11/10/2026
📢 IEC ON AFRICAN SWINE FEVER (ASF) PREVENTION AND CONTROL 🐖
Ayon sa derektiba ng ating mahal na Mayor, Hon. Cesar M. De Vera, Jr. at Vice Mayor Ma. Virginia N. De Vera, ang Tanggapan ng Municipal Agriculturist ng Culion ay patuloy na nagsasagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign tungkol sa pag-iwas at pagkontrol sa African Swine Fever (ASF) sa mga barangay sa Poblacion.
Naisagawa na ang mga sumusunod na aktibidad:
📍 October 6, 2026 – Barangay Osmeña at Barangay Libis
📍 October 7, 2026 – Barangay Jardin at Barangay Culango
📍 October 8, 2026 – Barangay Tiza at Barangay Balala
Sa mga susunod na araw at linggo, nakatakda ring isagawa ang kaparehong IEC campaign sa iba pang mga barangay sa labas ng Poblacion na nasasakupan ng Bayan ng Culion.
Layunin ng kampanyang ito na palawakin ang kaalaman ng ating mga kababayan tungkol sa ASF, sa mga paraan ng pagkalat nito, at sa mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng sakit sa ating mga alagang baboy.
Inaasahan ang inyong buong suporta at pakikiisa! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga alagang baboy, kabuhayan ng ating mga magbababoy, at seguridad sa pagkain ng bawat pamilya.
🐖 Maging mapagmatyag, sumunod sa mga patakaran, at makiisa sa kampanya laban sa ASF!