Daet Municipal DRRMO

Directions Website

Daet Municipal DRRMO Official Local Government Unit of Daet - MDRRMO Page

IMT Daet Nagsagawa ng Operational Period Briefing para sa Fluvial Procession ng Our Lady of PeñafranciaNagsagawa ng Oper...
25/09/2026

IMT Daet Nagsagawa ng Operational Period Briefing para sa Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia

Nagsagawa ng Operational Period Briefing ang Incident Management Team ng Daet noong Setyembre 25, 2026 sa Bantayog ni Rizal para sa isasagawang Our Lady of Peñafrancia Fluvial Procession. Pinangunahan ang naturang briefing ni Planning Section Chief PMSG Bella Perez at ni Incident Commander PLTCOL Chief Andy O. Rosero, sa patnubay ni MDRRMC Chairman Hon. Ronie C. Valencia at ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng IMT na kinabibilangan ng PNP Daet, Bureau of Fire Protection, Guardians, Philippine Red Cross Camarines Norte, CIA, MDRRMO Daet, mga Criminology Interns, 501st Reservist at C-HEMS Daet sa pangunguna ni LDRRMH Coordinator at C-HEMS Focal Person at Deputy Planning Section Chief Fara Ferrer Calimlim.

Layunin ng Operational Period Briefing na tiyakin na masusunod nang maayos ang mga layunin na nakapaloob sa Incident Action Plan. Binigyang diin dito ang maayos na koordinasyon ng bawat grupo, ang malinaw na paghahati ng tungkulin at ang kahandaan ng lahat ng responders. Ang lahat ng ito ay para matiyak ang kaligtasan at seguridad hindi lamang ng mga responders kundi lalo na ng publiko at ng mga deboto na makikibahagi sa banal na pagdiriwang.



Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer, MDRRMO Daet, Designated Information Officer

IMT Daet Nagsagawa ng Operational Period Briefing para sa National Surfing Competition sa Bagasbas BeachNagsagawa ng Ope...
25/09/2026

IMT Daet Nagsagawa ng Operational Period Briefing para sa National Surfing Competition sa Bagasbas Beach

Nagsagawa ng Operational Period Briefing ang Incident Management Team ng Daet para sa National Surfing Competition sa Bagasbas Beach noong Setyembre 23, 2026 sa mismong lugar ng kaganapan sa Bagasbas Beach. Pinangunahan ang pagtitipon ng mga miyembro ng IMT sa pangangasiwa ni PMSG Jennifer Perez bilang Planning Section Chief, sa gabay ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr at ni MDRRMC Chairman Hon Mayor Ronie C Valencia. Layunin ng nasabing briefing na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga responders, ng mga kalahok at ng publiko sa buong panahon ng kompetisyon.



Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer, MDRRMO Daet, Designated Information Officer

Huling Pagpupulong at Inspeksyon ng IMT Daet Para sa Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia Isinagawa sa Daet Riv...
22/09/2026

Huling Pagpupulong at Inspeksyon ng IMT Daet Para sa Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia Isinagawa sa Daet River

Isinagawa ang huling pagpupulong, inspeksyon at walkthrough ng Incident Management Team Daet para sa paghahanda sa gaganaping Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia noong Setyembre 22, 2026.

Ginanap ang aktibidad sa Barangay VIII, Downtown Daet, sa kahabaan ng Daet River.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng IMT Daet at MDRRMO Daet sa patnubay ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr at ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia. Ang pagpupulong at inspeksyon ay pinangasiwaan ni Planning Section Chief PMSG Bella A. Perez at ni PNP Daet Chief PLTCOL Andy O. Rosero.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kawani ng MDRRMO Daet, ang OLOPDA, ang Philippine Coast Guard at ang Sangguniang Barangay ng Barangay VIII.

Layunin ng nasabing pagpupulong at inspeksyon na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng kalahok at deboto sa nalalapit na Fluvial Procession.


Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer MDRRMO Daet Designated Information Officer

STAFF AT EMPLOYEES NG MDRRMO LUMAHOK SA SM INTERNATIONAL CLEAN-UP DRIVENakiisa ang staff at employees ng MDRRMO Daet sa ...
19/09/2026

STAFF AT EMPLOYEES NG MDRRMO LUMAHOK SA SM INTERNATIONAL CLEAN-UP DRIVE

Nakiisa ang staff at employees ng MDRRMO Daet sa isinagawang SM International Clean-Up Drive ngayong Setyembre 19, 2026 sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng SM City Daet kung saan isa sa mga lumahok ang LGU Daet sa pamumuno ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia at ng MDRRMO Daet sa pangunguna ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kalinisan ng baybayin sa pamamagitan ng coastal clean-up. Naging bahagi ito ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang karagatan at kapaligiran laban sa polusyon.

Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
Designated Information Officer
MDRRMO Daet




IMT DAET NAKAANTABAY SA PAGSASAGAWA NG TRASLACION NG OUR LADY OF PEÑAFRANCIANakaantabay ang Incident Management Team Dae...
17/09/2026

IMT DAET NAKAANTABAY SA PAGSASAGAWA NG TRASLACION NG OUR LADY OF PEÑAFRANCIA

Nakaantabay ang Incident Management Team Daet at MDRRMO Daet sa isinagawang Traslacion ng Our Lady of Peñafrancia ngayong Setyembre 17, 2026 sa Downtown Daet, Camarines Norte.

Pinangunahan ang nasabing pagbabantay ng IMT Daet at MDRRMO Daet sa suporta ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia at ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr.

Layunin ng pag-antabay na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko at ng mga responders na naka-deploy sa nasabing aktibidad. Patuloy na nakamonitor ang IMT at MDRRMO Daet katuwang ang iba pang ahensya upang maging maayos at ligtas ang daloy ng Traslacion.

Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
Designated Information Officer
MDRRMO Daet



OPERATIONAL PERIOD BRIEFING PARA SA TRASLACION NI OUR LADY OF PEÑAFRANCIA ISINAGAWA SA BARANGAY VIIIIsinagawa ang Operat...
17/09/2026

OPERATIONAL PERIOD BRIEFING PARA SA TRASLACION NI OUR LADY OF PEÑAFRANCIA ISINAGAWA SA BARANGAY VIII

Isinagawa ang Operational Period Briefing para sa Traslacion ni Our Lady of Peñafrancia ngayong Setyembre 17, 2026 sa Barangay VIII Covered Court, Daet, Camarines Norte.

Pinangunahan ang nasabing briefing ng Incident Management Team ng Daet sa gabay ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr. at sa ilalim ng patnubay ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia.

Layunin ng briefing na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga responders at ng publiko, lalo na ng mga deboto na makikilahok sa Traslacion. Tinalakay din ang mga gampanin ng bawat miyembro, deployment plan, at mga paalala para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng aktibidad.

Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
Designated Information Officer
MDRRMO Daet



IMT AT MDRRMO DAET DUMALO SA COORDINATION MEETING PARA SA NATIONAL SURFING COMPETITION AT SURF SUMMITDumalo ang Incident...
17/09/2026

IMT AT MDRRMO DAET DUMALO SA COORDINATION MEETING PARA SA NATIONAL SURFING COMPETITION AT SURF SUMMIT

Dumalo ang Incident Management Team at MDRRMO Daet sa isinagawang coordination meeting ng Municipal Tourism Office kaugnay ng paghahanda para sa National Surfing Competition at Surf Summit na isasagawa ng LGU Daet.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Jocelyn Cruz Sarical, ENP, Municipal Tourism Officer, at ginanap noong Setyembre 16, 2026 sa Daet Heritage Center.

Nakiisa sa naturang pagpupulong ang IMT Daet at MDRRMO Daet sa pamumuno ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr. sa ilalim ng patnubay ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia.

Tinalakay sa pulong ang mga preparatory activities, mga gampanin ng bawat tanggapan, at mga kaukulang paghahanda upang matiyak ang maayos, ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
Designated Information Officer
MDRRMO Daet



MDRRMO DAET KATUWANG NG MSWD SA PAGSASANAY NG CAMP COORDINATION AND CAMP MANAGEMENT SA BARANGAY GAHONONMatagumpay na nai...
16/09/2026

MDRRMO DAET KATUWANG NG MSWD SA PAGSASANAY NG CAMP COORDINATION AND CAMP MANAGEMENT SA BARANGAY GAHONON

Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay ukol sa Camp Coordination and Camp Management/PDRA noong Setyembre 16, 2026 sa Barangay Hall ng Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Maam Riza S. Moral. Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng barangay sa maayos na pamamahala ng evacuation camp sa panahon ng kalamidad, kabilang ang pagtiyak sa kaayusan, kaligtasan, at maayos na distribusyon ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Naging kalahok sa pagsasanay ang Barangay Council ng Gahonon sa pangunguna ni Punong Barangay Reynante S. Napao. Aktibong nakilahok ang mga opisyales at kawani ng barangay sa mga talakayan at workshop na inihanda ng MSWD.

