11/10/2026
𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗢𝗡𝗗𝗘𝗡𝗔
Mariing kinokondena ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ang karumal-dumal na pamamaril na ikinasawi ni Datu Manalao Mangelen Nur, Sr., Punong Barangay ng Barangay Dados, sa Esperanza, Sultan Kudarat, ngayong umaga ng Oktubre 11, 2026.
Ang insidenteng ito ay isang nakalulungkot na pangyayari na hindi lamang kumitil sa buhay ng isang lingkod-bayan, kundi nagdulot din ng pangamba sa kanyang pamilya, mga kasamahan, at sa buong pamayanan.
Nanawagan ang LGU DOS sa mga kinauukulang awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusi, at patas na imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa krimeng ito at makuha ang hustisya alinsunod sa batas. Inaasahan din ng LGU DOS ang agarang pagkilos ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga lingkod-bayan at mamamayan ng bayan ng DOS.
Kasabay nito, mariing hinihikayat ng LGU DOS ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong ulat, haka-haka, o anumang pahayag na maaaring makasagabal sa imbestigasyon at makapagdulot ng karagdagang pangamba sa komunidad.
Sa panahong ito ng pagdadalamhati, nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kasamahan ni Datu Manalao Mangelen Nur, Sr.
Nawa'y pagkalooban kayo ng lakas at kapanatagan sa gitna ng mabigat na pagsubok na ito.
Hustisya para kay Datu Manalao Mangelen Nur, Sr.
Pananagutin ang mga may sala sa pamamagitan ng makatarungang proseso ng batas.
Inna Lillahi Wainna Ilayhi Raajion.