Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL

Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL

Share

Barangay Kaunlaran Official Page

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 06/05/2026

MOA Renewal: Real Talks, Real Change

Ang isinagawang Renewal of Memorandum of Agreement (MOA) ay hindi lamang isang pormal na kasunduan, kundi isang pagpapatibay ng ating pangako na patuloy na kumilos, magsalita, at magprotekta sa mga batang biktima ng pang-aabuso—lalo na sa mga sensitibong kaso kung saan ang mismong tahanan ang nagiging lugar ng pananakit.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Sanghaya Foundation, kina Ms. Flo Abundo, Ms. Laila Titular, at Ma’am Kit, kasama rin sina VAWC Desk Officer Riza Lubuguin, GAD Focal Person Victoria Saberon, Kagawad Merz Lapuz, at ang ating butihing Punong Barangay Christopher “D**g” Cheng sa inyong patuloy na tapang, malasakit, at pakikiisa sa adbokasiyang ito.

Hindi madali ang pagtalakay sa mga usapin ng sekswal na pang-aabuso, lalo na kapag ito ay nangyayari sa loob mismo ng tahanan. Ngunit sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ganitong mga programa at pakikipagtulungan, nabibigyang-tinig ang mga biktima, napapalakas ang kamalayan ng komunidad, at mas naitataguyod ang tunay at pangmatagalang pagbabago.

05/05/2026

Congratulations, Chief Kyle Elagio! DC Family is proud of you! 👏🏻

05/05/2026

Magandang araw po sa ating lahat!

Narito na po ang opisyal na listahan ng walong (8) nanay na kalahok sa ating Mother’s Day Special Cooking Show na gaganapin bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day sa May 10, 2026 (sunday) - 10:00 ng umaga. Tunay pong ikinatutuwa ng Pamahalaang Barangay ang pakikiisa at suporta ng ating mga nanay na magpapakita ng kanilang galing at husay sa pagluluto.

Ipinapaalam din po namin na ang lahat ng ingredients na gagamitin sa paligsahan ay provided na, upang mas maging maayos at masaya ang ating cooking show.

Ang mga nasabing ingredients ay sponsor nina Councilor Atty. Vincent Belmonte at Miss Beverly Cheng, katuwang ang ating Punong Barangay Christopher D**g Cheng, bilang kanilang suporta sa mga programa at aktibidad para sa ating mga ina sa komunidad.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

Maraming salamat po sa ating mga Major Sponsors na sina Mayor Joy Belmonte at Councilor Atty. Vincent Belmonte!

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa lahat ng ating sponsors na walang sawang sumusuporta at nakikiisa upang maging masaya, makulay, at matagumpay ang ating kapistahan.

Dahil sa inyo, mas napapalapit ang ating komunidad sa isa’t isa. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at patuloy na suporta!

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 3, 2026 | One Day Volleyball League

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, nakilahok, at nakisaya sa ating One Day Volleyball League. Tunay pong naging masigla at matagumpay ang ating palaro dahil sa aktibong pakikilahok at suporta ng ating mga kabarangay.

Ang programang ito ay handog sa inyo ni SK Chairman Prince Artienda katuwang ang ating Punong Barangay Christopher D**g Cheng, na patuloy na sumusuporta sa mga aktibidad na nagtataguyod ng pagkakaisa, sportsmanship, at kasiyahan sa ating komunidad.

Maraming salamat din po Councilor Atty. Vincent Belmonte at Councilor Raquel Malañgen.

Muli, maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa ating programa!

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 3, 2026 | Grand Zumba

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, nakisaya, at nakisayaw sa ating Grand Zumba! Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa ating Best in Costume at sa mga nagbigay ng sigla at saya sa ating programa. Kasama natin sa pagpapasigla ng umagang ito sina Zin Charmaine at Zin Akisha — sana po ay napasaya namin kayo.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa ating sponsor na si Councilor Atty. Vincent Belmonte, kay Miss Beverly Cheng, at sa patuloy na suporta ng ating Punong Barangay Christopher D**g Cheng.