Katuwang sa aktibidad ang MDRRMO Daet sa pamumuno ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr. sa ilalim ng patnubay ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia. Tinalakay ng MDRRMO Daet ang paksang Pre-Disaster Risk Assessment na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang barangay sa maagang pagtukoy sa mga posibleng panganib, pagsusuri ng kahinaan ng komunidad, at pagbuo ng mga angkop na hakbang upang mabawasan ang epekto ng anumang sakuna bago pa man ito dumating.

Sa kabuuan, naging maayos at makabuluhan ang isinagawang pagsasanay na nagbigay ng karagdagang kahandaan sa Barangay Gahonon sa pagtugon sa anumang sakuna na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad.





Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
Mdrrmo Daet Designated Information Officer

DAET IMT NAKIISA SA COORDINATION MEETING PARA SA OPLAN PEÑAFRANCIA 2026Nakiisa ang Daet Incident Management Team sa pama...
15/09/2026

DAET IMT NAKIISA SA COORDINATION MEETING PARA SA OPLAN PEÑAFRANCIA 2026

Nakiisa ang Daet Incident Management Team sa pamamagitan ng MDRRMO Daet sa isinagawang coordination meeting para sa Oplan Peñafrancia 2026 noong Setyembre 15, 2026 sa Brgy Hall ng Barangay VIII, Daet, Camarines Norte. Ang pagpupulong ay inorganisa ng Our Lady of Peñafrancia Devotees Association at ng Barangay VIII Council.

Ginanap ang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa PRC Camarines Norte, Philippine Coast Guard, 501st, C-HEMS Daet, MDRRMO Daet, Municipal Information Office, PNP Daet, at ng Lifeguards ng MDRRMO.

Pinangunahan ang pagpupulong ni PMSG Jennifer A. Perez, Planning Section Chief, kung saan inilahad ang mga plano, daloy, layunin, at istruktura para sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, emergency management service, crowd control, traffic management, at mga ruta.

Layunin ng pagpupulong na paghandaan ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng Traslacion at Fluvial Procession.

Ang MDRRMO Daet ay ginabayan ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr. at ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia. Ang pakikilahok ng IMT Daet ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga responders at ng publiko sa buong aktibidad.



Contributed by: Frederick Edward Q. Ferrer
MDRRMO Daet Designated Information Officer

PAGSASANAY SA BASIC EMERGENCY CARE SA BARANGAY SAN ISIDRONagsagawa ng Basic Emergency Care Training sa Barangay San Isid...
14/09/2026

PAGSASANAY SA BASIC EMERGENCY CARE SA BARANGAY SAN ISIDRO

Nagsagawa ng Basic Emergency Care Training sa Barangay San Isidro noong Setyembre 14, 2026 sa San Isidro Barangay Hall.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng MDRRMO Daet sa pamumuno ni MDRRM Officer Santiago M. Mella Jr., sa ilalim ng gabay at suporta ni MDRRMC Chairman Hon. Mayor Ronie C. Valencia.

Tinalakay at isinagawa sa nasabing pagsasanay ang tamang pamamaraan ng bandaging, lifting and moving, at immobilization bilang paunang tugon sa mga emergency at sakuna sa komunidad.

Dinaluhan ito ng mga residente ng Barangay San Isidro at ng mga nurse na nagsasagawa ng community works sa barangay. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng komunidad sa pagtugon sa emerhensya at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa tungo sa mas ligtas at maogmang Daet.





Contributed by: Frederick Edward Q.Ferrer
Mdrrmo Daet Designated Information Officer

Address

Andaya Road Cor Nia Rd, Brgy. Pamorangon, Camarines Norte
Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daet Municipal DRRMO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share