31/10/2026
"𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐭𝐢𝐩𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔"
𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗚𝗮𝘄𝗶𝗻
* 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐥𝐢𝐭𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧: Makinig sa mga tagubilin ng mga pulis, guwardiya, at tauhan ng sementeryo.
* 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐝: Magdala ng sariling trash bag at itapon ang mga basura sa tamang basurahan.
* 𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐝𝐢𝐥𝐚: Ilagay ang mga kandila sa ligtas na lalagyan (tulad ng plato na may kaunting tubig) at huwag iwanang walang nagbabantay.
* 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚: Huwag hayaang magala o mahiwalay ang mga bata; bigyan sila ng ID o papel na may pangalan at contact number sakaling mawala.
* 𝐌𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧: Magbaon ng payong, kapote, sapat na inuming tubig, at pagkain dahil sa pabago-bagong panahon (ulan o matinding init).
* 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐡𝐮𝐛𝐬: Hanapin agad kung saan nakapuwesto ang First Aid Station at PNP Assistance Desk.
* 𝐈𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤𝐚𝐧: Panatilihin ang respeto sa mga yumao at sa ibang pamilyang dumadalaw.
𝐌𝐠𝐚 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐆𝐚𝐰𝐢𝐧
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗸: Ipinagbabawal ang pagdadala at pag-inom ng nakalalasing na inumin sa loob ng sementeryo.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗺𝗮𝘀 𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆: Bawal magdala ng baril, itak, gulok, o anumang deadly at bladed weapons.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗶𝗸𝗮𝘁 𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿𝘀: Bawal ang malakas na musika o sound system upang mapanatili ang katahimikan.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘀𝘂𝗴𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: Ipinagbabawal ang pagsusugal sa loob ng sementeryo.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗱𝗶𝗹𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗼𝗻: Siguraduhing malinis ang paligid ng puntod bago magsindi para iwas-sunog.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘀 𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗮: Maging mapagbantay sa mga mandurukot sa matataong lugar.
* 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗲𝘅𝗶𝘁𝘀: Iparada nang maayos ang sasakyan sa mga itinalagang parking area lamang.