na lalawigan sa Region XII at Region IX bilang paghahanda sa pagsasagawa ng Provincial Mapping and Needs Assessment (Provincial MANA).

Sa pangunguna ni Executive Director Noron S. Andan, MPA, MAEd, kasama ang mga kawani ng OOBC, isinagawa ang mga koordinasyon sa Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat sa Region XII mula Agosto 17 hanggang Setyembre 3, 2026. Sinundan din ito ng koordinasyon sa Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte sa Region IX mula September 25 hanggang October 8, 2026.

Nakatuon ang mga pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa mga alkalde at iba pang lokal na opisyal upang ipakilala at ipaliwanag ang layunin at proseso ng Provincial MANA, gayundin ang pagtalakay sa mga kinakailangang paghahanda at koordinasyon para sa nakatakdang Provincial Consultation and Validation.

Mahalaga ang hakbang na ito upang matiyak ang suporta at partisipasyon ng mga Provincial Local Government Unit (PLGU), Local Government Unit (LGU), at iba pang kinauukulang stakeholder sa susunod na yugto ng proseso. Sa pamamagitan ng koordinasyong ito, layunin ng OOBC na mapadali ang pangangalap at pagpapatunay ng mga datos tungkol sa kalagayan at mga pangunahing pangangailangan ng Bangsamoro communities na naninirahan sa labas ng core territory ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Alinsunod sa mandato ng OOBC, isinusulong ng inisyatibang ito ang mas matibay na koordinasyon at kolaborasyon sa mga lokal na pamahalaan at National Government Agencies (NGA). Inaasahang magsisilbing mahalagang batayan ang mga makakalap at mabeberipikang datos mula sa Provincial MANA sa pagtukoy ng mga prayoridad na pangangailangan at pagbuo ng mga angkop na rekomendasyon para sa mga programa at proyektong magtataguyod sa kapakanan at pag-unlad ng mga Bangsamoro communities.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, pinagtitibay ng OOBC ang pangako nitong isulong ang isang mas sistematiko, koordinado, at nakabatay sa datos na pagpaplano upang matiyak na ang mga pangangailangan ng Bangsamoro communities sa labas ng BARMM core territory ay mabibigyang-pansin sa mga nararapat na programa at interbensiyon.

07/10/2026

Office for Other Bangsamoro Communities-OOBC

"BANGSAMORO KA, SAAN KA MAN"

Mapapakinggan Tuwing Araw ng Miyerkules
4:00 To 5:00 ng Hapon

07 October, 2026 | 26 Rabi Al-Akhar, 1448

DISCLAIMER : No Copyright Infringement intended, Music belongs to the rightful owners

23/09/2026

Office for Other Bangsamoro Communities-OOBC

"BANGSAMORO KA, SAAN KA MAN"

Mapapakinggan Tuwing Araw ng Miyerkules
4:00 To 5:00 ng Hapon

23 September, 2026 | 12 Rabi Al-Akhar, 1448

DISCLAIMER : No Copyright Infringement intended, Music belongs to the rightful owners

Buong pagmamalaki at kagalakan na binabati ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC), Office of the Chief Minist...
04/09/2026

Buong pagmamalaki at kagalakan na binabati ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC), Office of the Chief Minister – BARMM si Mr. Ricky Chan Gubel, sa kanyang matagumpay na pagkakapili bilang Fellow ng 2026 BAGANI Fellowship Program – AGOS Cohort ng Development Academy of the Philippines (DAP) sa ilalim ng Rising Leaders Development Program.

📚 1-Buwang Full Scholarship
📅 Oktubre 1 – Nobyembre 2, 2026
📍 Development Academy of the Philippines (DAP), Tagaytay City

Ang pagkakapili sa programang ito ay patunay ng iyong dedikasyon, kakayahan, at malasakit sa serbisyo publiko. Isang malaking karangalan para sa OOBC at BARMM na ikaw ay magiging kinatawan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mahalagang fellowship na ito.

Nawa’y maging makabuluhan ang iyong isang buwang pagkatuto at pagsasanay, at magsilbi itong daan upang higit pang mapaunlad ang iyong kaalaman, kakayahan sa pamumuno, at propesyonal na kompetensi para sa mas mahusay na paglilingkod sa ating mga kapatid na Bangsamoro.

