08/10/2026
๐๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด-๐๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด-๐๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป: ๐ฏ๐ฌ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ผ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ด
SULTAN MASTURA, Maguindanao Del Norte โ Tatlumpung (30) Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sumailalim sa dalawang araw na Training on Bangus Deboning and Processing na isinagawa ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR)-Maguindanao noong Oktubre 5โ6, 2026, sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Layunin ng pagsasanay na mapaunlad ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kalahok sa pagproseso ng bangus at maipakilala ang value-adding bilang oportunidad upang mapataas ang halaga ng mga produktong pangisdaan at makabuo ng mga produktong maaaring ibenta sa mas malawak na merkado.
Sa unang araw, tinalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wastong paghawak, paghahanda, at pagproseso ng bangus, kabilang ang mga pamamaraan upang mapanatili ang kalidad, kalinisan, at kaligtasan ng produkto. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng value-adding sa pagbuo ng mga produktong may dagdag na halaga at potensyal na mapagkakitaan.
Samantala, sa ikalawang araw, isinagawa ang hands-on demonstration kung saan aktuwal na isinagawa ng mga kalahok ang mga proseso ng pagde-debone ng bangus, pagma-marinate, pagpa-package, at wastong paglalagay ng label sa mga naprosesong produkto. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay, nagkaroon sila ng pagkakataong maisabuhay at mapahusay ang mga kasanayang tinalakay sa mga naunang sesyon.
Pinangunahan nina Aquaculturist I Harigia A. Candado, RFP, at Program Assistant Melinda Balaod, RFP, ang mga talakayan, demonstration, at hands-on sessions, na gumabay sa mga kalahok sa bawat hakbang ng wastong pagproseso at paghahanda ng mga produktong bangus.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna nina Chief Agrarian Reform Program Officer at kasalukuyang Assistant Provincial Director for Maguindanao del Norte Nur-Amin Caludtiag at Supervising Agrarian Reform Program Officer Bai Shaharazad Lidasan, sa pakikipagtulungan ng MAFAR Municipal Office (MMO) ng Sultan Mastura, sa pangunguna ni MMO Adam Evaristo, kasama ang iba pang kawani ng MAFAR-Maguindanao.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Assistant Provincial Director Caludtiag ang kahalagahan ng paggamit sa mga natutuhan mula sa pagsasanay. Hinikayat niya ang mga kalahok na maisabuhay ang kanilang mga bagong kasanayan at gamitin ang mga ito bilang dagdag na oportunidad para sa kanilang kabuhayan at mga organisasyon.
Para sa mga kalahok, ang pagsasanay ay nagbigay ng karagdagang kaalaman at praktikal na kasanayan na maaari nilang gamitin sa kanilang kasalukuyan o hinaharap na livelihood at enterprise activities, partikular sa pagbuo ng mga produktong bangus na may dagdag na halaga at potensyal na mapagkakitaan.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na isinusulong ng MAFAR-Maguindanao ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga ARBs na nakatuon ang kabuhayan sa pangingisda.