Culion Municipal Health And Nutrition Office

Directions

Culion Municipal Health And Nutrition Office We aim to provide available, accessible, affordable, adequate and sustainable health services!

OUR VISION:
We envision the community of Culion to be inhabited by economically productive, dynamic, and peaceful people who are physically, mentally, emotionally, and spiritually healthy. OUR MISSION:
We aim to provide available, accessible, affordable, adequate, and sustainable health services, promoting prevention, cure, and rehabilitation, with adequate support by multi-sectoral collaboration.

DOH: HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUEโ€”MAGPATINGIN AGAD SA HEALTH FACILITYDetalye sa comment section.  ...
30/09/2026

DOH: HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUEโ€”MAGPATINGIN AGAD SA HEALTH FACILITY

Detalye sa comment section.




30/09/2026

DOH: NAPAPATAAS ANG TSANSA NG HEART ATTACK AT STROKE DAHIL SA INIT NG PANAHON

Kapag matindi ang init, mas nahihirapan ang puso na magtrabaho. Ayon sa National Library of Medicine, bawat 1ยฐC na pagtaas ng temperatura ay may kaugnayan sa humigit-kumulang 2.1% na pagtaas ng panganib ng pagkamatay dulot ng sakit sa puso, kabilang ang heart attack at stroke.

Paalala ng DOH, inumin ang maintenance na gamot, umiwas sa matinding init, at maging alerto sa anumang pagbabago sa nararamdaman tulad ng pananakit ng dibdib, hirap huminga, o pagkahilo.

Unahin ang kalusugan, puso ay ingatan.

Source: Heat Exposure and Cardiovascular Health Outcomes: A Systematic Review and Meta-Analysis, Liu J. et al.




30/09/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam po sa aming mga kliyente at sa buong komunidad na ang Culion Municipal Health and Nutrition Office (MHNO) ay SARADO sa Huwebes, Oktubre 1, 2026 dahil sa pagdaraos ng aming Team Building Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

๐Ÿ“Œ Oktubre 1, 2026 (Huwebes) โ€“ Walang regular na serbisyo
๐Ÿ“Œ Oktubre 2, 2026 (Biyernes) โ€“ Balik sa regular na operasyon at serbisyo

Para sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon o emergency services, mangyaring pumunta sa pinakamalapit na health facility o sa Ospital.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa sa pansamantalang pagsasara ng aming tanggapan. Ang Team Building ay bahagi rin ng aming pagsisikap na mapalakas ang teamwork, koordinasyon, at pagkakaisa ng aming health workers upang patuloy naming maihatid ang mas maayos at de-kalidad na serbisyo pangkalusugan sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na pagtitiwala sa Culion MHNO.

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž Ipinapaalam sa lahat na ang Lokal na Pamahalaan ng Culion (LGU-Culion) ay magsasagawa ng TEAM BUILDIN...
30/09/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam sa lahat na ang Lokal na Pamahalaan ng Culion (LGU-Culion) ay magsasagawa ng TEAM BUILDING bukas, Huwebes, Oktubre 1, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Kaugnay nito, SARADO po ang lahat ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan sa nasabing petsa.

Upang maiwasan ang abala, hinihiling sa ating mga kababayan na ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at magtungo sa mga tanggapan simula Lunes, Oktubre 5, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Makaaasa kayo na patuloy na isinasabuhay ng LGU-Culion ang ating pangako sa maayos, mabilis, at mahusay na serbisyo publiko.

๐Ÿ“ข WORLD RABIES DAY 2026 ๐Ÿพ๐Ÿ’šSeptember 28, 2026Ang rabies ay isang preventable disease, at malaking bahagi ng pag-iwas dito...
28/09/2026

๐Ÿ“ข WORLD RABIES DAY 2026 ๐Ÿพ๐Ÿ’š
September 28, 2026

Ang rabies ay isang preventable disease, at malaking bahagi ng pag-iwas dito ay nagsisimula sa responsableng pag-aalaga ng ating mga pets.

Bilang pet owner, gawin natin ang ating bahagi:

๐Ÿถ Ipa-bakuna ang aso at pusa laban sa rabies.
๐Ÿพ Panatilihing ligtas at kontrolado ang ating mga alagang hayop.
๐Ÿšซ Iwasang lapitan o hawakan ang mga hayop na hindi kilala.
๐Ÿฅ Sa oras ng kagat o kalmot, hugasan agad ang sugat at magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC) o Animal Bite Center (ABC).

๐Ÿ’š Maging Responsableng Pet Owner para Stay Paw-tected!

Stronger Together! Sama-samang Labanan ang Rabies! ๐Ÿพ






แดกแดส€สŸแด… ส€แด€ส™ษชแด‡s แด…แด€ส | sแด‡แด˜แด›แด‡แดส™แด‡ส€ 28 ๐ŸพRabies is ๐’‘๐’“๐’†๐’—๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†, but once symptoms appear, it is almost always ๐’‡๐’‚๐’•๐’‚๐’. This World ...
28/09/2026

แดกแดส€สŸแด… ส€แด€ส™ษชแด‡s แด…แด€ส | sแด‡แด˜แด›แด‡แดส™แด‡ส€ 28 ๐Ÿพ

Rabies is ๐’‘๐’“๐’†๐’—๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†, but once symptoms appear, it is almost always ๐’‡๐’‚๐’•๐’‚๐’. This World Rabies Day, letโ€™s raise awareness and learn how we can protect ourselves, our loved ones, and our furry companions from this deadly disease.

