24/08/2026
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.
KAMI PO BUONG SANGUNIANG BARANGAY, ay buong pusong nakikiramay sa buong Barangay San Isidro.
Sa loob ng maikling panahon, dalawang beses tayong nawalan ng ama ng ating barangay.
Una, ang pagpanaw ng ating minamahal na dating Punong Barangay ARTEMIO P. MAPOLON.
At ngayon, ang pagpanaw naman ng ating Punong Barangay SIXTO C. LOPEZ.
Hindi po madali tanggapin ito. Sila ay parehong naglingkod nang buong puso. Pareho silang nagmahal at nagsakripisyo para sa ikabubuti ng Barangay San Isidro.
Sa pamilya ng dalawang Kapitan, sa mga kaibigan, at sa lahat ng naulila - damang-dama po namin ang inyong sakit. Hindi po kayo nag-iisa.
Sa kabila ng lungkot at pagsubok na ito, hinihiling ko po ang inyong pagkakaisa.
Ang pinakamagandang pag-alala at pagpupugay natin sa kanila ay ang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan - ang serbisyong tapat, ang pagkakaisa, at ang pagmamahal sa barangay.
Nangangako po ang Sangguniang Barangay na tuloy-tuloy ang serbisyo para sa inyo.
Walang maiiwan. Walang pababayaan. Nandito po kami para sa inyo.
Muli, maraming salamat po sa inyong suporta at dasal.
Sama-sama po tayong babangon para sa Barangay San Isidro.
"Ang tunay na lider ay hindi namamatay. Nabubuhay siya sa bawat serbisyong iniwan niya."
Maraming salamat po. Pagpalain tayo ng Panginoon.