Maraming salamat din po sa DC Ladies sa pagbibigay ng Plaque of Appreciation sa ating butihing Punong Barangay Christopher D**g Cheng at kay Kagawad Olivia Lazarte bilang pagkilala sa kanilang patuloy na paglilingkod sa ating komunidad.

At siyempre, congratulations po sa lahat ng nagwagi sa ating Best in Costume! Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa mga programa ng ating barangay.

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 2, 2026 | Grand Bingo

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa, nakisaya, at nakipaglaro sa ating Grand Bingo! Ang masayang aktibidad na ito ay inihandog sa ating mga kabarangay sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Christopher D**g Cheng at Miss Beverly Cheng, kasama sina Kagawad Jessie Tañedo, Kagawad Olivia Lazarte, Kagawad Jimmy Bibat, Kagawad CJ Duque, Admin Meng Ronquillo, at Admin Dhotskie Padolina.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masiglang Emcee Kagawad Kenneth Haughton, sa patuloy na suporta ng ating sponsor na si Councilor Atty. Vincent Belmonte, at kay Councilor Nanette Daza na bumisita at nakisaya sa ating programa.

Congratulations po sa lahat ng mga nanalo sa ating Grand Bingo! Maraming salamat po sa inyong pakikiisa na nagbigay saya at tagumpay sa ating pagdiriwang. Patuloy po nating palakasin ang samahan at pagkakaisa sa ating Barangay Kaunlaran.

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 2, 2026 | Inflatables

Isang masaya at makulay na araw para sa ating mga kabataan ng Barangay Kaunlaran! Nagkaroon po tayo ng Inflatables Activity kung saan nag-enjoy at nakapaglaro ang ating mga bata kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Ang programang ito ay handog nina SK Chairman Prince Artienda at Punong Barangay Christopher D**g Cheng bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga aktibidad na nagbibigay saya at positibong karanasan sa ating kabataan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ating munting handog para sa komunidad!

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 1, 2026 | Dance Contest

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa ating Dance Contest na inihandog nina Punong Barangay Christopher D**g Cheng at SK Chairman Prince Artienda kasama ang SK Council.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kalahok at sa mga sumuporta na nagbigay saya at sigla sa ating pagdiriwang.

Muli maraming salamat po.

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 1, 2026 | Palaro

Maraming salamat po sa lahat ng mga bata at maging sa mga may pusong bata na nakiisa at nakisaya sa ating mga palaro na inihandog ni Punong Barangay Christopher D**g Cheng.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga masisipag na staff at SK na tumulong upang maging matagumpay at masaya ang programang ito para sa ating komunidad.

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

May 1, 2026 | Holy Mass

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating Banal na Misa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Saint Joseph the Worker.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Father Egay sa pangunguna sa makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Banal na Misa. Nawa’y patuloy po tayong gabayan at pagpalain.

Photos from Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL's post 04/05/2026

April 30, 2026 | Miss Gay 2026

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, naki-saya, at naglaan ng kanilang oras upang maging matagumpay ang Miss Gay 2026 ng Barangay Kaunlaran, na bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Saint Joseph the Worker.

Ang programang ito ay handog ng Sunday Club, sa pangunguna ni President Pechoy Dizon kasama ang kanyang mga miyembro. Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa tulong at suporta ng ating mga Major Sponsors, sina Councilor Atty. Vincent Belmonte at Miss Beverly Cheng, katuwang ang ating masipag at butihing Punong Barangay Christopher D**g Cheng.

Dahil sa inyong pakikiisa at suporta, naging mas makulay at masaya ang pagdiriwang ng ating kapistahan.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!

Want your business to be the top-listed Government Service in Cubao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


22 Mayor Ignacio Diaz Santos Street
Cubao

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12am