Rossano "Ronie" Valencia

Call Directions

Rossano "Ronie" Valencia Maogmang DAET ☝🏻

πŸπ’π“ & πŸππƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 ππ€π˜πŽπ”π“ πŽπ… 𝐋𝐆𝐔-𝐃𝐀𝐄𝐓 𝐄𝐗𝐏𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃 π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang 1st at 2nd Bat...
06/10/2026

πŸπ’π“ & πŸππƒ 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 ππ€π˜πŽπ”π“ πŽπ… 𝐋𝐆𝐔-𝐃𝐀𝐄𝐓 𝐄𝐗𝐏𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃 π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang 1st at 2nd Batch Payout ng LGU-Daet Expanded Scholarship Program para sa ating mga kabataang iskolar.

Sa bawat scholarship po na naipagkakaloob, nais nating iparamdam sa ating mga iskolar na may pamahalaang naniniwala sa kanilang kakayahan at sa magandang kinabukasang kaya nilang makamit.

Sa ating mga iskolar, gamitin ninyo ang pagkakataong ito nang buong puso at sipag. Mag-aral kayong mabuti, mangarap nang mataas, at balang araw, kayo naman ang maging inspirasyon at tulong sa iba.

Dahil ang tunay na halaga ng scholarship ay hindi lamang nasusukat sa halagang natatanggap ngayon, kundi sa mga pangarap na natutulungang mabuo at mga buhay na nabibigyan ng mas magandang pagkakataon.

Nagkaroon po tayo ng courtesy visit at coordination meeting ngayong araw kasama si Ms. Glenda Dasco, Regional Political ...
05/10/2026

Nagkaroon po tayo ng courtesy visit at coordination meeting ngayong araw kasama si Ms. Glenda Dasco, Regional Political Officer at staff ni Senator Bam Aquino, upang talakayin ang mga kasalukuyan at planong proyekto at programa ng LGU-Daet.

Napag-usapan din po namin ang mga posibleng programa at tulong na maaaring maiugnay sa ating bayan, partikular sa mga pangangailangang direktang makikinabang ang ating mga kababayan.

Mahalaga ang ganitong koordinasyon sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan. Sa pamamagitan ng maayos na ugnayan at pagtutulungan, mas marami tayong pagkakataong mailapit na serbisyo at suporta sa ating komunidad.

Maraming salamat, Ms. Glenda, sa inyong oras at pakikipag-ugnayan para sa Daet.

 : π’π”π’ππ„ππ’πˆπŽπ πŽπ… 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐒 𝐈𝐍 ππ”ππ‹πˆπ‚ π’π‚π‡πŽπŽπ‹π’ πŽπ… πŒπ”ππˆπ‚πˆππ€π‹πˆπ“π˜ πŽπ… 𝐃𝐀𝐄𝐓Bilang paggunita sa World Teachers’ Day,...
04/10/2026

: π’π”π’ππ„ππ’πˆπŽπ πŽπ… 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐒 𝐈𝐍 ππ”ππ‹πˆπ‚ π’π‚π‡πŽπŽπ‹π’ πŽπ… πŒπ”ππˆπ‚πˆππ€π‹πˆπ“π˜ πŽπ… 𝐃𝐀𝐄𝐓

Bilang paggunita sa World Teachers’ Day, suspendido ang klase sa mga Public Schools sa bayan ng Daet bukas, Oktubre 5, 2026.

Ito ay isang munting pagkilala at pasasalamat sa ating mga g**o, mga taong araw-araw na nagtuturo, gumagabay, nagbibigay-inspirasyon, at matiyagang humuhubog sa pangarap at kinabukasan ng ating mga kabataan.