OOBC Lumahok sa Faith-Based GAD Knowledge Exchange ForumKIDAPAWAN CITY | Agosto 25–27, 2026 — Aktibong lumahok ang Offic...
31/08/2026

OOBC Lumahok sa Faith-Based GAD Knowledge Exchange Forum

KIDAPAWAN CITY | Agosto 25–27, 2026 — Aktibong lumahok ang Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) sa Knowledge Exchange Forum on Gender and Development (GAD): A Faith-Based Approach on Empowering Families and Enhancing Work Ethics in the Workplace, na isinagawa sa Abubakar Farm Mountain Resort, Kidapawan City.

Pinangunahan ni Mr. Abdul Qysr Macasayon, Chief ng Center for Knowledge Management (CKM) ng Development Academy of the Bangsamoro (DAB), ang tatlong araw na forum na nakatuon sa pagpapalitan ng kaalaman, karanasan, at best practices sa GAD.

Binigyang-diin sa forum ang faith-based approach sa gender equality, family empowerment, at work ethics, na isinasaalang-alang ang kultura, pananampalataya, at konteksto ng Bangsamoro.

Naging mahalagang bahagi ng talakayan ang mga pananaw ni Mr. Mohammad Balimbingan ng Bangsamoro Women’s Commission, na nagsilbing resource person at nagbahagi ng mga praktikal na pananaw sa paglalapat ng faith-based perspective sa GAD at public service.

Kasama ng OOBC na kinatawan ni Ms. Samra Karon-Patadon, Community Affairs Officer III at ang mga iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang attached offices ng Office of the Chief Minister, na nagkaroon din ng pagkakataong magbahagi ng kanilang mga karanasan, hamon, at praktikal na pamamaraan sa pagtugon sa GAD concerns.

Bukod sa knowledge sharing, naging daan din ang forum sa pagpapalakas ng networking, collaboration, at professional relationships sa pagitan ng mga kalahok at organizers. Iminungkahi rin ang pagsasagawa ng mga follow-up learning activities upang higit pang mapalalim ang pag-unawa sa GAD sa konteksto ng Bangsamoro.

Sa patuloy na pakikilahok sa mga learning at capacity-building activities, nananatiling nakatuon ang OOBC sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani at pagsusulong ng inklusibo, makatao, propesyonal, at values-driven na serbisyo publiko para sa mga Bangsamoro Communities.

OOBC-OCM Nakikiisa sa Unang Bangsamoro Day Celebration ng Bangsamoro Sector ng Kidapawan CityCotabato City|  Nakikiisa a...
21/08/2026

OOBC-OCM Nakikiisa sa Unang Bangsamoro Day Celebration ng Bangsamoro Sector ng Kidapawan City

Cotabato City| Nakikiisa ang Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) sa ilalim ng Office of the Chief Minister (OCM) sa makasaysayang pagdiriwang ng kauna-unahang Bangsamoro Day ng Bangsamoro Sector ng Kidapawan City, na ginanap sa Kidapawan City Gymnasium.

Bitbit ang temang “Adat sa Tademan: Remembering the Past for the Future of Bangsamoro,” tampok sa pagdiriwang ang mayamang kultura, kasaysayan, pagkakakilanlan, at tradisyon ng Bangsamoro communities sa lungsod.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Grand Entrance at Ribbon Cutting (“KUYOG”), na sinundan ng isang Kulintang Performance na nilahukan ng mga opisyal ng lungsod, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Barangay Local Government Units (BLGUs), sectoral leaders, Moro leaders, mga bisita, at Deputy Mayors ng Bangsamoro Organizing Committee.

Sinundan ito ng Pagbasa ng Qur’an at Dua na pinangunahan ni Ustadz Ansarie Bato mula sa Religious Group ng Maranao Sector.

Naghatid naman ng makulay na pagtatanghal ang B’dadali Dance Troupe ng University of Southern Mindanao (USM), Kabacan, Cotabato, sa pamamagitan ng Kulintang Ensemble at Traditional Dance Presentation na nagbigay-buhay sa sining at tradisyon ng Bangsamoro.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng mainit na pagbati si Mr. Nasrulla Badal, LPT, Head ng Bangsamoro Sector ng Kidapawan City.

