10/10/2026
KALUSUGAN AT KAGALINGAN PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZEN! 👵👴
Matagumpay na isinagawa ng mga Student Nurse ng Notre Dame University ang isang health promotion program para sa mga senior citizen ng Barangay Rosary Heights X, na naglalayong mapalawak ang kanilang kaalaman sa pangangalaga ng kalusugan, pag-iwas sa pagkahulog (fall prevention), at pagpapanatili ng aktibo at malusog na pamumuhay sa kanilang pagtanda.
Nagpaabot din ng mahalagang kaalaman at gabay ang resource speaker mula sa City Health Office, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kalusugan ng ating mga nakatatanda.
Taos-pusong pasasalamat sa Notre Dame University Student Nurse at sa City Health Office Senior Citizen and PWD Program Coordinator Ma'am Rosalie M. Ganion,RN at sa mga kanyang Staff sa kanilang kaalaman, oras, at malasakit, gayundin kay Punong Barangay Hon. Najm Nur “Kap Tato” G. Sinarimbo sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng ating mga senior citizen.
Sama-sama nating isulong ang isang barangay na may malasakit, pagkalinga, at serbisyong ramdam ng lahat!
Tapat at Totoong Serbisyo! 💙