Sa bawat aral na inyong ibinabahagi, may buhay kayong naaabot at kinabukasang inyong nababago.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo. Happy World Teachers’ Day! πŸŽπŸ“š

π‹πˆππ‘π„ππ† π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽππ† 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€π˜π€ππ† πƒπ€π„π“π„πΜƒπŽ! βš–οΈInaanyayahan natin ang lahat ng may pangangailangang l...
02/10/2026

π‹πˆππ‘π„ππ† π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽππ† 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€π˜π€ππ† πƒπ€π„π“π„πΜƒπŽ! βš–οΈ

Inaanyayahan natin ang lahat ng may pangangailangang legal na makiisa at samantalahin ang libreng serbisyong legal na gaganapin bukas, October 3, 2026, simula 7:00 AM sa Municipal Covered Court, Daet.

Makakasama natin ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Camarines Norte Chapter upang magbigay ng libreng legal advice, preparation of simple affidavits, at notarization of simple affidavits.

Maraming salamat sa IBP Camarines Norte Chapter sa pagbabahagi ng kanilang panahon at serbisyo, gayundin sa Lady Eagles Daet Chapter sa kanilang suporta sa programang ito.

Katuwang din natin ang Municipal Information Office sa pangunguna ni Municipal Information Officer Tomasito Santiago C. Turingan, ang ating 25 Punong Barangay, DILG, PNP, PSTMU, MSWDO, Local Civil Registrar, Municipal Assessor’s Office, at iba pang concerned offices.

Bukas po ito para sa lahat ng nangangailangan ng legal na payo at tulong. Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng libreng serbisyong legal.

πŸ“… October 3, 2026
πŸ•– 7:00 AM onwards
πŸ“ Municipal Covered Court, Daet

Pormal nang ganap ang operasyon ng traffic signalization sa intersection ng Pan-Philippine Highway at San Vicente Road, ...
01/10/2026

Pormal nang ganap ang operasyon ng traffic signalization sa intersection ng Pan-Philippine Highway at San Vicente Road, isang hakbang upang higit na maging maayos, organisado, at ligtas ang daloy ng trapiko sa lugar.

Kasama si Kapitan Jayson De Guzman at ang Sangguniang Barangay ng Lag-on, isinagawa rin ang paglalagay ng mga barikada sa bahagi ng Total Gas Station upang maiwasan ang counterflow at mga paglabag sa tamang direksyon ng pagpasok at paglabas ng mga sasakyan.

Hindi lamang po ito tungkol sa pagkakaroon ng traffic lights. Ang tunay na layunin ng signalization ay disiplina, kaayusan, at kaligtasan sa kalsada. Kaya naman hinihiling po natin ang pakikiisa ng bawat motorista, sumunod sa signal, gamitin ang tamang lane, at iwasan ang counterflow.

Ang kaayusan sa trapiko ay responsibilidad po nating lahat. Sa simpleng pagsunod, nakatutulong tayo upang maging mas ligtas ang biyahe ng bawat isa. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

π‡π€πππ˜ π–πŽπ‘π‹πƒ 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑'𝐒 πŒπŽππ“π‡!✏️🍎Bilang anak ng isang dating g**o, personal po para sa akin ang mataas na paggalang at pag...
01/10/2026

π‡π€πππ˜ π–πŽπ‘π‹πƒ 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑'𝐒 πŒπŽππ“π‡!✏️🍎

Bilang anak ng isang dating g**o, personal po para sa akin ang mataas na paggalang at pagpapahalaga sa ating mga educators. Alam ko kung gaano kalaki ang sakripisyo, tiyaga, at malasakit na inilalaan ng isang g**o, hindi lamang sa pagtuturo ng aralin, kundi sa paggabay at paghubog sa mga batang magiging bahagi ng ating kinabukasan.

Sa lahat ng ating mga g**o, maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, pag-unawa, at paniniwala sa bawat mag-aaral. Happy World Teachers’ Month! Taos-puso po ang aking pagbati at pasasalamat sa inyong lahat. Mabuhay po ang ating kaguruan!

Patuloy nating isinusulong ang mga simpleng hakbang na may direktang naitutulong sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga...
30/09/2026

Patuloy nating isinusulong ang mga simpleng hakbang na may direktang naitutulong sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.