Nagbigay rin ng inspirational message si Atty. Jose Paolo M. Evangelista, City Mayor ng Kidapawan City. Binigyang-diin niya na ang Bangsamoro Code, na umiiral bilang ordinansa mula pa noong 2024, ay nagsisilbing pangmatagalang institutional framework para sa pangangalaga at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng Bangsamoro community sa lungsod—isang mekanismong nagpapatuloy lampas sa termino ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, ipinaliwanag ni Mr. Noron S. Andan, MPA, MAEd, Executive Director ng OOBC, ang mandato at papel ng tanggapan sa paglilingkod, pagsuporta, at pagtataguyod ng kapakanan at interes ng mga Bangsamoro communities na naninirahan sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Binigyang-diin ni Andan ang kahalagahan ng matatag na partnership at koordinasyon sa pagitan ng mga institusyon at Bangsamoro communities upang matiyak na ang mga Bangsamoro sa labas ng BARMM ay nananatiling konektado, kinikilala, at nabibigyan ng nararapat na suporta.

Naghatid din ng mensahe si Atty. Gapor G. Quituar, Acting Regional Director ng NCMF-SOCCSKSARGEN, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at inter-institutional collaboration sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at cultural identity ng Bangsamoro.

Bilang resource speaker, nagbahagi naman si Mr. Al Nezzar Ali, Chairman ng National Committee on Visual Arts (NCVA) ng NCCA, ng mahahalagang pananaw hinggil sa kultura, pamana, at pagkakakilanlan ng Bangsamoro.

Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng heritage talks, traditional performances, visual arts presentations, pop-up museum, culinary heritage showcases, at iba pang cultural presentations na naglalayong ipakita at ipagdiwang ang mayaman at makulay na tradisyon ng iba’t ibang Bangsamoro communities.

Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Bangsamoro Day ay isang pagpupugay sa pinagmulan, kultura, at pagkakakilanlan ng Bangsamoro—isang paalala na ang pangangalaga sa ating pamana ay mahalagang bahagi ng paghubog ng mas matatag na kinabukasan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Sa pakikiisa ng OOBC-OCM, muling binibigyang-diin ang patuloy na pagsusulong ng pagkakakilanlan, pagkilala, koneksyon, at kapakanan ng Bangsamoro communities sa labas ng BARMM.

OOBC Lumahok sa Webinar sa Islamic FinanceCOTABATO CITY — Agosto 21, 2026 — Lumahok ang Office for Other Bangsamoro Comm...
21/08/2026

OOBC Lumahok sa Webinar sa Islamic Finance

COTABATO CITY — Agosto 21, 2026 — Lumahok ang Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) sa webinar na may temang “RA 11439 at 7: Advancing Global Excellence and New Frontiers in Islamic Finance” noong Agosto 19, 2026.

Inorganisa ng M&T Consultants, Islamic Co., sa pakikipagtulungan ng PICPA Cotabato City Chapter at Integrated Bar of the Philippines (IBP)–Cotabato Chapter, tinalakay sa webinar ang mahahalagang usapin sa Islamic finance, kabilang ang mga polisiya at regulasyon, Islamic capital markets at Sukuk, Shari’ah governance, at mga prayoridad sa pagpapaunlad ng Islamic finance sa Bangsamoro.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsunod sa pandaigdigang pamantayan, pagpapalakas ng professional capacity, at pagkakaroon ng multidisciplinary expertise upang higit na mapatatag ang Islamic finance sector sa bansa at sa Bangsamoro.

Ang pakikilahok ng OOBC ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Tanggapan na palawakin ang kaalaman at strategic engagement sa mga larangang may potensyal na makapag-ambag sa inclusive economic development at financial opportunities para sa mga Bangsamoro communities, kabilang ang mga komunidad na nasa labas ng territorial jurisdiction ng BARMM.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa Islamic finance at sa institutional ecosystem nito, patuloy na pinalalawak ng OOBC ang kaalaman at mga perspektibong maaaring makatulong sa pagsusulong ng Bangsamoro development vision beyond territorial boundaries.

Address

BARMM/Bangsamoro Government Center, Rosary Heights 7
Cotabato City
9600

Telephone

+639171129921

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office for Other Bangsamoro Communities posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Office for Other Bangsamoro Communities:

Shortcuts

Share

Nearby government services