๐Ÿถ ๐‘ท๐’“๐’†๐’—๐’†๐’๐’• ๐’“๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’†๐’”. ๐‘ท๐’“๐’๐’•๐’†๐’„๐’• ๐’๐’Š๐’—๐’†๐’”.
โ€ข Have dogs and cats vaccinated regularly.
โ€ข Avoid approaching or touching unfamiliar animals.
โ€ข Teach children how to interact safely with pets.
โ€ข If you are bitten or scratched by an animal, wash the wound immediately with soap and running water and seek medical care as soon as possible.
โ€ข Keep pets healthy, vaccinated, and properly cared for.

Letโ€™s work together toward a ๐ซ๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ-๐Ÿ๐ซ๐ž๐ž ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ through responsible ๐ฉ๐ž๐ญ ๐จ๐ฐ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ, ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ, and ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž๐ฅ๐ฒ ๐š๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง. Because preventing rabies starts with knowing what to do. ๐Ÿพ๐Ÿฉบ

๐™’๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™๐™–๐™—๐™ž๐™š๐™จ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 2026
โ€œ๐€๐œ๐ญ ๐๐จ๐ฐ: ๐˜๐จ๐ฎ, ๐Œ๐ž, ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ.โ€

17/09/2026

ALAMIN ANG MGA PARAAN PARA PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA DENGUE






๐ŸฆŸ WALANG NAKATAMBOK NA TUBIG, WALANG PAMUGARAN NG LAMOK! ๐ŸฆŸNapapansin ba ninyo ang mga naiipong tubig sa paligid ng bahay...
17/09/2026

๐ŸฆŸ WALANG NAKATAMBOK NA TUBIG, WALANG PAMUGARAN NG LAMOK! ๐ŸฆŸ

Napapansin ba ninyo ang mga naiipong tubig sa paligid ng bahay? Mag-ingat! Dito maaaring dumami ang Aedes aegypti, ang lamok na maaaring magdala ng dengue.

4 Tโ€™s laban sa pamumugaran ng lamok:
-TAOB โ€“ Itagilid o baligtarin ang mga lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
-TAKTAK โ€“ Itapon ang naipong tubig sa mga lalagyan.
-TUYO โ€“ Panatilihing tuyo at malinis ang mga lugar na maaaring pamugaran.
-TAKIP โ€“ Takpan nang maigi ang mga imbakan ng tubig.

๐Ÿ‘‰ Linisin ang paligid. Alisin ang stagnant water. Protektahan ang pamilya laban sa dengue!

Bawat isa sa atin ay may papel sa pagpuksa sa pamugaran ng lamok. ๐Ÿ’ช๐ŸฆŸ

HIV & AIDS: Alamin, Mag-ingat, Magpa-testAno ang HIV?Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay virus na umaatake sa immu...
17/09/2026

HIV & AIDS: Alamin, Mag-ingat, Magpa-test

Ano ang HIV?
Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay virus na umaatake sa immune system, lalo na sa CD4 cells. Kapag hindi nagamot, maaari itong humantong sa AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome)โ€”ang advanced stage ng HIV infection kung saan lubhang humihina ang immune system.

๐Ÿ“Œ Paano naipapasa ang HIV?
โ€ข Unprotected vaginal o a**l s*x
โ€ข Paggamit o pag-share ng contaminated needles/syringes
โ€ข Paghawa mula sa ina patungo sa sanggol kapag walang naaangkop na prevention at treatment
โ€ข Transfusion ng HIV-contaminated blood, bagamaโ€™t napakababa na ng panganib kung maayos ang blood screening

โŒ Hindi naipapasa sa:
๐Ÿค Pakikipagkamay o pagyakap
๐Ÿฝ๏ธ Pagsasalo ng pagkain o utensils
๐ŸฆŸ Kagatan ng lamok
๐Ÿ’‹ Karaniwang pakikipaghalikan

๐Ÿฉบ HIV โ‰  AIDS

Maaaring magkaroon ng HIV nang walang sintomas sa loob ng maraming taon. Sa tamang antiretroviral therapy (ART), maaaring mapababa nang husto ang HIV sa katawan at mapanatiling malakas ang immune system. Maraming taong may HIV ang maaaring mamuhay nang mahaba at malusog.

๐Ÿงช KNOW YOUR STATUS. GET TESTED.

Ang HIV testing ay mahalagang hakbang para malaman ang iyong status at makapagsimula agad ng naaangkop na care at treatment kung kinakailangan.

Walang stigma. Walang panghuhusga. Confidential ang HIV services. โค๏ธ

๐Ÿ‘‰ Magpa-HIV test. Alamin ang iyong status. Protektahan ang sarili at ang iyong partner.

=U

15/09/2026

HIV AT TB, SABAY NA MAIIWASAN GAMIT ANG LIBRENG PREP AT TPT

Detalye sa comment section.







Address

Barangay Balala
Culion
5315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Culion Municipal Health And Nutrition Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share