Kabilang dito ang pamamahagi ng electric fan sa iba’t ibang paaralan sa Daet, upang makatulong sa mas maayos at mas komportableng learning environment para sa ating mga mag-aaral at mga g**o.

Kasabay nito, isang wheelchair ang naipagkaloob sa isang senior citizen na si Mr. Wilfredo Artiaga mula sa Brgy. Magang, isang simpleng tulong na maaaring maging malaking ginhawa sa kanyang paggalaw at pang-araw-araw na pamumuhay.

Hindi man malalaki ang bawat tulong, mahalaga na ito ay nakararating sa mga taong tunay na nangangailangan.

π…π‘πŽπŒ π…π‹π€π’π‡πˆππ† π“πŽ 𝐅𝐔𝐋𝐋 πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ: 𝐃𝐀𝐄𝐓 π“π‘π€π…π…πˆπ‚ π‹πˆπ†π‡π“π’ 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 π…πˆππ€π‹ π“π„π’π“πˆππ† 🚦Ngayong araw po ay patuloy ang final testing, ...
30/09/2026

π…π‘πŽπŒ π…π‹π€π’π‡πˆππ† π“πŽ 𝐅𝐔𝐋𝐋 πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ: 𝐃𝐀𝐄𝐓 π“π‘π€π…π…πˆπ‚ π‹πˆπ†π‡π“π’ 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 π…πˆππ€π‹ π“π„π’π“πˆππ† 🚦

Ngayong araw po ay patuloy ang final testing, calibration, at synchronization ng mga bagong traffic lights sa intersection ng Pan-Philippine Highway (AH26) at San Vicente Road. Ang flashing mode ay bahagi ng technical process upang matiyak na tama ang timing at coordination ng bawat signal bago ito tuluyang gamitin sa regular na operasyon.

Mula bukas, sisimulan na ang regular na operasyon nito, kasabay ng patuloy na monitoring at kinakailangang adjustments ng ating technical team.

Kaya habang isinasagawa ang final testing, calibration, at synchronization ng mga bagong traffic lights sa Pan-Philippine Highway (AH26) at San Vicente Road, hinihingi namin ang kaunting pasensya at pakikiisa ng lahat.

Hindi natin minamadali ang proseso. Tinitiyak muna natin na maayos ang timing at coordination ng bawat signal bago ito tuluyang gamitin sa regular na operasyon.

Simple man ang ilaw na ito, ang layunin natin ay simple rin ang mas maayos na daloy, mas ligtas na kalsada, at mas komportableng paglalakbay para sa bawat taga-Daet.

29/09/2026

π•πˆπ•π€ 𝐋𝐀 π•πˆπ‘π†π„π 𝐃𝐄 ππ„πΜƒπ€π…π‘π€ππ‚πˆπ€ πŸ’›

Tuwing Setyembre, muling ipinapakita ng mga taga-Daet ang isang panatang matagal nang bahagi ng ating buhay at pananampalataya, ang debosyon sa Nuestra SeΓ±ora de PeΓ±afrancia.

Hindi lamang ito isang pagdiriwang. Para sa maraming taga-Daet, ang PeΓ±afrancia ay panahon ng panalangin, pasasalamat, at tahimik na pag-aalay ng sarili at ng pamilya sa Mahal na Birhen.

Sa bawat kandila, panalangin, prusisyon, at simpleng pakikiisa, naroon ang kuwento ng mga debotong patuloy na humihingi ng gabay, nagpapasalamat sa mga biyaya, at kumakapit sa pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.

Viva la Virgen de PeΓ±afrancia!

Patuloy nawa nating mapanatili ang panatang ito, hindi lamang bilang tradisyon ng bawat Setyembre, kundi bilang pananampalatayang ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Address

Borabod
Daet
4600

Telephone

+639918588008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rossano "Ronie" Valencia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share